Promise: CHAPTER FIVE

13 2 0
                                    

Waiting is worth it....

X~O~X~O


Nasha's Point Of View....

"Kyaaaaaah!!!!!!! May VIP ticket na 'ko para sa concert ng EXO na magaganap sa January 23-24. Nasha! Makakapunta ako sa Black Pearl! Kyaaaaah!!!!!" Hindi matigil-tigil na tili ni Minwhan sakin.

Grabe. Hindi na nahiya ang isang 'to. Andaming tao ang nakatingin sa direksyon namin. Tss. Saka, oo na. Siya na meron. Hindi ako pinayagan ng Ate Jin ko. Whew! Ako na yata ang malas na EXO-L ang hindi makakapunta sa concert ng EXO!!!! Gusto ko pa namang makita si Baekhyun! *face palm*

Nasa park kami ngayon. Wala lang. Nagkaayaan lang kaming dalawa. Miss na miss na daw niya 'ko eh. Sinisingil nga ako na kesyo yung regalo ko daw nung Pasko. Jongina, no?

"Ikaw, Nasha? Meron ka na?" atat na tanong sakin ni Minwhan. Ano 'to? Insulto lang?

Napapout ako. "Wala."

"Ommo! Naku! Kailangan mo ng bumili at pumila! Naku! Mauubusan ka!"

Napaface palm ako. "Hindi ako pinayagan ni Ate Jin. At kailanman ay hindi ako papayagan ni Ate Jin." naiiyak na emote ko.

Jongina! Gusto kong makita si Baekhyun! Kahit yung buhok lang niya sa personal, maswerte na 'ko. Atleast makita ko man lang.

"Mwo?!?!"

Mula sa pagkakatulala ko ay napatingin ako kay Minwhan at... "Uwaaaaa!! Minwhan! Pano na 'to?! Gusto kong makita kahit si Baekhyun lang! Alam mo namang ultimate bias ko yun eh! O kaya kahit si Luhan lang, ayos na!"

[A/N: Opo. Kumpleto ang EXO sa kwento na 'to. Ayokong may umaalis sa kanila. Kaya kahit dito sa kwento man lang ay maisip ko/natin na OT12 sila.]

"Gagi ka?" sabay sapok sakin. "Paano mo sila makikita kung wala kang ticket? Kung ako sayo, gagawa ako ng paraan."

Anong gagawa ng paraan? Si Minwhan yata ang gagi eh. Hindi niya alam kung pano ako blockmail-in ng Ate Jin ko. Kapag gumawa ako ng paraan, siguradong mawawala ang kinabukasan ko. Mawawala ang EXO sa kwarto ko. Hindi ako makakabili ng posters at anupamang stuffs na related ang EXO. Sama talaga ng Ate ko kapag nakatopak. Alam ko naman na nagaalala lang siya sakin, pero malaki na 'ko. I'm already 23 years old, though nasa college pa rin. Late kasi akong pumasok nuong highschool days ko. Basta yun na yun.

Sa totoo lang, hindi naman malayo ang Black Pearl. Si Ate lang ang nagsasabi na malayo ang Black Pearl dito. In fact nga, 2 hours lang ang biyahe. OA lang talaga si Ate Jin.

"Tsk,"





PAGKAUWI.....

Uhm.... Bakit ang tahimik sa bahay? Wala sina Papa at Mama?

Dumeretso ako sa kusina. Bubuksan ko na sana yung ref para kumuha ng malamig na tubig–kanina pa kasi ako nauuhaw. Ako nga yata ang nauhaw sa kakatili ni Minwhan eh– nang may makita akong sticky note na nakadikit doon. Inalis ko ang pagkakadikit para mabasa iyon...

Nasha,
Your Papa have an out of town meeting. Nasa Cebu kami sa loob ng isang linggo. Kailangan daw ng makakasama nang Papa mo, so sumama na 'ko. Hindi naman pwede ang Ate Jin mo dahil may hinahandang meeting project sa Company'ng pinagtatrabahuhan niya. Sige. Ingat kayo diyan. Ibinilin na kita sa Ate Jin mo.

Love,
Mama and Papa.

Kaya pala walang magulo sa bahay. Kadalasan kasi, pagkauwi ko galing school or pagkauwi galing sa paggagala–na pasimuno lahat ni Minwhan–ririnig ko ang talak ni Mama. Sinesermunan si Ate Jin na kesyo ang higpit daw ni Ate sakin. Minsan naman, kausap si Papa sa telepeno na animo kung makasigaw, nasa kabilang bundok ang kausap.

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon