Promise: CHAPTER SEVEN

23 1 1
                                    

Nasha's Point Of View.....

"How are you, Nasha?"

It's January 22 and it's Friday night. Ka-skype ko si Ate Jin ngayon. Two weeks na rin since nakaalis na siya sa Pilipinas.

"Okay naman, Ate. Ikaw? Kamusta ka na diyan? Namimiss ko na yang bunganga mo eh." I tried to be cheerful para hindi siya mag-aalala.

She rolled her eyes. "I miss you too. I'm doing fine naman though hindi pa ako sanay na malayo... Sayo."

Tumawa ako. "Ikaw, Ate ah? Kinikilig ako."

"Eeewww!"

Humagalpak na lang ako ng tawa.

~Kung ano-anong napag-kwentuhan namin. Sinabi ko na rin sa kanya na okay na 'ko at kahit papa'no nakaka-recover na 'ko sa nangyari. Lagi kasi akong inaaya ni Minwhan na gumala na hindi naman ako pinagalitan ng Ate ko about that.

"Kaya ikaw, Ate, medyo libang-libangin mo ang sarili mo diyan."

"Hindi ako nagpunta rito sa America para gumala, 'no? Ano? Do you still have allowance?"

Umiling ako. "Meron pa, Ate."

"Umiling ka then you answered me 'Meron pa, Ate'. Niloloko mo ba 'ko?"

Tinawanan ko na lang si Ate sa sinabi niyang yun. Nang mag-aalas nwebe na, in-end call na niya.

"Hey! Don't you dare to attend in EXO's Concert tomorrow ha? Sasapakin kita kapag nalaman ko. I've connection in there, Natasha." She said bago niya i-end call.

Grabe talaga si Ate Jin, o! Pati ba naman yun, pinaalala pa sakin? Jongina! *burst into laughing*

Pabuntong-hininga na humiga ako sa kama. Pilit ko nang ibinabalik yung dating ako. Yung masayahing ako. Basta yung ako.

"Alam mo, Nasha, kahit ano pang gawin mong iyak at mukmok sa kwarto mo, hindi na maibabalik sina Tita at Tito. Just accept the truth na wala na sila. Sapalagay mo ba, masaya sina Tito at Tita kung makikita kanilang miserable ha? Aniyo! Kaya please! Move on. Ibalik mo na yun dating ikaw."

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, Minwhan! Iniwan na 'ko dati ng bestfriend ko at walang kasiguraduhang babalikan pa ba niya 'ko! Namatay sina Mama at Papa at hindi mo pa nararanasan ang ganito kaya mo nasasabi yan!"

"Gagi ka talaga, Nasha! Sinasabi ko 'to para sa'yo! Hindi ko sinasabi ang mga 'to dahil sa hindi ko pa naranasan, pero sa sitwasyon mo ngayon, parang nararanasan ko na eh! You're my bestfriend, Nasha! Please, stop this. Pumasok ka na school. Three days ka ng hindi pumapasok. Isusumbong kita sa Ate mo."

Yan yung conversation namin ni Minwhan nang madatnan niya 'ko dito sa bahay na umiiyak. Sabay daw sana kaming pumasok pero yun nga. Ganon yung nadatnan niya. Nag-away pa nga kami. Nagkatampuhan ng ilang araw pero nagpa-sorry na 'ko. Ako rin ang may kasalanan eh. Ayun. Okay na kami. Lagi na rin niya 'kong hinihintay dito sa bahay kahit na ang layo ng bahay niya sa bahay namin. Mahigit one hour din ang binabyahe niya samin. Kitam, ang tyaga ng bestfriend ko kahit may pagkatalakera nga lang. Siya nga yata ang tunay kong nanay eh. =___=!


PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon