Act 1
Tyrone's POV
First day of school, sino ba naman ang hindi maeexcite pumasok after ng summer vacation. Siempre sino pa eh di ako, nakakapagod kaya ang buhay ko, nagtatago at natakbo. Hindi ako kriminal habulin lang.
Lumabas ako ng mansion, siempre kay daddy yun. Papasok na ko sakay ng Ferrari ko, by the way dami ko nang sinabi papakilala muna ko.
I'm Tyrone Lee Saludez, 17, 5'10 at mayaman. 2nd year Business Administration student sa Athenian University...
"ANJAN NA SI PRINCE TYRONE!" sigaw nung blonde.
Ayan na ang sinasabi ko kailangan ko na namang magtago at tumakbo.
"asan si Prince Tyrone ko!" sigaw nung matangkad, maganda siya kaso halatang b*tch.
"papa Ty! Papa Ty!" sigaw nung isa, sh*t ang hirap nman magtago kapag matangkad. At anu daw Papa Ty? Eh papatayin nila ko sa hirap nila pagtaguan eh...
Tago dito, lusot dun, siksik dito, talon dun... Ganyan ang gawain ko hanggang makarating ng room, adventure no.
Sa wakas nakarating din sa room, layo 4th floor mga dre, narating ko ng nagtatago.
"Ron! Musta pagtakbo natin mukhang pagod na pagod ah." bungad sakin ni Kyle, kabarkada ko.
"Siempre mukang hinabol na naman yan ng tropang bato eh" si Recson... Tropang bato? Sino yun?
"yup, napagod ako tumakbo. Teka pre, sino yung tropang bato?" sabi ko.
"pre para ka namang bago niyan sa AU eh di sina Amber, Pearl at Quartz." sagot ni Rec,
"pre yung mga nanghahabol sayo sila yung tropang bato... Tropang stone daw un kaso mas mukha silang nkabato kapag nakikita ka" pagbibiro ni Kyle.
"Ah sila ba yun, sa tagal ng paghabol nila sakin ngayon ko lang nalaman pangalan nila." since 2nd year high school pa nila ko ginugulo.
"pre bakit kasi di mu sabihing lumayo na sayo at di ka interesado sa kanila." sabi ni Rec.
"oo nga pre para tigilan ka na nila, siguro naman makikinig ang mga yon." si Kyle.
"maraming beses ko ng ginawa yan mga dre, wlang nangyari ganun padin." Sabi ko.
"eh panu ka ba naman titigilan ng mga yan, masyado kang perfect sa paningin nila" sabi ni Rec sa medyo pangasar na tono.
"Wala akong magagawa campus heartrob eh, gwapo, mayaman, athletic... Kaya hinahabol habol nila, pano ba ko titigilan ng mga yun kung almost perfect na daw ako.." sabi ko na medyo nagmamayabang.
"not unless Bakla ka sa paningin nila, kahit gano ka kaperfect susuko sila" sabi ni Kyle with matching grin pa,
Kyle got a point, pero ako, Isang Tyrone Lee Saludez isang bakla... Isang malaking joke.
Napakunot na lang yung
noo ko at binigyan si Kyle ng Anu-yun-joke na look, natawa lang siya.
"oo nga pre, bakit hindi mu itry malay mu tigilan ka" sabi ni Rec
"Rec, are you kidding? Isang Tyrone Saludez wearing skirt, so gross!" sabi ko
"Your really thinking that being gay is about wearing skirt and dress. How pathetic" si Rec
"I agree with you Rec, seeing Ron wearing girl's stuff... " Si Kyle di na natapos ang sasabihin nia dahil tumawa na ng tumawa.
Habang pinapanood ko silang tumawa umiikot ang mga idea sa utak ko kung anu bang magagawa ko para tigilan na ko ng mga babae na humahabol sakin.