Nagmadali akong mag-ayos , may kailangan akong malaman tumingin muna ako sa paligid bago lumabas ng aking silid baka kasi nndyan si jervis.
*tok-tok
" kurt?"
" pasok ka kamahalan "
" salamat!"
" walang anuman ! maupo ka, ano ang iyong sadya at naparito ka kamahalan?"
" may gusto akong malaman"
" ano naman iyon?"
" Fairy... anong alam mo tungkol sa kanila?"
" fairy ba kamo? hmm.. tagapagbantay sila ng mga nilalang na nabubuhay dito sa ating mundo , may mga kapangyarihan din sila , mapalad raw ang tao kapag nagpakita sa kanila ito kahit sa panaginip lamang suswertihin daw"
" mapalad?"
" oo kamahalan, sapagkat isang beses lamang sila magpakita sa panaginip "
" napakamisteryoso pala nila"
" hahaha! totoo iyan kamahalan, napakamahiwaga nila.. hindi ko man nababanggit bata pa man pangarap ko na makakita ng fairy"
" mukhang mahirap yun kurt, salamat sa impormasyon !"
bago pa man ako makalabas ng kaniyang silid ay-
" sandali.."
napatigil ako , humarap sa kanya at hinintay ang susunod nyang sasabihin.
" kapag ilang beses siya/sila nagpakita sa panaginip ng isang tao ,isa lamang ang ibig sabihin nun kamahalan ... may gusto syang ipahiwatig"
BINABASA MO ANG
My Magic Dream World
FantasyAnong gagawin mo kung magising ka sa isang mahiwagang mundo? papayag ka bang dito na tumira at mamuhay kasama sila? ano ang dapat nyang piliin ang mundo na pinapangarap nya noon pa o ang kanyang tunay na mundo? handa ka bang pasukin ang mundo ko? i...