"MOM, sa'n mo dinala si Tiffany? Where is she?!" Galit na galit na pagsugod ni Bearlan sa ina.
"What are you talking about?! Pinauwi ko na, 'di ba?"
"Huwag ka nang magsinungaling! Nandoon si Rick at sabi niya hindi umuwi sa bahay nila si Tiffany! Nasa'n siya?! Sabihin mo sa akin!"
"Hayaan mo na siya! Wala na si Tiffany!"
"Ang sama mo! Ang sama mong ina! Bakit ayaw mo akong maging masaya?!" mas malakas na bulyaw ni Bearlan. Nawala na nang tuluyan ang respeto niya rito.
"Sir Bearlan, relax lang po! Mommy niyo po ang kausap niyo!" Buti na lang at pamamagitna ni Vicky bago pa man siya makagawa ng pagsisisihan.
"Aaahhhh!" Pigil na pigil niya ang galit kaya naman tumalikod na lang siya. Akmang aalis siya nang tawagin siya ng ina.
"Bearlan, huwag mo na siyang hanapin!"
Natigil siya sa pag-alis at nakuyom niya ang kanyang dalawang palad na muling nilingon ang ina. Pahingal na ang paghinga niya sa nagsusumigitsit na galit. Bakit ba ganito ang mga magulang niya? Bakit parehas na lang kontrabida sa buhay niya?
"Utang na loob, huwag mo na siyang sundan dahil sinisiguro ko sa ito, makakabuti para sa kanya kung nasa'n man na siya ngayon!"
"Hindi niyo ako naiintindihan!"
"Ako ang hindi mo naiintindihan, Bearlan! Sa tingin mo ginagawa ko ang lahat ng ito para lang masunod ang gusto ng iyong ama?! Hindi, Anak, dahil ang lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo!"
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Kilala kita dahil ako ang iyong ina. Noong una, oo naniwala ako na bakla ka pero hindi nagtagal ay nakuha rin kita. Na ginagawa mo lang lahat para mapigilan ang kasal at naki-ride ako sa 'yo para hindi na magpilit pa ang Daddy mo at kunwari ay ako na ang bahala sa lahat! Ang hindi ko lang inasahan talaga ay ang mai-in love ka kay Tiffany at sa ganoong kabilis."
"Hindi mo pa man siya nakilala ay mahal ko na si Tiffany kaya sabihin niyo na sa 'kin kung nasa'n siya dahil hindi ko kayo mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kanya!"
"Ipapadala ko siya sa America!"
"What?!"
"Yes, at gusto rin niya. Nag-usap na kami nang maayos. Noong una ay hindi siya pumayag pero sa huli siya mismo ang nagsabi sa akin na tinatanggap na niya ang offer ko. Gusto niya talagang makatapos ng pag-aaral kaya please, son, I'm begging you. Hayaan mo na si Tiffany. Hayaan mo siya na tuparin niya ang mga pangarap niya."
"Hindi! Dahil susundan ko siya do'n!"
"Sige! Do it! Gawin mo nang sa ganoon ay masira lahat ng plano ko sa inyong dalawa!" Madramang napabuntong-hininga si Madam Amelia pagkuwan ay napapikit. May luhang tumakas sa mga mata nito. "Sa ngatin siguradong binabasa na ni Tiffany ang sulat ko at sigurado akong nakangiti na siya ngayon."
"What the hell! Ano'ng sinasabi niyo?!" Nalito na talaga si Bearlan.
SA AIRPORT kung saan dinala ng driver mas naging emosyonal pa si Tiffany habang binabasa niya ang nakalakip na sulat sa mga pera na ibinigay ni Madam Amelia sa kanya kagabi matapos ang huli nilang pag-uusap. Gayunman, mas nakaramdam siya ng kaluwagan dahil hindi na siya masyadong nagi-guilty sa feeling niya ay pagtatraydor niya kay Bearlan. Sapagkat sa huling sandali na kanyang pag-iisip kagabi, ang mag-aral sa Amerika ang kanyang huling pinili.
TIFFANY, SALAMAT. SALAMAT DAHIL TAMA ANG PINILI MONG DESISYON. AT PARA MALAMAN MO, HINDI KO HINAHADLANGAN ANG PAG-IIBIGAN NIYO NG ANAK KO. PERO SABA MAUNAWAAN MO NA BAWAT PAGMAMAHALAN AY MAY SAKRIPISYONG NANGYAYARI. AT SA INYO NI BEARLAN AY ITONG PAGHIHIWALAY NIYO PANSAMANTALA ANG INYONG PAGSUBOK.
TIFFANY, MAG-ARAL KANG MABUTI SA AMERIKA KAPAG NANDOON KA NA. AKONG BAHALA SA 'YO. KAILANGAN MONG MAKAPAGTAPOS DOON PARA BALANG ARAW KAPAG IPAPAKILALA KA NA NAMIN SA ASAWA KO AY MAY MAIPAGMAMALAKI KA NA.
TIFFANY, GINAGAWA KO 'TO SA IYO PARA SA ANAK KO AT SANA GAWIN MO RIN 'TO PARA SA KANYA KUNG TOTOONG MAHAL MO SIYA. GAGAWIN MO 'TO PARA BALANG ARAW AY KATANGGAP-TANGGAP KA NA NA MAGING PARTE NG PAMILYA GRYLLS.
"Opo, Tita, para po kay mama at para kay Bearlan, mag-aaral po akong maigin. Hindi ko po kayo bibiguin," madamdaming tugon ni Tiffany habang tinitiklop niya ang sulat. Sulat na halis nabasa na ng kaniyang mga nagpapatakang mga luha.
Hindi nagtagal, tinawag na ang mga pasahero sa flight na kaniyang kinabibilangan. Sumakay siya roon na ni konti ay wala nang pag-aalanga.

BINABASA MO ANG
MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)
RomansaNoong namatay ang mama niya, ipinangako ni Tiffany na makakatapos siya ng pag-aaral kahit na ano ang mangyari at sa kahit na anong paraan. Kung kaya't ginawa niya ang lahat para sana maituloy niya ang pag-aaral. Subalit ay sobrang nahirapan siya. Ha...