Promise: CHAPTER ONE

17 1 0
                                    

"Don't worry. Babalikan kita, Ninin..."

She sniffed while rubbing her nose using her left arm and then raised her right palm na animo nanunumpa. "Promise?"

He smiled her back and raised his palm too. At pinagdaop nito iyon. "Promise,"




Nasha's Point Of View...

"Teh? Ayos ka lang?"

I was taken back when Minwhan snapped her fingers mismo sa tapat ng mukha ko. Tinampal ko siya ng mahina sa braso. "Oo. Ayos lang ako."

"Sure ka?" Paninigurado pa niya.

I nodded. "Yes,"

"Kung ganon, punta tayong mall pagkatapos mong ligpitin yang gamit mo."

"Sabi na eh! Punta ka ng punta sa mall eh wala ka namang binibili." turan ko sa sinabi niya habang nililigpit ko yung mga gamit ko sa bag. "Pero sige, kaso may idadaan muna ako sa library. Ibabalik ko lang 'tong hiniram kong libro."

"Gagi ka ba?" ta's sinapok niya ako ng mahina kaya I gave her a glare. "Mamaya mo na isauli. Andaming oras, o." sabay pakita niya sakin yung wrist watch niya.

12 na pala ng tanghali. Break na pala.

I rolled my eyes at isinakbit  ko na yung bag ko. "Wala siguro sa vocabolary mo ang motto na, Time is gold."

Sumunod siya sakin sa paglabas ng classroom. "Duh? Makaluma na yang mga paniniwala mo eh," patirik ang mga mata na sabi niya.

"Wag ka, ibabalik ko pa rin 'to." giit ko.

Nabigla ako nang bigla niyang hatakin ang braso nang tutuloy na sana ako sa library. Napalabas tuloy ako. "Sige na! Break naman na eh! Gutom na kasi ako!"

"Pero–"

"Yaaah! Let's go! You're babo, you know!"

Sinapok ko siya sa sinabi niya. "Hoy! Sa six years na magkaibigan tayo, may mga naiintindihan na rin ako sa mga Korean word na sinasabi mo! Hindi ako tanga 'no."

"Haha! Peace!"

~Ako nga pala si Nina Natasha Ayson. Just call me Nasha. Graduated na sa highschool and last year na lang sa college. Hindi naman ako working student. Yung tamang lagay lang. Haha! Anu raw?

Nakalabas na kami ng University ni Minwhan. Bestfriend ko since second year highschool. Pure blooded Korean siya and Pure Daldalera. 10 years na rin sila ng pamilya niya rito, kaya kahit papano hindi baluktot kung magsalita ng Tagalog. Mahilig siya gumala. Lalo na sa Mall. Wala naman binibili. Kuripot eh. Pati ako dinadamay sa pagiging libutera.

"Kamusta na yung Ate mong masungit?" tanong niya habang nagtingin kami sa kaliwa't kanan. Baka may biglang sumulpot na sasakyan, mabundol pa kami.

Sinamaan ko siya ng tingin—nang makalipat kami sa kabilang sidewalk—sa sinabi niya.

"Masungit ka diyan! Sapakin kita eh!" defense ko sa Ate ko sa kanya. "Hindi naman masungit yun. Hindi lang kasi kayo close."

~Pero honestly, masungit talaga yung Ate ko. As in! Ang sungit sungit. Hindi ko nga lang alam kung masungit siya dahil ba sa hindi kami tunay na magkapatid or sadyang ganun lang siya.

And you read it right. Hindi kami tunay na magkadugo ni Ate Jin. Ampon lang ako ng mga magulang ko. Pero ayos lang. Tanggap naman nila ako, tanggap ako ni Ate Jin at tanggap ko sa sarili ko na hindi ko sila tunay na magulang. Kahit na hindi nila ako tunay na anak, ramdam ko sa Mama at Papa ko at sa Ate Jin na minamahal at tinuturing nila akong tunay na anak at kapatid.

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon