haayysst ! hindi ko naman kailangan ng magbabantay sa akin >_<
" ppsst! what are you doing ?"
tiningnan nya ako ng ( anong-sinasabi-mo-look?)
" ano po yun kamahalan?"
" I said what are you doing ?"
" a-ano pong linggwahe ang iyong sinasabi mahal na prinsesa?"
" u-uhm, sabi ko anong ginagawa mo ?"
" inaalis ko po kamahalan ang mga dumi na nakasiksik sa aking mga kuko"
" tsk ! inuutusan kita ! itigil mo iyan !"
" sandali, mahal na prinsesa bakit ganyan ang pakikitungo mo sa akin?"
" nagtaka ka pa! wala .. hindi ko naman kase kailangan ng tulad mo !"
" wag nyo ako kagalitan kamahalan, ang mahal na hari dapat iyon"
" ewan ! gusto ko magpahinga wag mo akong susundan, malilintikan ka sakin"
" ngunit kamaha-"
" tama na ! basta hindi pwede !"
umakyat ako sa pangalawang palapag dahil nais ko ng magpahinga , sa pinakadulo nito matatagpuan ang aking kwarto.
habang naglalakad ay may napansin akong kumikinang na liwanag ...
sobra akong nausisa kung ano ang bagay na yun , kaya nilapitan ko kung saan ito nagmumula.
medyo nakabukas ang pinto dahan dahan akong sumulip , nagulat ako sa nakita ko may magic si kurt? sa bawat kumpas ng kanyang hintuturo ay may kung anu-anong lumalabas.
nalilito ako, kailan pa sya nagkaroon nito?
" mahal na prinsesa papanuorin mo na lamang ba ako mula sa kinatatayuan mo ? halika !"
p-paano nya nalaman na nandito ako?
eh ! nakaupo sya sa kanyang higaan at nakatalikod mula sa akin, nakapagtataka naman.
" may kapangyarihan ka?"
" oo naman, kaya lang nagtataka ako sayo kamahalan simula noong isang araw di mo pa ginagamit ang iyong kapangyarihan"
may magic din ako?
" a-ayoko lang , uhmm sige ! paalam kinamusta lamang kita kung ika'y mabuti"
" salamat sa pag aalala mahal na prinsesa" ngumiti sya ng pagkalapad lapad
nagmadali akong maglakad patungo sa aking silid, ginaya ko ang ginawa kani-kanina lang ni kurt pero walang nangyayari.
" bakit wala? bakit si kurt madali lang nya nagagawa?"
>_<
bumalik ako sa silid ni kurt subalit nadatnan kong natutulog na sya, ang bilis naman.
nang tumingin-tingin ako sa loob ng kwarto nya ay may isang bagay na nakapukaw ng aking pansin at yun ay ang maliit na lumang kwaderno.
pasimple ko itong kinuha at bumalik na sa aking silid.
sinimulan ko itong basahin , kada pahina na aking mababasa ay naglalaman lamang ng mga spell.
wala pala dito ang hinahanap ko
pero wika ni kurt ay mayroon din akong kapangyarihan?
bakit hindi lumalabas? nasaan? sa papaanong paraan ko ito magagamit?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
pasensya na kung ngayon lang ulit nakapag update..
sorna ! hhaahh
keep on reading guys !
thank youuuuuuuuuuuuu
inuyasha_09
PLAGIARISM IS A CRIME !
BINABASA MO ANG
My Magic Dream World
FantasiAnong gagawin mo kung magising ka sa isang mahiwagang mundo? papayag ka bang dito na tumira at mamuhay kasama sila? ano ang dapat nyang piliin ang mundo na pinapangarap nya noon pa o ang kanyang tunay na mundo? handa ka bang pasukin ang mundo ko? i...