Promise: CHAPTER TWO

13 1 0
                                    

"Hoy, bata, ayos ka lang?" tanong ng batang babae sa batang lalaki na nakaupo sa likod ng sofa. Yakap ng batang lalaki ang dalawang tuhod habang umiiyak.

"Tch! Alam mo, sa loob ng dalawang araw mo rito wala pang nakakaalam sa pangalan mo. Ano? Ayos ka lang ba?" ulit niya.

"Umalis ka na! Wala kang pakialam kung umiiyak man ako." masungit na sabi nito sa kanya.

Eksaheradong sumimangot siya at tinabihan ang batang lalaki. Ginaya niya ang pagkakaupo nito at ang pagkakayakap sa mga tuhod. "Kung iniiyakan mo ay ang pagkapunta mo rito sa ampunan, dama ko yang nararamdaman mo. Pero dalawang araw ka pa lang naman dito eh. Eh ako? Simula siyam na buwang taong gulang  ako eh narito na 'ko sa ampunan. Sino ang mas matagal na satin dito? Ako diba? Kaya 'wag ka ng umiyak, bata. Ano'ng pangalan mo? Ako nga pala si Nina. Nalaman lang kasi ang pangalan ko sa lampin na may burda na nakabalot sakin nang makita ako ni Sis Yuna. Uhm... 8 years old na 'ko. Alam mo, napulot at nakita lang ako ni Sis Yuna sa basurahan sa tapat ng gate nitong ampunan. Nakalagay raw ako sa kahon. Madungis. Simula nang magkaisip ako, lagi kong tinatanong kay Sis Yuna at kay Mother Jenna na bakit ako iniwan ng mama o ng papa ko rito? Hindi na ba nila ako mahal? Pero ang sagot nila; Mahal daw nila ako. Mahal ako ng mama ko kaya nagawa niya ang bagay na 'to. Siguro, hindi raw ako kayang palakihin ng Mama ko o baka wala raw pangkain sakin kaya ginawa niya ang bagay na 'to. Saka sabi pa ni Sis Yuna at Mother Jenna sakin, 'wag daw akong magtanim ng galit sa mga magulang o sa Mama ko. Dahil hindi raw iyon maganda sa paningin ni Jesus. Masama raw yun. Kaya kahit iniwan ako ng mga magulang ko rito ay okay lang. Kasi nariyan naman sina Sis Yuna, Sis Dina at Mother Jenna para alagaan at palakihin ako ng maayos.  Kaya ikaw bata, 'wag kang magmukmok diyan at umiyak na parang ang tagal mo na rito. Two days ka pa lang naman dito, ah? Alam mo, 'yang pag-iyak iyak mong 'yan, ka-OA-yan na 'yan. Saka, 'wag mong iiyak yan or ikimkim. Kung may problema ka, magsabi ka. Masama sa puso ang magkimkim ng sama ng loob. Mabigat. Hindi maginhawa. Kaya it's better to being a straight forward." mahabang lintanya niya. "Saka, siguro dahil dinala ka lang ng Papa mo rito ay may aasikasuhin si---"

"Wala akong Papa." Nabigla siya ng bigla itong magsalita. Pinunasan nito ang bibig at ilong gamit ang braso nito. "Hindi mo ba nakita two days ago, ako lang mag-isa ang nakita mo rito? Tch!"

Tinaasan niya ito ng isang kilay at kasabay niyon ay ang pagbatok niya batang lalaki. "Aray!" daing nito.

"Alam mo, sa haba ng sinabi ko kanina, 'yan lang matatanggap ko sa'yo? Nag-expect pa naman akong magkukwento ka na eh! Ang sungit mo, grabe ka!"

"Eh hindi ko naman sinabing magkwento ka ha?"

"Grabe! Nakakaiyak naman ang talambuhay mo... Huhuhu." kunway sabi na lamang niya. Assuming that this boy told his life. "Alam mo, bata, kesa sa umiyak ka ng umiyak diyan, itulog mo na lang yan. Hating gabi na, o." aya niya at akmang tatayo na siya nang magsalita ito.

"Tawagin mo na lang akong Chan-Chan. Siyam na taong gulang na 'ko, kaya 'wag mo na 'kong matawag-tawag na bata. Mas matanda pa 'ko sa'yo ng isang taon. Saka kung makapagsalita ka, akala mo napakatanda mo na. May pa-advice-advice ka pa. Tch!"

"Bakla ka ba? Tch ka ng Tch. Maiwan na nga kita. Wala kang sense kausap eh,"

Akma na ulit siyang tatayo nang maramdaman niyang may humila sa kaliwang kamay niya. "Teka lang, bata. Dito ka muna, please?"

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon