Pakiramdam ko ngayon ay buo na ulit ang pagkatao ko. Ganoon pa man maraming tanong ang bumabagabag sa akin. Paanong nangyari na nabuhay sila? Bakit ganito ang ayos ko at nila? Bat parang ang misteryoso ng paligid? parang may kakaiba e.
Naisipan kong magpahangin sa hardin, gusto kong makalanghap ng preskong hangin. nililibang ko ngayon ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa mga halaman at bulaklak. Tila ba'y ikinumpas ng kapangyarihan dahil sa kagandahang hatid ng mga ito. Nahihiwagaan pa rin ako.
" Magandang hapon prinsesa !" may narinig akong nagsalita. Boses ito ng isang lalaki. Agad kong hinanap kung saan ito nagmula ngunit wala naman.
Nakita ko ang paggalaw ng mga halaman. Maaring naroon siya ! Tumakbo ako papunta roon kahit pa nakadress ako.
Pero wala akong nakitang kahit ano. Guni-guni ko lamang ba iyon? Nagsitaasan ang mga balahibo ko. Kinikilabutan ako.
" m-may tao ba dyan? kung sino ka lumabas ka na !" Kunti na lang ay hihimatayin na ako.
"kamusta?" Hinanap ko ang tinig na iyon pero bigo na naman ako.
"nasaan ka huh? di kita makita !" Pasigaw kong sabi dahil natatakot na talaga ako.
" nasa harap mo na ako mahal na prinsesa".
NASAAN KA BA KASING ANIMAL KA !?
" nasaa- duwende ka?" is this real?
" maliit lamang ako mahal na prinsesa ngunit hindi ako duwende" pagpapaliwanag pa niya. Ge ! magdeny ka pang ulupong ka.
"maliit ka ibig sabihin duwende ka unano !" Kagigil ka huh !
" nagkakilala na pala kayo?" papa
Narinig ko si papa, hinarap ko siya at nagbigay galang tulad ng mga napapanuod ko sa mga fairytale.
"ama?" nagtataka kong tawag sa kanya. Ano bang ganap dito?
" jervis anong hitsura iyan? inuutusan kita, bumalik ka sa dati mong anyo" utos ng aking ama.
" Paumanhin kamahalan masusunod po." jervis
Biglang nagkaroon ng liwanag mula sa duwende. Wala akong makita, nasisilaw ako. Sa muli kong pagmulat ay nawawala na ang liwanag. May nakita akong lalaki na mas matangkad sa aking ama. oh holy sh*t ! para siyang hinulma ng napagkatagal at ito ang naging resulta. Isang greek God ! Matangkad, mahabang mga pilik mata, mapupungay na matang maaring tumunaw sa iyo kapag ika'y kanyang tinitigan, mapulang mga labi. Sa madaling salita full package. Tara deliver ko sa bahay niyo, pa-LBC ko.
" Scarlet anak? ayos ka lamang ba?" pag aalalang tanong ni ama.
Bigla akong nagbalik sa aking katinuan matapos ang makamundong pagnanasa ko sa lalaking nasa aking harapan ngayon.
" Maayos na maayos po ako mahal na hari." Paninigurado ko sa kanya.
I saw him smirked. Sakalin kaya kita diyan ! Inirapan ko lamang siya tanda ng disgusto ko sa kanya.
" Mahal na prinsesa, nais kong ipakilala sayo ang iyong magiging tagapaglingkod." iyon ang narinig ko kay ama at muli akong humarap sa lalaking iyon.
Siya ba? MY GHAD ! kung siya rin lang wag na. I can manage myself. Di ko kailangan ng kahit sino. Lumaki akong walang kasama sa buhay, ngayon pa kaya?
" kamahalan ibig kong magpakilala ,ako si Jervis Sohei maglilingkod sayo ng buong puso't may katapatan". Lumuhod siya matapos niyang magsalita bilang pagbigay galang sa akin na magiging bago niyang paglilingkuran.
" Ngunit ama ... hindi ko naman kailangan ng tulad niya kaya ko pong protektahan ang aking sarili sa kahit ano mang panganib." lakas ng loob mo scarlet.
" bakit hija ?" pagtataka niya sa aking mga sinabi.
" kailangan pa po ba talaga ng magbabantay sa akin?"
" scarlet hija ! alam mo kung sino ka sa bayang ito, isa kang prinsesa gusto lang namin ng iyong ina na kahit wala kami ay may puprotekta sa iyo sana wag mong masamain ang aking ginagawa !" Paglilinaw niya sa kanyang gustong mangyari.
" naiintindihan ko po kayo ,pero ayaw ko po na oras-oras may nasunod sa akin." Nagsisimula na akong mainis, pero di ko pinapahalata.
" mahal na prinsesa ayaw mo man hindi na magbabago ang aking pasya " Pagmamatigas ni ama.
" pero ama !" hayst !
" wala ng pero pero , yan na ang aking desisyon at yun ang masusunod. Naiintindihan mo ba scarlet?" ani ni ama. Tumango ako, gusto ko pa sanang magsalita pero nakaalis na siya. Nakakainis !
Nanlilisik ang mata kong tumingin sa lalaking hanggang ngayon ay nakaluhod. Tumingin siya sa akin pero saglit lamang. Bahala ka diyan ! Manigas ka ! Bwisit !
Nagpapadyak ako at tuluyan ng umalis.
BINABASA MO ANG
My Magic Dream World
FantasyAnong gagawin mo kung magising ka sa isang mahiwagang mundo? papayag ka bang dito na tumira at mamuhay kasama sila? ano ang dapat nyang piliin ang mundo na pinapangarap nya noon pa o ang kanyang tunay na mundo? handa ka bang pasukin ang mundo ko? i...