Battle 3

107 4 0
                                    

GAILE'S POV

Nandito kami sa office ng University President. Nag tataka nga kaming tatlo nila Trix at Mac eh. Pinatawag nalang kaming bigla Kahit On-Going ang discussion ng Prof namin. Habang nakaupo kami dito sa sopa at inaantay si Madam president nag kukwentuhan nalang kami para di mainip.
"Trix san mo nga pala gagamitin yung pera na makukuha mo pag tapos nitong mission natin?" Tanong ko. Kase si Trixcie ay anak mayaman although alam ng parents nya yung work nya eh diba delekado padin may mga company naman silang pag-aari and she's 21, old enough to handle some properties ng mga magulang nya.
" Uhm. Kase Gaile gusto kung mag pa tayo ng bahay yung bahay ko lang ? Lage naman kase silang wala sa bahay wala ding silbi malulungkot lang ako dun " aniya
Ganun talaga ako lumaking may pag mamahal na nakukuha kahit salat sa pera . Pero sya? Labis sa pera kulang sa tender love and care! (T.T) so sad!
" Sapat na sa negosyo kong Coffe Shop yung makukuha ko sa trabaho natin. Gusto ko kaseng mag tayo talaga ng negosyo ng sarili ko " singit ni Macky. Si macky naman may kaya din sila sa buhay at katulad ni Trixcie wala din parents nya dito sya pinaka matanda samin kase 23 na sya. At gwapo din sya pero di ko bet haha! Mas gusto ko si poker face! Hahaha landi ko!
"Enggggggg!!" Sabay tingin sa pinto.
Isang matandang babae ang pumasok at nakangiti samin.
"GoodMorning. I'm Marivic . Call me Vicky for short. I go straight to the point alam kong hindi talaga kayo student dito sa North University, at kayo ang na hired ni Sir Albert para sa safety ni Avery. The good news is madali nyo siyang mababantay bawat kilos at pupuntahan nya araw-araw kase napag meetingan na namin na magiging maluwag ang mga prof's nyo sa inyo. May sinabi ako sa kanila but I hide the real reason. Just to be safe. Okey you may go and pwede nyo kong istorbohin kung may problema sa University!"
Mahaba nyang litanya . Tumango nalang ako sa mga sinabi nya. Buti walang problema na .
"thanyou po mam vicky!" Masayang sabi ni trix saka kami lumabas.

Sh*t! Medyo nagulat ako sa nakita kung replection sa bintana! Hahaha. Tang* lang? Ako nga pala yun pag labas namin sa office . Nasasanay nako sa fake fats nato. Ang gaan kase nakakakilos naman ako ng ayos.

" Tara punta tayong canteen. Gutom nako " macky

" Oo nga gutom na din ako! " Segunda ko

"pfffgghahahahh" sila.. (#.#)

" Bakit ba? Para kayong mga baliw ah " binatukan ko sila yung tipong konti nalang tutumba na sila parehas! Haha (^___^)

" Arayyyyy! Haha eh kase naisip ko lang di ka naman halatang gutom!" Sabi ni trix

" Hahahahahahahha " tawa ulit sila oo nga no di naman halata. Mag titiis ako ng isang buwan na ganto? Natatago ang dyosa kung face at sexy kung katawan?

" Oh tara na kunot na nuo mo dyan! Kaen na tayo chubby agent! " sabi ni macky.

Pagkatapos nitong misyon nato Who you ka sakin! Hmmmp psshhh! Sabi ko nalang sa sarili ko. Saka ko inayos ang salamin na wala namang grado. Feeling genius! Hahaha


AVERY'S POV

CANTEEN
"Gosh! Andito na sila! Maganda bako? Girllsss!" Girl arte1
" How about me? " Girl arte2
" Di ka nya magugustuhan ako lang no!! " Girl arte3

Mga mukha namang payaso!

" Dude. Dun tayo oh! " Anton
Habang naglalakad kami papunta dun.

Bogssssh! Tang*** fvck!

Sino ang tatanga tangang nag tapon ng carbonara sa damit ko!?
(•_o) bwisit ako talaga ngayon nadumihan damit ko!

Paglingon ko. Si chubby Nerdy!
Talagang! Malilintikan ka sakin!

" Sorry po di ko sadya." Mukhang natatakot sakin . Dapat lang!

" Sorryy?! Huh? Look what you did?" sabay turo sa natapunan nya ng carbonara nya.

" Sorry na nga diba?! Besides di naman ako lang ang may kasalanan ikaw din naman eh di ka tumitingin sa dinadaanan mo!" At talagang sumasagot pa sya!!

" Patay kang nerdy ka! "
" Ginalit nya si prince! "

Rinig ko sa bulungan ng mga estudyante dito.
Kinuha ko yung juice na nakapatong sa lamesa malapit samin. At tinapon ko sa kanya.
Napasinghap naman ang mga estudyante dito at tong fvcking chubby nerd nato nakatingin sakin.

" You deserve it! Asshole! " sabi ko sa kanya .

" Pre lets go! Enough for that. Sorry miss. " What the? Bakit sya nag sorry

" Matthew bakit ka nag sorry? " Sabi ko habang papalabas kami sa canteen kasunod yung tatlo.

" Pre di kase tama yun . Binuhusan mo sya dapat nag sorry ka eh." Aniya

" Sorry matt. Di ko gawain yun ipapa kick out ko sya tatawagan ko si vicky! " Ayoko syang makita! Punyeta! Nakakasira ng mood!
Umalis nalang kami sa school pupunta kami sa bilyaran favorite spot naming tambayan kapag boring! Mamaya pa naman ang practice ayoko ng pumasok nasira na ng panget na balyena na yun ang mood ko!

TRIXCIE'S POV

Nakita ko kung anong ginawa nung Avery na yun sa best friend ko! Napaka salbahe ng lalaking yun bastos! Di ko na sya crush! (>_<)
Pumunta ko kay Gaile para tulungan sya .

" Best. Tara na sa CR mag palit kang damit may dala kaba? Hayaan mo na sya sa susunod umiwas ka nalang at wag kang gaganti ha?" Sabi ko sa kanya tumango lang sya sakin alam ko kase ugali nito baka gantihan nya yun eh paktay kami nito kay Sir Marcus . Text ko nalang si mac my loves! Haha balik macky nako ayoko na kay Avery sama ugali .

MATTHEW'S POV

Wala talagang patawad tong si Av.
Pate yung chubby na babae pinag tripan.

Pasalamat sya best friend ko talaga sya since Elementary sila ni Christop. Si Anthon at Nathan High School na namin sila na meet . By the way April nag sisimula ang pasukan namin summer kase boring kapag bakasyon sabi nga ni Avery. Sya naman ang batas eh ayan may pasok kami kahit summer. Para daw makahabol sya sa mga subjects. Ganun talaga dinamay pati kami .
Nakarating na kami dito sa Bilyaran.

" Mag laro lang kami pre. " Sabi nila nathan at antony.

"Tch mag laro kayo. Walang pumipigil" sabay talikod ni christop. Ganyan talaga si christop haha masanay na kayo.

At ayun si Avery nakapag palit na ng damit nya. Niyaya sya nung dalwa na mag laro ako eto nag iisip.

Kase yung mukha ng chubby na yun parang pamilyar.

May sumabotahe saming company at yung babae na kasamang mag resulba sa kaso yun yung parang kamukha ni chubby nerd.

Pero yung Agent na yun, i can describe her as " #DAMNHOT! "
Ganun talaga mga dude sobra.
Kaya malabo diba?


GAILE'S POV

P*ta! Ang yabang nya! Kundi lang malaki ang offer ng daddy nya samin sus! Di ko na to itutuloy kaso malaki sapat nayun para makabili ng lupa at pampatayo ng bahay, matutubos na din ang lupang naisangla namin dahil nag kasakit si Garet bunso kung kapatid. Ito na yun! Mag titiis nalang ako. Tapos na kong mag palit. Palabas na sana ko . Kaso

" Tol?! Umalis yung target san kaya pupunta yun? " May kausap sya sa cp nya. Sinong target? Di kaya? Sino ba itong lalaki nato parang outsider.

" Sundan mo kapag mag isa na saka natin tirahin, bantayan mo text mo ko kung nasan kana " huh? Sino kaya yun? Bigla akong kinutuban.

Tinawagan ko sila Trix . Sabi ko may susundan ako parang may masamang balak kay Avery .

Habang sinusundan ko naka motor lang ako si mac naka kotse . Nakita ko sya sa di kalayuan .
Si trix naman nakasakay ng taxi. Ang galing naman sa taguan! Haha
Nakahelmet naman ako di naman masyadong obvious at may hawak akong mga sobre profs lang para di mag suspetsa at chubby ako diba.
(^__*)

Chubby Nerd Is A HotBabe Secret Agent?Where stories live. Discover now