Chapter 2

25 0 0
                                    

------------------------------------    

   Hay, ang sarap talaga ng buhay-estudyante pag may crush. Bag niyo pa nga lang ang nagkatabi, kinikilig ka na. Paano pa kaya kung kayo na talaga ang magkatabi? Eh nasa heaven ka na! Haaayyy, sino kaya ang crush ni Vince? Sana ako, kahit katiting man lang.

“Ano sa tingin mo Marj? Uy Marj! Kanina ka pa tulala ah! May dumi ba sa mukha ko? Bakit nasa mukha ko nakatingin ang mga mata mo?”

            Naku naman! Ang dami ko kasing iniisip, hindi ko tuloy siya napakinggan. At nakatitig pa ako sa kanya the whole time! Gaga.

“A… ano?” Heto na naman si Ms. Tanga, hindi alam kung ano ang sasabihin.

“Ano ba ang iniisip mo? Bakit parang ang lalim? Uyy, naiisip mo si crush noh?”

“Ako? Hmmp! Wala akong crush ha!” Heto na naman ako. Dume-deny kahit obvious na obvious na trapped na ako. *facepalm*

“So sino yung iniisip mo? Aber!?”

"Ako? Ahh... eh, wala! Naisip ko lang, paano kaya ako magiging matalino sa math?" Buti nakahanap ako ng palusot.

"Math? Eh sisiw lang yan saken eh!" Pagmamayabang niya.

"I know right. Magaling ka naman talaga sa Math eh. Ako lang yung hindi. Nakakainis naman talaga. Lalo na yung teacher natin hindi ko maintindihan kung mag-discuss. Kung makaturo lang parang mga henyo ang mga estudyante niya -_-"

"Hmmm... si Teacher pa talaga ang sinisisi!? Eh ikaw naman talaga yung mahina sa subject na  iyan eh. Hahahahaha!"

Palibhasa, matalino siya sa math. Hindi ko nga alam kung ano ang nasa mga lalaki eh. Parang sila lang yung nagugustuhan ni Math.

-------------------------------------------------

Pagkatapos, may dalawang babae na pumunta sa table na tinatambayan namin ni Vince, sabay hagis ng books nila sa harap namin.

"hoy Vince, ang kapal nga naman ng mukha mo!"

Ano daw?

Bakit Hindi Ka Crush ng Bespren Mo!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon