Chapter 4

1.7K 40 2
                                    

--- AUTHOR POV ---

Nasa loob na nang classroom sila alex, kim at mica. Sila palang tatlo ang nandun sa loob dahil ang kanilang mga classmates ay nanatili parin nasa labas as nag mimistulang buntot sa demon gang.

Mas ninais nila manatili sa loob ng kanilang classroom kaysa makipag tsismisan sa mga schoolmate nila.

Wala naman sila ka-interest interest sa demon gang. Dulot ay ingay lamang at magulong kapaligiran ang nakikita nilang dala nito. Kaya mas ninais nila na mag stay nalang sa kanilang classroom at gawin ang mga kina-ugalian gawain nila.

Sa loob ng kanilang classroom, Busing-busy si kim sa pag babasa ng kanyang comics.

Si mica naman ay busing nag susulat nang kanyang kwento na ipopost nya sa wattpad, at si alex naman ay my nakakabit na headset sa kanyang tenga habang nakapikit at nakdukduk sa kanyang desk nakikinig ng mga kanyang paboritong kanta.

Ilang minuto pa ang lumipas at ganun lang ang kanilang ginagawa, di nag tagal nag si datingan na ang kanilang classmate.

Sanay na ang mga mag aaral ng CHUI UNIVERSITY kayla alex.

Nabansagan na nga nila ito nang " beautiful weirdos " sa kadahilanan na walang kinakausap ang mga ito maliban sa mga prof nila. Makakausap mo lamang sila kung about sa mga school works or kung my ipinag utos ang kanilang prof.

Madaming taga hanga ang tatlo subalit ni isa dito walang pinansin sila alex, lagi na lamang deadma ang mga ito kapag my isang nag tatapat nang kanilang damdamin sa kanila.

Sa 3years nilang pag aaral sa paaralang ito nakasanayan na ng mga mag aaral dito ang kanilang ugali, subalit hindi mo padin maiaalis ang pag hanga sa kanila ng mga estudyente at kung my fans sempre hindi mawawala ang mga haters nila.

Hindi lingid sa kaalaman nila alex ito, deadma lamang sila dahil ayaw nila masangkot sa kahit anong gulo. Nung mga panahon bago palang sila dito hindi maalis na my mga nang bubully sa kanila lalo na ang mga heiress na kung umasta akala mo prinsesa at perpekto.

Maraming masasakit na salita ang binitawan sa kanila, pero kahit anong sakit deadma padin ito sa kanila. Kaya di nag laon ay wala nang nang bully sa kanila.

Sa halip ay mukhang kinakatajutin din sila dahil tuwing binubully sila laging poker face lang ang mga ito. At kahit anong pananakit ay mukhang walang sakit itong nararamdaman.

Still poker face padin. Kaya naman hinayaan na lang nila ito at hindi na pinakialamanan.

Maingay ang loob ng classroom, kwentohan at asaran ng mga mag kakamag aral. Subalit kahit anong ingay ay hindi apektado sila alex.

Alam nila na ganto naman talaga ang nga classmate nila. Sanay na silang tatlo at pinag patuloy ang mga ginagawa.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang kanilang homeroom teacher na si Ms. Cruz at my kasama ito.

Tila naman napatigil ang mundo ng mga estudyante ni Ms. Cruz bakas sa kanila ang pag ka gulat.

Sino nga naman ang hindi magugulat kung ang kinatatakotan na " Demon Gang " ay nasa harapan mo ngayon. Bakas sa mukha ng mga membro ang pag ka bored at pag kairita.

Halos lahat sila ay nanlaki ang mga mata, maliban sa tatlong babae na walang kaalam alam or walang ka-interes interes sa nang yayare.

Napasinghap ang mga estudyante ni Ms cruz dahil ang pag kakaalam nilang lahat ay may sariling classroom ang mga ito at hindi nakikihalubilo sa ibang tao.

Dahil sa namayaning katahimikan, minabuti ni Ms Cruz na mag pekeng ubo para maibalik sa katinuan ang kanyang mga estudyante na ngayon ay nakatulala.

Triplets killer doll (Legendary assassin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon