Chapter 1

36 0 3
                                    

           Ako si Marjorie dela Rosa. Call me Marj for short. Isang simpleng third year student. Hindi gaanong matalino, hindi gaanong maganda, basta, katulad lang ng ibang estudyante na tinatamad mag-aral. Oo tamad ako, kasi, ang pinupunta ko sa eskwelahan ay hindi naman talaga ang leksyon o ang mga guro, ang pinupunta ko ay ang mga kaibigan ko lang at ang nag-iisang inspirasyon ko- si Crush. :”>

          Siya si Vince. Christian Vince Uy. Gwapo, matangkad, matalino, basta lahat lahat na nasa kanya. Kaya nga relate na relate ako sa kanta ni Daniel Padilla eh, yung “Nasa Iyo Na Ang Lahat”. Hindi nga lang niya alam na may gusto pala ako sa kanya. Paano naman kasi, pag nalaman niya, baka niya ako iwasan, close na sana kami ngayon. Ay mali! Bespren ko na nga pala siya. Ahihi :">

          Yun nga lang, hindi ako kagandahan, samantalang halos lahat ng mga bulaklak na nakapalibot kay Vince ay ang gaganda. Ako? Parang bulaklak lang na hidi nadiligan kaya ngayon ay nangangayayat. Pero ang lamang ko sa kanila ay palagi kaming magkasama ni Vince. Minsan ay tinanong ko siya, “Bakit ba ako na ngayon ang sinsamahan mo?”.

Wala lang, nakakatawa ka kasi.

          Ano ako, clown? Nakakatawa talaga? Pwede naman niyang sabihin na masarap ako kasama kasi marunong ako magpatawa, ‘di ba? Daig ko na pala si Mr. Bean ngayon, mukha palang, alam mong makakatawa ka na. Pero totoo naman talaga eh. Gumagawa ako ng paraan para mapatawa siya. Mahirap ha, hindi kaya ako si Vice Ganda! Pero bahala na. Isa lang naman ang pinanghuhugutan ko, yung nabasa ko sa internet. Ang sabi, “A person can easily fall in love with you if you always make him laugh” kaya ngayon, nagkakandarapa na ako sa langit humihingi kay Lord ng mga jokes na pwede kong ibala sa kanya. Kaya lang, parang mali yung nabasa ko sa internet, sa halip kasi na siya ang mainlab sa akin, ako ang nahuhulog sa kanya sa tuwing tumatawa siya, o kahit ngumiti man lang.

         Isang araw, nabangga ko siya sa may lobby. Hindi ko siya napansin dahil sa pagmamadali ko. Naku, dedo tayo nito! Parang may narinig akong disco, yun pala, ang  heart ko lang na daig pa ang speakers sa lakas ng pagvibrate.

"Ay! Sorry Vince! Hindi ko talaga sinasadya. Medyo nagmamadali lang kasi ako eh." Panira naman talaga. Kasalanan ko rin naman, ang tagal ko kasing gumising.

"Uy, kailan ka pa ba natutong humingi ng 'sorry' sa akin? Ha??? Nakakapanibago naman!"  Sabi niya sabay pisil sa mukha ko. Medyo masakit, pero okay lang.

"Ahhh, nabigla lang ako. Ikaw? Hihingan ko ng 'sorry'? Baket, close ba tayo??? Eh hindi nga kita kilala eh." Mataray ko namang sagot, sabay walk out.

"Ang sungit mo ha. Sabayan nalang kita. At let me remind you, Friday ngayon, wala yung first subject teacher natin. Kaya wag ka ngang OA diyan. Mas papangit ka pag hindi ka titigil sa pagmamadali mong iyan." Ay shunga. Friday nga pala ngayon. Kakainis! Ni halos makalimutan ko na ngang suklayin yung buhok ko kanina sa bahay, tapos wala naman pala kaming teacher!?

*awkward silence habang naglalakad*

Nagtataka ako. Bakit ba ang tahimik niya ngayon? Nakakapanibago naman. For sure, marami siyang iniisip ngayon. Sino kaya??? I mean, ano kaya?

Nakarating kami sa classroom. Nagtilian ang lahat. Tinutukso pa naman kaming dalawa ni Vince!? Eh alam naman nilang mag-BFF kami di ba? Langya. Ang ingay talaga ng mga kaklase ko. Haiskul students talaga. 

Pagkatapos, umupo na kami. Makatabi kami, of course!

"Marj, sino ba'ng crush mo?"Parang seryosong patawa na tanong ni Vince.

A…ako? Crush?” Napangiti nalang ang tangang babaing ito.

Tapos, ni-narrate ni Vince ang lahat lahat ng heart throbs sa school namin, pero niisa sa kanila, wala akong nagustuhan. Kaya tinawag niya akong Ms. Heartless. Heartless ba ka mo? Baka ikaw ang “eyeless”, hindi mo nakikita kung ano ang katotohanan… kung sino talaga ang crush ko.

Bakit Hindi Ka Crush ng Bespren Mo!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon