Knowledge

24 6 2
                                    

Bilang isang Class President, dapat lagi kaming handa sa mga mangyayari, o ginagawa ng mga kaklase namin, upang una, maiwasan ang gulo at pangalawa, well, para di kami laging pagalitan ni Teacher. 

Ako si Paolo, kasama ang buddy ko at Vice President ng klase namin na si Katrina. Naglalakad-lakad kami sa isang mahabang corridor na punong puno ng mga kwarto ng mga nagrerehab. Gumagala kami para siguraduhin ang kaayusan ng klase. Di naman sa Killjoy kame, pero gusto lang namin na maayos lahat sa last fieldtrip namin bilang mga Highschoolers.

Habang naglalakad kami, nakaamoy ako ng masangsang na amoy. Amoy na di kinaya ni Katrina, kaya pinaupo ko muna siya sa isang bench sa tapat ng isang pinto habang diretso akong naglakad. Sobrang sangsang ng amoy, na di kinakaya ng dalawa kong kamay na nakatakip sa aking ilong, kasama na ang damit ko at jacket na pigilan ang amoy na pumasok sa ilong ko. Sinubukan kong hindi na huminga, pero di ko kaya. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko nang makita ko sina Diana at ang grupo nilang magkakaibigan, nakaupo na parang tulala, luhaan ang mata, ang iba sa kanila ay nakayuko, humahagikhik ng sobra. Kaagad akong tumakbo papunta sa kanila.

"Anong nangyari? Ano yung naamoy ko?" Kaagad kong tanong, nag-aalala. Di nagsalita si Diana, bagkus, tumuro sa pinto sa tabi nila na di gaanong nakasara. Dahan-dahan akong lumapit, at bago ko pa buksan, gumulong sa mga paanan ko ang walang kabuhay-buhay na katawan ni Lee. Nanlaki ang mga mata ko at napasigaw. Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Kasama ko lang sila sa Reception kanina. Napatitig ako at nasuka nang makita ang kanyang mga lamang-loob na para bang nginuya ng isang hayop na maraming ngipin at dinura. Naduwal ako. Tinignan ko muna kung sino-sino ang nasa loob, at nakumpirma kong anim silang magkakaibigan na nawalan ng buhay. Di ko pa alam ang nangyari, pero sigurado akong hindi sina Diana ang gumawa. Ibang iba ang pagkakamatay nila, na para bang gusto silang kainin. Inalalayan ko silang lahat at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa bench kung saan ko unang pinaupo si Katrina, pero nang makarating kami ay wala siya doon. Pinaupo ko din ang magkakaibigan, pilit na pinapakalma at tinatahan sila sa pag-iyak. Napansin kong wala si kat kaya tinawag ko ang pangalan niya, ngunit walang sumagot. Nang mahimasmasan silang magkakaibigan, kaagad akong nagsend ng isang group message para sa buong classroom.

"Mga classmates, kung nasaan man kayo, please meet us sa fountain downstairs. May masama akong balita. I need you all there by 4:00pm. Please BE CAREFUL EVERYONE. Thanks."

Iniisip ko pa kung paano sasabihin sa kanila yung nakita ko. Nagtaka din ako kung san napunta si Kat.

-----------

"3:15 pm na." Malakas kong sinabi. Naiwan akong naghihintay dito kay Pao. Di kinaya ng tiyan ko ang amoy na sumalubong samin sa daan. Ilang beses kong pinigil masuka, pero nang makakita ako ng isang basurahan, kaagad kong kinuha iyon at naduwal.

Nang matapos, naupo ako ulit at hinintay na lamang si Pao, pero nang mapansin kong natatagalan na siya, naburyong ako. Tumayo ako at nag isip na maglakad-lakad, pero di gaanong malayo para mabilis niya akong mahanap. Pagtayo ko, napansin ko ang pinto sa tabi ko na bukas, kaya inisip kong tumingin, at nakita si Teacher Ryan na parang may inaayos. Nakita niya ako at tinawag.

"Kat, halika nga at makikisuyo ako sayo." Mahinahon niyang sabi. Pumasok ako sa kuwarto. Ang kuwarto ay malaki, punong-puno ng mga kama, ang iba'y may dugo. Hah! Di nakakatakot. Lumapit ako kay Teacher at nagtanong kung anong maitutulong ko.

"Hawakan mo nga muna itong lubid. May titignan lang ako sa labas." Sabay abot sa aking ng lubid na makapal. Kaagad ko itong kinuha at naupo sa lapag, tinitignan si Teacher habang mabilis siyang naglakad papunta sa pinto-- upang makita ang malakas niyang pagkandado sa hawakan nito. Lumapit siya sa akin ng dahan-dahan, ngumingiting parang baliw. Kinakabahan ako. Parang puputok yung puso ko nang makita siyang unti-unting nag-iiba ng itsura.

"Tignan mo nga naman yung hapunan ko." Bigkas niya habang nakita ko ang mukha ng aking guro na nahulog sa lupa. Nakaramdam ako ng matinding sakit, at nawalan ako ng malay.

--------------

Nakatulala lang kami ni Aaron sa nakita namin pagbukas ko ng pinto. Sumigaw si Fonsie na isara ko ang pinto pero natigilan ako, di ko alam ang gagawin. Nakahawak ako sa pinto pero di ko to maisara. Natigilan lang ako, takot sa aking nakikita. Kaagad na tumayo si Andrei at hinampas pasara ang pinto, sabay tawag sa akin.

"REIN ANO KA BA? Gusto mo bang mamatay?" Sigaw niya. Nakakarinig kami ng ingay mula sa labas, at nang dumungaw kami mula sa bintana'y nakita naming kinakain ng propesor ang lalaking puro tahi sa kanyang katawan. Nandiri kami, maliban kay Aaron na paulit-ulit na sinasabing "Alam ko nang mangyayari to e. Sinasabi ko na. Nakakaramdam na ako e." Napaparanoid kaming lima nang biglang magvibrate ang phone ko. Nagsunod-sunod ang vibrate sa mga phone namin at binasa ang message ng aming class President na si Pao.

"Paano tayo makakapunta doon sa reception kung hindi nga tayo makalabas dito. Tingin ko magkukulong na lang tayo dito." Panukala ni Loyd, na siya namang tinutulan ni Andrei. "Tingin ko may importanteng sasabihin si Pao, at kailangan nating malaman yon. Alam natin na seryoso na ang nangyayari, at kailangan din nating ipaalam sa kanila ang mga nalalaman natin. Kelangan nating makala--" Natigilan si Andrei sa pagkalabog ng pinto. Malalakas na hampas ang sinasalo ng pinto, at anumang oras ay maaari itong masira. Kinakabahan, humanap ulit kaming lima ng pang-harang. Iniurong namin ang isang malaking cabinet at iniharang sa tapat ng pintuan, na nagpatigil sa mga dabog. Nakahinga kami ng maluwag, pero alam naming hindi magtatagal yon.

Kelangan naming umisip ng paraan upang makalabas. 

---------------

Simula nang makita ko si Teacher sa banyo na hawak-hawak ang mga bangkay ng mga kaklase kong babae, di ako makapaniwala. Pilit kong tinatanggal ang memoryang iyon sa isip ko. Ayokong maniwala. 

"Hebe, ayos ka lang?" Tanong niya, nakaharang sa pinto ng kwartong pinasukan namin.

Nang makita namin ang insidente, kaagad kaming tumakbo. Mabilis na mabilis. Di na namin inintindi kung saan kami dadalhin ng aming mga paa. Nakakita kami ng isang kwartong bukas ngunit madilim. 

"Oo, ok lang ako." Sagot ko, at nagpaalam ako na maghahanap lang ng switch upang mabuksan yung ilaw. 

 Nangapa ako sa dilim, kinakamay kung ano mahawakan ko, at nakakapa ako sa isang malambot na bagay. Dahil di ko naman makita kung ano, kinapa-kapa ko ito. 

May buhok, at parang mamasa-masa. Di ko na sana balak pang pansinin ito nang marinig ko itong mag-ingay. Tumayo ang balahibo ko. Dahan dahan kong ipinasok ang kamay ko sa bulsa, at kinuha yung phone ko, ini-on ang flashlight at inaninag ang bagay na nahawakan ko. Nagulat ako, kinilabutan, natakot. Gusto kong sumabog, umiyak, tumakbo nang makita kong..

..may nagambala akong isang nilalang sa Mealtime niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A5ylumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon