Battle 18

83 3 0
                                    

Pafollow po.

GAILE'S POV

Katatawag lang ni Nanay sinabi sakin na Dapat daw mabayaran na namin yung utang kay Mang Ramon.

Ginigipit na kase sila kailangan ko na talagang tapusin to dapat doblehin ko pag tatrabaho ko para makuha ko na ang pera. Ayokong biguin sila nanay. Sakin lang sila umaasa kawawa nman sila pati mga kapatid ko ako ang panganay kaya dapat ako ang mag ahon sa kanila sa hirap. Ayokong mamatay sila na isang kahig isang tula.

Pupunta kami sa Office ngayon. Sabado naman ngayon eh saka sabi ni Matthew mamaya pa ang gimik nilang barkada.

" GoodMorning Agents! " Bati samin ng mga co-Agents namin.

" Hello Miss ko na kayo! Kayong lahat " ngumiti sila sakin.

Nga pala. Day off ko din sa pag didisguise. Wala naman sa school eh. Then meeting lang kami about sa mga Sebastian.

" Oh The Big Three are here! Please sit down. " Sabi ni Kalbo. The Big Three huh? Haha

Sabay sabay kaming umupo sa malapit sa table ni sir.

Hindi pa nangangainit ang pwet ko sa upuan nag salita naman si Kalbo. Walang balak mangamusta?

" Agents. For your information, Na Sugod na ang sinasabing hide out nung nahuli niyo sa Bar. May nasakote kaming isang babae tatlong lalaki. "

Grabe mukhang tatagal pa talaga to ang hirap naman! Baka di abutin sa pag bayad ko kay mang Ramon.

" Na interview na namin sila. Ang alam natin is yung kapatid ni Sir Albert ang master mind. Yung Kuha sa litrato, look here's the photo kuha yan sa cellphone ng tauhan nung master mind paliwanag niya nadamay lang siya dahil kailangan ng pera ng pamilya niya kasama siya sa bar nung nakaraan nakatakas sila kasama yung dalwang iba pa " sabi ni Sir nakatingin lang kami sa print na photo na pinapakita niya samin.

Hindi pwede to!

Ilang ulit ko mang ipilig ang ulo ko ayun padin sila padin to.

Hindi talaga pwede to! Bakit Sila?

" Ito yung statement niya sa pulisya panuorin niyo muna "
Saka binuksan ni sir yung TV

" N-natatako-kot po kase a-ako gusto ko na ding pong sumuko... K-kaso tinakot po ako nila! sila po! " umiiyak na siya at bakas ang matinding takot .
Saka may dinukot sa bulsa

" S-sila po ma'am,sir ito po mga
Mukha nila na-ki-kita ko po sila lahat d-dun sa p-pinag trabahuhan ko sabi sakin ni Ma'am taga li-linis po ako k-kaso yun po pala ang trabaho ko. Nadamay lang po ako sa kanila parang awa niyo na po!!" Basa na buong pisnge niya ng luha niya. Nakakaawa siya kapot sabpatalim.

" Bakit mo sila kinuhaan ng picture Miss? " Sabi ng imbestigador dun sa babae

Pinahid niya muna ang luha niya.
" K-kase po para pag su-muko nako o kaya po nahuli na ko papakita ko po sa inyo palihim lang po yan kaya yung iba po naka side view "

Para maging ebedensya niya kapag sumuko na siya. Baka nga naman hindi siya paniwalaan kase malaking isda sa mundo ng business ang tao sa likod nito.

Tiningnan ko ang mga pictures na hawak ko. Nakita ko ang isang lalaki na naka harap babae na nakatalikod base sa haba ng buhok nito isa siyang babae at itong lalaki na naka side view.

Bakit? Bakit nila to ginagawa?

Ano bang koneksyon nila kay Avery?

" Based on their investigations it's seems hindi ang kapatid ni Mr. Sebastian ang Master mind. Kundi iba kase patay na ang kapatid ni Mr. Sebastian dalwang taon na ang nakalilipas, pinatay siya kasama ang asawa niya sa bahay nila pero ang anak nilang si Dennis Calderom ay nakatakas at di pa lumilitaw hanggang ngayon, sigurado akong hindi pa alam nila Mr. Sebastian ang tungkol dito. Kailan lang sumuko ang hepe ng pulisya na may hawak sa kaso binayaran daw sila para wag nang asikasuhin ang kasong yun. At wag ipalabas sa media at wag ipaalam sa mga kaanak. Para may matinding dahilan ang mga taong ito dahil kung aanalisahin mo pag tagpitagpiin lumalabas na sila ang may pananagutan sa nangyare sa kapatid ni Mr. Sebastian lalong lumalawak ang kaso na ito kailangan tayong makakuha ng lead Agents madaming buhay ang nawala dito, kaya dapat matuklasan natin ito. " napapikit ako sa mga narinig ko.

Pati dito sa litrato nato.

" Gaile diba? Si mahsisiwbsnalaojeh ----- "
Pinutol ko sasabihin ni Trix mabuti pa sa bahay na kami mag usap usap.

" Oo siya nga pala sir una na kami! Tara na Mac. "
Hinila ko silang dalawa papuntang parking.

Dapat muna naming iatos ang lagat ng to.

" Gaile si Anthony ni Nathan to diba? May alam sila sa pang yayari? " halata namang hindi na nakatiis si Trix na mag tanung.

" Hindi ko alam. Bago palang natin aalamin! " Sabay tingin ko kanila.

Napabuga nalang ako ng hangin.

Sa mundong ito talaga karamihan peke. Kahit yung pinag kakatiwalaan natin minsan peke,

Gustuhin ko mang sabihin kay Avery lahat ng nalaman ko ngayon hindi ko magawa, hindi din naman maniniwala sakin yun kase sa tingin niya isa kung walang kwentang babae na nerd, mataba, pangit.

Minsan nasasaktan ako kapag sinusungitan niya ko kapag sinasabi niyang balyena ako. Kahit hindi totoo masakit gusto kong sabihin sa kanya na pwede niya kung magustuhan kase hindi naman ako mataba. Sexy din ako. Kaso hindi pwede.

Unfair talaga ang mundo.

--------
Soorrrrna agad! Haha ❤️

Chubby Nerd Is A HotBabe Secret Agent?Where stories live. Discover now