Sa simula, hindi nakita ni Kate ang isang bulto ng katawan na nakaupo sa paboritong pwesto niya. Matamis kasi niyang nginitian at nilapitan ang waiter na unang naging kaibigan niya sa lugar na iyon. At hindi rin halata sa mukha niya na kahihiwalay lang nila nang taksil niyang boyfriend.
"Hi, Nick."
"Hello, Miss Kate." tugon naman ng waiter, lumiwanag ang mukha nito nang makita ang dalaga. "How's your day?"
"Mmm!" she enthused. "I took the boat trip out all the different coves, as you recommended!"
"Is my brother look after you?" tanong sa kanya ni Nick.
"Oh yes, he looked after me very well." Ang kapatid kasi ni Nick ang inarkilahan niya ng boat para ilibot siya sa buong isla ng Maldives. At least, sulit rin ang bakasyon niya.
"My usual table, is it available?" May paborito kasi siyang pwesto ng mesa kung saan nakaharap iyon sa malawak na karagatan.
Pero naka kunot ang noo ni Nick. "Tonight it is difficult, Miss Kate. The table is already taken. For tonight the man from Singapore is here."
Napansin niyang parang pinahalagahan nga ni Nick ang taong nakauna na sa pwesto niya. At parang nainggit naman siya sa taong iyon. Mukhang may special treatment kasi na nagaganap. The man from where? Ah sa Singapore pala.
"He just arrived this afternoon and he take your favorite table for dinner."
It was ridiculous to feel so disappointed, pero iyon naman talaga ang nararamdaman niya. Sa tatlong araw na pamamalagi ni Kate sa isla, doon na kasi ang naging pwesto niya. Hanggang sa dumating nalang ang Singaporean na iyon. Papano nalang kaya siya makapag emote sa gabi na iyon, kung may umagaw na pala sa pwesto niyang mesa?
"Can you do me a favor, Nick? Can you ask him to transfer to another sit?" pakiusap niya sa waiter. "Tomorrow is my last day."
Napakibit-balikat naman si Nick. "I'm sorry, Miss Kate. But I can't. He is the good friend of Kyro Kollitis, the owner of this hotel."
Yeah, kilala niya si Kyro Kollitis gino-google kasi niya ito. Pagmamay-ari lang naman nito ang limang hotel dito sa Maldives.
Matalim namang tinitigan ni Kate ang lalaking umagaw sa kanyang pwesto. They said that you could judge a woman by her face and a man by his body, and though she couldn't see much in this light, madali lang sabihin na maganda ang pangangatawan ng lalaki at mas bata ito kaysa kay Kyro Kollitis. Siguro mas bata ito kay Kyro Kollitis ng apat na dekada.
"I can give you the next table if you like." sabi pa ni Nick. "Still it's a lovely view."
Napangiti lang siya sa waiter, hindi naman talaga nito kasalanan eh. Siya lang talaga itong nag-iinarte at namimili pa ng pwesto. "That would be lovely. Thanks, Nick."
Samantala, relax na relax lang na nakaupo si Fiel Delos Arcos habang sumisimsim ito ng wine na nakaharap sa dagat. He had just pulled off the biggest deal in a life composed of making big deals. It had been fraught and tight and nail-biting, but as usual, he had achieved what he had set out to do.
Pero sa unang pagkakataon sa buhay niya, ngayon lang yata siya nakaramdam ng pagkukulang. Oo single siya at mayaman, lahat ay maaari niyang gawin upang malibang lamang siya. But still, he feels empty. Hindi naman kasi napupuno ng mga babaeng naikama niya ang kakulangan na nararamdaman niya.
Kaya nga sa dinami-dami pa niyang tatrabahuin naisipan na lamang niyang magbakasyon sa pinakapaborito niyang lugar - ang Maldives. Napataas naman ang isang kilay ng sekretarya niya nang bigla niyang sabihin kay Sandy na e kansel ang lahat niyang appointments dahil magbabakasyon muna siya.
"But what about the deal, sir?" object ni Sandy. "It's packed."
He had shrugged his broad shoulders. "Cancel it."
"Cancel it?" Sandy repeated it faintly. "O-okay. You're the boss."
Yes, he was the boss, and there was a price to be paid for that position.
Sinalinan niya ulit ang kanyang baso ng whiskey at di na niya namalayan kung ilang baso na ba ang naubos niya. Tas pinagmasdan niya ulit ang mga kumikinang na ilaw sa dagat.
Kung may makakakita lang sa kanya na mga kaibigan at business rivals niya, sigurado siyang di talaga siya makikilala ng mga ito dahil sa simple lang ang kasuotan niya. Naka plain white shirt lang siya at faded jeans na binili lamang niya sa isa sa mga local shops. Ginulo-gulo rin niya ang buhok na animo'y walang pang suklay. Naka stretched rin ang mahahaba niyang binti at ipinatong ito sa isa pang mesa.
Tonight he felt like one of the fishermen who had dragged their silver shoals up onto the beach earlier. Pero para sa kanya, iyon yata ang pinaka perpektong gabi sa dalawang araw na pamamalagi niya sa isla.
"This way, Miss Kate." narinig niyang sabi ng waiter. Napalingon naman siya sa gawi ng mga ito at napako ang kanyang paningin sa isang magandang dilag.
Nagpadagdag rin sa kagandahan nito ang mahaba at itim nitong buhok. Yes, very beautiful indeed and he experienced a moment of wry amusement. At kailanman hindi pa siya na a-amuse sa babaeng nakikita, ngayon lang. Bilang isa sa pinaka hottest bachelor sa Asya, hindi na kailangang suyuin pa niya ang isang dilag dahil kusa naman itong lumalapit sa kanya.
Mas nakuha naman nito ang interest niya nang maupo ito sa kabilang mesa na malapit lang sa kanya, and as the waiter fussed around with her napkin, Fiel was able to study her profile. It was a particularly attractive profile. Small, cute nose, and lips which looked like folded rose petals.
Parang gusto niyang dalhin ito sa kanyang kwarto at paliligayahin sa mga kamay niya. Pero ano ba itong banyagang nararamdaman niya? bakit pakiramdam niya para siyang teenager na nakita ng crush?
*****
BINABASA MO ANG
The Marriage Solution (Completed)
General FictionDahil sawi sa pag-ibig si Kate, naisipan ng kanyang matalik na kaibigan na bigyan siya ng treat - a vacation trip to Maldives and all expense paid by her bestfriend. There she met "the hottest property tycoon alive" Mr. Fiel Delos Arcos - isang Fili...