"Hoy mga bruha, ano ba talaga ang gusto ninyong palabasin?"
Nandito kami sa canteen nina Trisha at Jaz ngayon. Nanglibre pa talaga ako sa kanila para lang samahan ako dito. Kasi, lately, napapansin kong hindi na nila ako sinasamahan. Parang mga bata lang na 'pag nagsawa na sa isang laruan ay saka naman iiwan lang.
"Alam mo Marj, tinutulungan ka lang namin." Pakalmang sabi ni Jaz.
"Oo nga. Ayaw mo namang aminin na natutuwa ka sa naisip naming paraan???" Dagdag pa ni Trisha.
"Nakakainis rin kayo ha. Sabi ko, hindi ko crush si Vince!!!" Oo, sinabi ko yun. Pero alam ko namang hindi maniniwala saken yung dalawang yun eh. Basang-basa na nila yung utak at dalawang mata ko.
"Alam mo Trisha, kailan pa kaya siya magsasawa sa pag-dedeny niya?!"
"Oo nga. Tayo pa mismo ang linoloko. Baka nakakalimutan niya NA SA DIARY NIYA LANG NAMAN NATIN NA-CONFIRM na crush niya talaga si Vince."
Tapos sabay silang nagtawanan. Ang galing naman ng dalawang to. Parang invisible lang ako. Nag-fo-front biting pa. Tss.
---------------Trisha's POV------------------
Ehto na naman si Marjorie. Dumedeny na naman. Hhhmmp! Sanay na kami ni Jaz diyan. Kahit pumuti pa ang lahat ng mga uwak na lilipad sa harapan ko, hindi talaga ako maniniwala na hindi crush ni Marj si Vince. Akalain mo, isang babaing maypagkaseryoso, ganito ang isusulat sa kanyang diary!?
June 6, ****
Dear Diary,
First day of school. Yehey! Grade 6 na ako! Isang taon na lang, high school na ako. Excited ako. Pero wag muna tayong magfocus sa high school. Ngayon muna ^_^
Alam mo, classmate ko na naman si Vince! Akalain mo, grand slam kami!!! Since grade 1 palang, classmate ko na siya. And you know what, mas guma-gwapo siya ngayon kung ico-compare ko nang magka-crush ako sa kanya noong grade 2. Kaya ngayon, mas naging crush ko na siyaaaa ♥.♥
For sure, pag naging high school na kami, magiging heart throb siya, tulad ng mga nakikita ko sa mga teleserye at movies! At kapag magiging classmates pa rin kami, naku! ako talaga ang manliligaw sa kanya. Hahaha joke lang. Kahit maging best friend ko lang siya, ok na.
Oh, sha. Mag-a-assignment muna ako (oo, grabe naman pala ang grade 6 teachers namin, first day pa lang, may assignment na agad), total may inspiration naman ako. Bye bye! ;)
Oo, Grade six diary lang niya ang nanakaw namin ni Jaz (hahaha ninakaw talaga namin nang mag-sleep over kami sa bahay nina Marj). Tatlo yung nakita naming diary, nung grade 2-3, grade 4-5 at grade 6 lang. So yung latest ang kinuha namin. Akala nga namin andun rin yung mga memories niya nung first year kami, ngunit wala eh. Kasi, punong-puno yung diary niya ng mga moments nila ni Vince.
--------------Marjorie's POV---------------
Paparating si Vince. Lumiwanag naman ang mga mata ng dalawang bruha na nasa harapan ko. Ako ba talaga ang may-crush kay Vince? Ako lang ba talaga ang dume-deny? Baka sila talaga yung may tinatago sa akin. Hahaha joke lang. Sina Trisha at Jaz, may ka-M.U. na. Kaya walang malisya sa akin kung bakit luma-light up yung mga mata nila kung makikita nila si Vince. Ang swerte nga ng dalawang yun eh, mga heart throbs pa sa school yung nabingwit. Ang babait pa! Kaya siguro gusto nila akong "tulungan kay Vince". Para di na ako forever alone pag may date sila. -_-
"Marj, puntahan muna namin si Vince ha." Sabi ni Trish sabay kidhat sa akin.
"Uy, sama ako. Bespren ko naman yan eh."
"Huwag na Marj. Palagi nalang kayong magkasama ni Vince eh. Kami naman this time! At saka kakausapin lang namin siya. Huwag kang over protective. Hindi namin siya gagalawin. Sayong-sayo na siya." Sabi ni Jaz at umalis na sila.
Hala, hindi ko naman ipinagdadamot si Vince eh. Ano bang masama kung feel ko lang na sumama sa kanila diba? Hay naku.
Lumapit sila kay Vince. Hindi na ako umalis sa kinauupuan ko. Total, kitang-kita ko naman sila mula dito.
Nag-uusap sila ngayon. Ang saya nila. May pakidhat kidhat pang nalalaman ang dalawang bruha (sorry kung paulit ulit, yun lang talaga ang term ko sa "babae"). At ngumingiti pa si Vince ngayon. Yung ngiting pag nakikita mo nakakalimutan mong buhay ka pa pala. Parang nasa heaven kana kasi pag nakita mo yung smile niya. Teka, ako lang ang nagpapangiti sa kanya ng ganyan ah! Bakit....Bakit ganun? Ano ba ang pinag-uusapan nila?
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ka Crush ng Bespren Mo!?
Novela JuvenilSi Marj ay isang simpleng babae na palihim na may gusto sa best friend niyang si Vince. Araw-araw silang magkasama- nagtatawanan at nag-aasaran. Darating kaya ang panahon na mapapansin ni Vince ang feelings ni Marj para sa kanya? At kung malaman man...