Sikretong Malupit

55 26 15
                                    


GINABI NA sa pag-uwi si Biboy mula sa ilog kung saan siya naging invisible. Hinintay niya munang mawala ang epekto ng kanyang pagiging invisible bago siya umuwi. Habang hindi siya nakikita, sumama pa siya kina Rexie at Jason sa opisina ng mga security guards. Napakinggan niya kung paano sinermunan at pinagalitan ang mga kasama niya. Narinig din niya kung paanong idiniin siya ni Jason na siya umanong promotor ng lahat ng iyon. Ngunit natahimik ito nang sabihin ng mga guwardiya na wala silang ibang nakitang lumalangoy doon. Noong una'y umaayon din ang mga kabarkada ni Jason sa sinasabi nito ngunit bandang huli ay itinanggi na lang din nila na may iba pa silang kasama. Marahil ay natakot ang mga ito na baka may masamang nangyari sa kanya at madamay pa sila o madiin sa kanyang pagkawala.

Matagal siyang nakatingin sa salamin kinaumagahan. Tinititigan niyang mabuti ang repleksyon. Ang bilugang mga mata at ang malagong pilik mata, ang katamtaman sa tangos na ilong, ang makakapal at mapulang mga labi na sabi ng iba'y parang sa babae. At ang kabuuan ng kanyang maamo ngunit maaliwalas na mukha.

Maganda ang kanyang pangangatawan na marahil ay dahil sa pagbababad sa swimming pool. Sa kanyang edad na 16 ay may katangkaran din siya sa kanyang height na 5'6". Wala siyang nakikitang problema sa itsura niya.

Ngunit bakit bigla na lang siyang nagiging invisible? Totoo nga bang nagiging invisible siya? Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Pilit niyang binabalikan kung paano siya naging invisible sa ilog kanina at kung paano ito nangyari noong gabing mamatay ang kanyang mga magulang.

Ang alam niya, nang mga panahong iyon ay gustong-gusto niyang maglaho. Ngunit sinusubukan niyang maglaho habang nakaharap sa salamin ngunit walang nangyayari.

"Gusto kong mawala!" Sigaw niya, ngunit walang nangyari.

"Gusto kong maging invisible," bulong niya habang nakapikit ngunit nang pagdilat niya ay wala pa ring epekto. Tumigil na lang siya nang magsawa na siyang magmukhang tanga sa harap ng salamin.


PALABAS NA siya ng pinto nang marinig niya ang tinig ng kanyang Tiya Fely.

"Biboy!"

Nasa kusina ang kanyang tiya. Hindi niya namalayang dumating pala ito kagabi. Madalas kasi itong wala at nasanay na siya na ang katulong ang nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan.

"Sa'n ka na naman pupunta? Bigla ka na lang nawawala a." Tila nanenermon pero nakangiting wika nito.

Iyon nga ang kanyang malaking problema. Bigla na lang siyang nawawala.

Humalik siya sa pisngi ng tiyahin. "Sorry po, tita. Akala ko po'y wala kayo rito."

"Well, I'm here," sabi nito. "'Di ba't saturday ngayon, saan ang lakad ng binata ko?"

"Magkikita lang po kami nila Rexie, may group project po kami."

"Ganun ba." Napabuntung hininga ang nakatatandang babae. "Wag ka lang magpapagabi ha, may mga binili akong DVDs na pwede nating panoorin mamaya. Na-miss ko na ang pagmo-movie marathon natin" masiglang sabi nito.

Pinilit niyang ngumiti. "Of course, tita. Uuwi po ako ng maaga."

Paalis na sana siya nang mayamaya'y muling nagsalita ang kanyang tiyahin. "Sigurado ka bang okey ka lang, Biboy? May problema ka ba?"

Tigas ang pag-iling niya. "Wala po, tita. I'm okay."

Tumalikod na muli siya nang tila meron siyang naalala.

"Tita, may naikuwento ba si mommy sa inyo kung may napansin silang kakaiba sa akin noong maliit pa ako?" bantulot ay naitanong niya. Hindi siya sanay na nagko-confide sa kanyang tiyahin ngunit gusto niya talagang malaman kung ano ang nangyayari sa kanya.

Vanished (The Story of the Invisible Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon