" Hoy Vince, ang kapal nga naman ng mukha mo!"
SIgaw ni Trisha. Trisha May Ocampo. Kasama niya si Jaz Mouri (half Japanese siya, mother nya ang Pilipina). By the way, sila yung girl best friends ko na unang nanunukso sa akin kay Vince. Medyo nakakairita rin paminsan-minsan (kasi baka mabuko ako) pero at least, hindi sila nanunukso kapag kasama ko si Vince. Kung baga, binibigyan "daw" nila "kami" ng "privacy".
Napatulala kami ni Vince.
"Ano ba'ng sinasabi ninyo, kayong mga bruha?" Patawang sabi ni Vince.
Napatunganga nalang ako -_-"
"Excuse me, Vince. Sa MATH ka lang MATALINO. SA MATH LANG. Baka nakakalimutan mo, si Marj ang gumagawa ng mga homeworks mo sa Chemistry, sa English, sa Filipino at sa MAPEH." Sabi ni Jaz sabay kidhat sa akin.
Bakit ganun? Parang ako ang nahihiya.
"So? Ano'ng gusto niyong palabasin!?" Tanong ni Vince. Kinakabahan naman ako sa mga pinag-uusapan ng mga kaibigan kong 'to.
"Ang gusto lang naman namin ay MAGTULUNGAN KAYO. Magpatutor ka sa kanya sa Chem, English, MAPEH at Fil, at ikaw naman Marj, magpaturo ka sa kanya ng Math. See? Problem solved!" Proud na proud talaga si Trish sa idea na naisip niya -_-
Nagtinginan kami ni Vince. Ngumiti siya sa akin. Lord, paghindi niya pinigilan ang smile niya magkikita na talaga tayo ngayon!
"So ano guise, game na kayo jan! Para sa inyo naman yan eh ;)" Cheer ni Jaz.
Ano ba'ng isasagot ko? "Ahhh... ehhh..."
"Sige, game ako!" Sabi ni Vince.
Sina Trisha at Jaz talaga. Nag-b-BDO na naman para mabuking ako. "We find Ways"-yan ang nababasa ko sa mga mata nila right now.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ka Crush ng Bespren Mo!?
Teen FictionSi Marj ay isang simpleng babae na palihim na may gusto sa best friend niyang si Vince. Araw-araw silang magkasama- nagtatawanan at nag-aasaran. Darating kaya ang panahon na mapapansin ni Vince ang feelings ni Marj para sa kanya? At kung malaman man...