Taura
"Una sa lahat, nandito ako para kausapin ka ng maayos. Nandito ako para matapos ang dapat na tapusin." Sabi ko. Lumuhod siya sa harap ko.
"Pero... mahal parin kita." Sabi niya sa akin. Tinangka niya pang hawakan ang kamay ko pero hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong gawin yun.
"Sana pinatunayan mo." Sabi ko sabay lakad palayo sa kaniya.
Nakakagago naman tong binabasa kong 'to. Ang tanga ng babae. Ang tanga din nung lalaki.
Bakit tanga yung babae? Kasi halata namang hindi pa siya nakaka-move on. Nagtatapang-tapangan pa siya. Ito na nga't bumabalik na yung lalaki sa kanya, ayaw niya pa. Pabebe masyado.
Bakit naman tanga yung lalaki? Sa dinami-daming pagkakataon, hindi niya man lang pinakita sa babae na mahal niya pa pala siya. At kung kailan namang handa na siyang pakawalan nung babae, doon siya biglang hahabol. Tangengot.
Pagkatapos ko basahin ang storyang pinasa ni Nicca sakin, chineck ko ang inbox ko.
From: Brix
Taura, talk to me.Ano ako? Tanga? Hindi ah. Mamamatay ka diyan kaka-text sakin.
From: Brix
Nasa labas ako ng bahay niyo.Pagkabaea ko sa text, sumilip kagad ako sa bintana. Andon nga siya, may dalang bulaklak at chocolates. Lagot ako kapag nakita siya nila mama.
Bumaba kagad ako. Mabuti na lang talaga umalis si mama at papa. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko siyang nakatayo sa may puno. Pinagpapawisan at halatang pagod na.
"Tau..." Sabi niya.
"Kung pagod ka na, umuwi ka na. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko. Tinignan ko yung dala niyang bouquet of roses at chocolates na galing pa ata ng America.
"Because you're not talking to me. Last night, you ditched me." Sabi niya.
"Maybe because I don't want to. You seriously expect that I will talk to you pagkatapos ng ginawa mo?" Sabi ko. Kapal talaga ng mukha.
"I don't have any idea..." Sabi niya.
"Anong wala kang alam?! Bigla ka na lang nawala. Ni-hindi ka nagrereply sa texts ko. Nung tumawag ako, babae yung sumagot. Tangina ako ba niloloko mo? Tapos bigla kang pupunta ng America. Wag mo nga akong ginagago." Sabi ko. Iiyak na ako any minute now pero pinigilan ko. I can't be weak. Not this time.
"Hello. Brix." Sabi ko. Excited pa ako kasi finally, sinagot niya rin ang calls ko. "Hindi ka man lang nagrereply sa texts ko. Ano ba? May problema ka ba?" Dagdag ko.
"Hey?" Sabi sa kabilang linya. Bakit boses babae? "Kaibigan ka ba ni Brix?" Tanong niya. Siguro nga. Hindi naman kasi kami pero halata namang may gusto kami sa isa't isa.
"Ah, oo. Sino 'to?" Tanong ko.
"Uhm, hi. Girlfriend ako ni Brix. Tawagin ko siya for you. Patapos na rin naman ata siyang maligo." Sabi niya. Girl friend? May girlfriend siya? Bakit pa siya nagbibigay ng mixed signals? "Babe, someone's looking for you." Narinig ko sa backround. "What's your name? Hindi kasi naka-save number mo eh." Tanong sakin nung babae.
"Ah ganon ba? De wala. Baka na-wrong number lang ako tapos eksaktong Brix din name. Hahaha sorry sa abala." Sabi ko sabay pindot ng End Call.
"I can explain." Sabi niya.
"I don't need your explanation." Sabi ko. Tumalikod ako at pumasok sa loob.
Brix, pigilan mo ako.
Kaso hindi niya ginawa. Sinara ko ang pinto. Siguro nga hindi siya katulad ng iniisip ko.
Sumilip ako sa bintana at wala na siya pero nandito parin yung bulaklak at chocolates.
Sumandal ako sa pinto at hinayaang malunod sa sarili kong luha.
Kinuha ko yung cellphone ko sa lamesa at tinawagan ang isang taong alam kong matutulungan ako sa mga ganitong panahon.
Calling Moira...