28: Broken Hearted & Problems

170 3 0
                                    

Kyle’s P.O.V.

“Nakakatawa no Troy? Sabay pa tayong brokenhearted? Haha….”si Xander ,may hawak na bote ng beer.

“Haha… SInabi mo pa… Cheers para sa mga bigo!!!!!!!!!!!!!” sabi ni Troy, sabay tunga ng alak yung dalwa.

“Okay lang yan Xander.. Iiyak mo lang… Hik..”

“Ang sakit lang kasi Troy.. Kung kalian inamin ko na sa sarili ko.. Kung kalian nalaman ko na kung pano magmahal.. Saka ko naman maririnig na kahit ako na lang ang babae sa mundo… Hinding hindi nya ko mamahalin… Waaahhhhhhhh… Ang sakit lang eh…“

“Maraming iba dyan… Makakalimutan mo rin yang si Pres. Time heals everything naman di ba?”

“Oo. Siguro nga… Hindi naman naging kami pero bakit ang sakit pa rin?”

“Ganyan talaga ang buhay… “

“Eh ikaw, anong nangyari sa’yo?”

“Nalaman ko lang naman na yung babaeng liligawan ko, may mahal ng iba.. Haha…”

“Ouch.. Cheers tayo Troy! Para sa mga bigo!”

“Haha…..”

“O Ba’t ka tumatawa?”

“Naaalala ko kasi si girl…”

“Owww… Kilala ko ba sya?”

“Oo.. Kilala mo ‘to.. Hehe… “

“Ano namang nagustuhan mo sa kanya…”

“Mabait. Matalino. Hindi sya maarte. One of the boys kung umasta, pero para sa’kin turn on yun. Alam mo ba? Sexy rin sya. Masarap kasama. Pero bukod sa maganda sya… Nagustuhan ko sya dahil sya yun. Ahh.. Ewan.. Basta gusto kita Xander…. Narinig mo ba ko?”

“Bwahahahahhahahahahahah…..”

“O kyle?!”

“Sa susunod kung magcoconfess ka, huwag sa tulog!”

“Huh?! Tinulugan ako? Hoy Xander!”sabay yugyog kay Xander na tulo laway na sa may bench….

“Hay… Troy tama na yan. Sa tingin ko, mabuti kung hindi mo na rin ipaalam muna sa kanya. Bigo eh… “

“Tsk.. Tama ka. Hay.. Nakakatawa lang no Kyle? Yung taong gusto mo, iba naman ang gusto…”

“Oo nga eh… Hindi ka naman nag-iisa… Maraming bigo sa mundo…”

“Haha… Sige, tulog na koh… Ikaw na lang maghatid kay Xander…  “

“Gusto mong alalayan?”

“Pshhhh… Huwag na.. Baka ikama mo pa ako…”

“Ulol!”

“SIge brod! Alam ko namang hindi mo pagnanasaan si Xander….”

“Makakaasa ka.”

2 months later…

Xander’s P.O.V.

Bwoooaaaaaaakkkk….

“O Xander? Okay ka lang?”hinahaplos haplos ni Kyle ang likod ko.

“O-okay lang ako….”

“Oy Kyle! Anong ginawa mo kay Xander? Bat may morning sickness yan?!”

O o O

“Mo-mo-morning sickness?!”sabay naming bulalas ni Kyle.

“Akala ko ba di mo sya gagalawin dun sa resort?! Sira ka ba?!”

“Woah.. Pre.. relax lang….”sabi ni Kyle na namumutla.

“Uhm.. Troy.. Virgin pa ako….”sabi ko naman pagkatapos maghilamos.

“Ta-talaga?! Wala kayong ginawa nung hinatid ka ni Kyle sa kwarto?”

“Grabe ka naman tol! Tayo na lang nga ang tropa… Nangako tayong mananatili tayong magkakaibigan di ba?”

“Oo. Tropa nga tayo pero, lalaki ka Kyle at babae si Xander….”namumula naming sabi ni Troy.

“Hahaha…. Hay.. Grabe ang imagination mo Troy… Two months na tayong magkakasama dito sa bahay… Psshh…”sabi naman ni kyle.

Ganito po kasi yun… Yung party sa resort na para kay Ate Rosalie, despidida party na rin pala nung kambal na sina Knight at Gino. May financial crisis ngayon at kailangan nilang bumalik sa Japan para tumulong sa family business. Since ako na si Xander eh nakatira sa isang magigibang bahay at mag-isa lang, pinakiusapan ako ng kambal na samahan na lang si Kyle sa bahay para may kasama si Kyle na syang naiwang member ng bandang Quiescent.

May hiwalay na komeding kwento po para sa kambal.

Since si Troy naman na nakatira sa apartment ay mag-isa din lang, nakisama na rin sya sa amin ni Kyle para walang malisya sa magiging kapitbahay na ang isang babaeng tulad ko ay iisa ang kasama sa bahay at isa pang lalaki. Two months na kaming close na tatlo at tulong-tulong sa pagbayad ng bills.

“Oo na.. Sorry nga eh… Ano nanamang kinain mo Xander?”

“Yung carbonara sa ref….Ang sarap kaya inubos ko. Hehe…”

“Carbonara?”sabay na sabi nung dalwa….

“Nagutom ako kagabi at kinain ko yung carbonara na nakalagay sa Tupperware.”

“Eh last weekend ako nagluto ng carbonara….”sabi ni Troy.

“Bale.. One week …na yung …carbonara. Sa. ref?!”si Kyle.

“ANO?!”

Bwoooaaaaaaakkkk…. Bwoooaaaaaaakkkk…. Bwooooooooooooooooooooooooooooooaaaaaaakkkk….

My First Chaotic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon