Taura
"Taura! Bakit ganito lang ang grade mo ha? Mahiya-hiya ka naman! Yung-" Sabi ni Mama.
"Pinsan ko. Pinsan ko nanaman. Pinsan ko na lang palagi. Alam ko. Hindi mo na kailangan sabihin." Sabi ko sabay akyat sa kwarto ko.
Anong akala nila sakin? Walang nararamdaman? Eh lagi na lang ako kinukumpara eh. Pake ko ba? Eto ako eh, may magagawa pa ba sila? Oo na, matalino siya. Tapos ano ako? Boba. Nakakairita na. Paulit-ulit na lang. Bakit ba kahit ang layo niya na, kahit di na kami gaanong nagkikita, siya parin yung bida? Palagi na lang "Taura, bakit di ka tumulad sa pinsan mo?" Eh puta naman eh. Buong buhay ko kinumpara na ako diyan sa babae na yan. Akala ko nung lumayas sila, matatapos na ang pagkukumpara na yan, yun pala wa epek.
"Be, maki-kick out ka niyan. Sobrang baba ng grade mo." Sabi ni Demonicca. Kaibigan ko since 1st Year High School.
"I'm not stupid, I'm just lazy." Sabi ko sa kanya.
"Wala naman akong sinasabi. Pero you have to make your grades higher." Sabi ni Demonicca.
"May chance pa ba? I'm out of it. Wala nga lang support from my parents eh. Puro sila Moira, edi sana yun na lang naging anak nila." Sabi ko sa kanya habang kumakain ng french fries.
"Meron pa! Although, it will take all your courage to do this. Sa alang-alang ng grades mo." Sabi niya.
"Oh God, Nicca. Please don't tell me I'll need help from my cousin. Like no way!" Sabi ko. Tinignan ko siya ng masama.
"Dali na! Pinsan mo naman siya. And she can help you." Sabi niya.
"Ah tapos sasabihin ng mga kamag-anak ko, "Grabe tong si Taura. Sobrang di kinayang mag-aral, nagpatulong na sa pinsan niyang matalino. So bobo." Ang sakit kaya." Sabi ko.
"Ganun talaga. Hindi mo talaga mamention yung name niya? Hanggang ngayon? Grabe." Sabi niya.
"Asshole. Bwisit siya eh." Sabi ko. Nakakagigil kasi siya.
"Come on! Show her that you're braver than her na."
"She knows and we both know that I will always be braver than her. I'm a lot smarter when it comes to strength and love while she's smarter in terms of Math, Science and everything academic. Bitch, who needs that? And I'm sassy." Sabi ko.
"Edi ikaw na. Ikaw na mas magaling. Siya na tanga. Oh edi quits na kayo. Happy? Patulong ka na sa kanya."
"No, unless she need help from me."
After namin mag-usap, I decided to take a walk sa quadrangle. Nagkkwentuhan lang kami ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Ugh, unknown number again.
"Hello?"
"Uhm, hi..."
"Sino to? Tagalog yan para maintindihan mo."
"Ah eh hahahaha. Hi Taura, si Moira 'to."
"Oh, you. Hi."
"Kamusta ka na? Tagal na nating di nag-uusap."
"I know. I'm alright."
"Mabuti naman."
"Yun lang tinawag mo? You're wasting my time."
"No, wait. I'm actually asking for help..."
"Help? From me? Are you serious about that?"
"Ah eh, oo. Tungkol sa baby thesis namin about love. Eh wala akong experience pa dun."
"Talaga? Di nga?" LOL you liar "Matalino ka naman, kaya mo yan. Research mo lang yan."
"I've done my research. May kulang eh."
"Anong kulang? Words. Kaya mo yan, magaling ka diba? Hahaha lol."
"It needs an experience at alam kong ikaw lang ang magaling dito. So please, I really need your help."
"Hmm, fine. Punta ka na lang sa bahay mamaya."
"Thank you so much! I love you, Tata!"
"Yeah, bye."
I ended the call and continued my chika with Nicca. As I said a while ago, I won't ask for help as long as she asks help from me.