Battle 25

71 2 0
                                    

Kay Gaile na Pov lang po ito!
TYPO'S ALERT!

[GAILE]

Sa tagal ko dito sa Mansion ng mga Sebastian halos kabisado ko na ang pasikot-sikot dito sa bahay na ito kahit isang campus pa ang laki nito. Mag iisang buwan nadin ako dito panong di ko makakabisa? Diba?

At thanks God! Hanggang ngayon nakakapag tyaga ako dito at sa ugali ng hinayupak na AvNormal na yan!

At takenote! Nakakaloka po siya to the 10th power! Grabe! Yung kawirduhan niya nakakagulat!
Malalaman nyo din. Kakatamad isa isahin! Hihi.

And ang alam ko may mga bagung lead sa Trabaho namin. Nag iintay lang kami ng order kung ano ang susunod na hakbang.

Habang nasa ganung pag iisip ako ng biglang may tumawag.

Sino kaya yun?

Kringggggg!!!!!!!

"Hello? Hello? "

"............... " Panay hikbi lang ang maririnig ko sa kabilang linya.

Kaya tinignan ko yung screen kase masama yung kutob ko yung biglang may kumabog sa dibdib ko na parang hindi ako makahinga.

Si Nanay? A-anong nangyare?

Ang daming bagay ang pumapasok sa isip ko nung nakita ko ang pangalan ni nanay sa screen ng phone ko, na nagpakabog ng husto sa dibdib ko, hindi ko mapaliwanag pero sapat na ang hikbi ni nanay, indikasyon na may nangyayaring hindi maganda sa kanila sa aming probinsya ilang linggo na nung huli kong makausap si Nanay at tungkol pa sa utang namin kay Mang Ramon.

M-mang Ramon? Oo si Mang Ramon! Mag Katapusan na ngayon! At hindi pa kami nakakabayad sa utang? Di naman sigurado sa aking naiisip unti unti nang nangangainit ang bawat sulok ng mga mata ko.

Wag naman sana. Lord.

" N-nay? Ba-bakit? A-anong nangyare? " Ayoko mang ipahalata, pero nanginginig ang boses ko. Kase, kase alam kung may masama talagang nangyare.

Sa puntong ito parang tumitigil ang pag tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Okey Gaile walang nangyare.

" Ge-Gaile? Anak? " kahit di ko makita si nanay alam kung panay ang tulo ng luha nya kaya naman kahit ayokong umiyak bumagsak ng kusa ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. " Si tatay mo. *hingang malalim* bi-binugbog ng tauhan ni R-Ramon! " At tuluyan na ngang nabasag ang boses ni nanay, ramdam ko ang pinag halong takot at awa ni nanay kay tatay. Matatanda na sila para sa mga gantong problema dapat ako ang nag tatanggol sa kanila! Pero heto ako nandito sa ibang bahay, iba ang pinagtatanggol at binabantayan.

Namamasa na ang mata ko, kase naman bakit may mga taong ganun ang ugali.

" Nak Andyan kapaba? " Hindi kase ko makasalita di ko alam sasabihin ko kay nanay. Sabi ko babayaran ko yung utang namin kahit mag kano pa yun pero hindi ko nagawa kaya napahamak si tatay.

" Na-nanay? Yung sa utang ba natin? "

" Oo anak.. Pe-pero wag kang mag alala kung wala kapang pera kaya pa naman naming tiisin lahat ng ginagawa nila samin A-anak" Parang dinudurog ang puso ko. Kahit na pinipigilan ko ang mga luha ko tuloy tuloy sila sa pag agos. Hindi ito ang pinangarap ko sa pamilya ko nung umalis ako samin! Sabi ko i-aahon ko sila sa hirap ayoko na nang naaapi Pamilya ko dahil lang sa mahirap kami. Dapat lahat pantay-pantay lahat dapat igalang nila Pamilya namin porke ba magirap kami? Isang kahig isang tuka? Gaganituhin na nila kami? Tatapakan pag katao namin? Nakakasawa na.

" Anak sabi ni Ramon sa loob ng tatlong araw, at hindi pa kami nakakabayad sa kanya hindi lang yun ang mangyayare samin, samin ng tatay mo at mga kapatid mo...... " Kahit ako di ko mapigil ang luha ko kahit wala ako dun si Nanay pa kaya? Ang mga kapatid ko ? Ang babata pa nila para maranasan yun.

" Nanay, uuwe ako dyan dala ang pera tatapusin ko lang trabaho ko dito wag kayong mag alala" kahit di ko alam kung makakaya kung maresolba ang kaso ng tatlong araw!

" Anak mag iingat ka! Mahal ka namin ng Tatay mo at Kapatid mo!" Pinahid ko ang natitirang luha sa pisngi ko disidido nakong tapusin ang trabaho na to .

" Opo nay! Kayo din mahal ko kayo" saka ko binaba ang tawag ni nanay.

Kailangan kung makakuha ng lead.
Para matapos ang trabaho ko para makuha ko na ang pera at makabayad kami sa utang namin.

--------
Laban lang!!! ❤️

PS: Sorry po sa mga update ko ha? Kung may nag babasa man ng mga update ko. Haha
From the very start aminado naman ako na First timer ako sa Wattpad Industry, kaya naman sa mga nag babasa Salamat sa inyo!

GodBless!! 🙏🙏🙏

Chubby Nerd Is A HotBabe Secret Agent?Where stories live. Discover now