Chapter Three

388 6 0
                                    

Moira

Hindi naman ako manhid to not feel it. Iniiwasan niya parin ako. Hindi niya parin nakakalimutan yung nangyari dati.

"May plano ako." Sabi niya sakin. Sumipsip ako sa inumin ko at tumango. "I'll help you and you'll help me."

"Sure. What are cousins for? So ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"To fix my grades. Kailangan kong makapasa sa remedial exams para makahabol sa grade. Kapag bumagsak ako dun, makikick-out ako sa school."

"Sige sige. That requires daily review. So kailangan kong pumunta sa bahay niyo palagi."

"Hindi. Ako na lang pupunta sa bahay niyo."

Nanlaki yung mata niya kagad nung sinabi kong bahay niya. May sikreto ata siya sa bahay nila kaya mas gusto niya sa bahay na lang namin. Uhm sige.

"Kelan ba yang remedial exams mo?"

"Last week of January."

"Medyo matagal pa pala eh. 2nd week of November pa lang naman eh. I can teach you on your Christmas break."

"Not on Christmas break."

"Why not?"

"You're ruining the Christmas spirit for me to study. Geez."

"Blessing nga yun eh. Mas binibigyan ka ng maraming time para makapag-review."

"Ayoko."

"Okay, whatever you say." Sabi ko. Mabait ako pero I have an attitude na kapag naiinis na talaga ako, nambibitch ako.

"Pwede bang next time na lang yang sa thesis mo? I'm pagod na eh. Kailan ba yan?" Tanong niya.

"Last week of January din. Sige, bye." Sabi ko. "Text na lang kita kung pupuntahan kita." Dagdag ko sabay lakad palabas. Kung di lang kita pinsan at kung hindi lang kita mahal, na-bitch na kita.

Paglabas ko ng Starbucks, bitbit ko yung frappe ko habang pumipili ng songs sa phone ko. Nasa gilid ako nang biglang may tumamang bola sa ulo ko. The fuck?!

"Miss, I'm sorry." Lumapit yung lalaking may-ari ng bola. "Wait... Moira?"

"Wala ka sa playground, you're in a mall. Don't use your freaking ball here." Sabi ko. Hindi ko pinansin yung tanong niya.

"Hindi ko sinasadya! I'm really sorry, Moi." Sabi pa niya. "Patingin ng ulo mo." Dagdag niya sabay hawak sa ulo ko.

"I'm fine! Don't touch me!" Sabi ko. I didn't shout pero syempre nagalit ako sa kanya. Hindi ako scandalosa.

"Can't you remember me? God Moira, it's me. Your best friend, Jonas." Sabi niya.

"I started forgetting you the moment you left me." Sabi ko. Wala akong kaide-ideya kung bakit siya umalis ng walang paalam sa akin nung bata pa ako. Ang alam ko lang ay sumaya si Taura nung nawala si Jonas.

"Andito na ulit ako. Please Moira. I'm really sorry." Niyakap niya ako ng mahigpit. "I really miss you."

"I miss you too." Niyakap ko na din siya ng mahigpit. Naramdaman kong ngumiti siya ng sinabi kong namiss ko din siya.

Binato niya yung bola sa bata na feeling ko ay kapatid niya.

"That's Jack, my brother." Sabi niya.

"Everything has changed." Sabi ko sa kanya. Inakbayan niya ako at tinignan ako ng mabuti.

"Not really. I still ended up being with you and this time, I will never let anyone ruin what we have." Sabi niya.

"Good for the both of us." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Lumapit kami sa pamilya niya na nakaupo sa isang bench habang pinapanuod si Jack na maglaro. Tinawag ako ni tita at tito kaya nagbless ako.

"We missed you, darling. 5 years din tayong di nagkita." Sabi ni tita.

"Oo nga po. How are you na po ni tito?"

"We're good and we still love each other." Nagtinginan sila sabay holding hands kaya natawa kami ni Jonas.

Yung magulang ni Jonas at yung magulang ko ay magbabarkada nung college kaya sobrang close ng families namin.

"Ma, libot lang kami ni Moi." Sabi ni Jonas.

"Sus. Sige na, alam ko namang..."

"Ma! Halika na nga, Moi." Sabi niya sakin sabay hawak sa kamay ko. "Kamusta na ang prinsesa namin?"

"Still a princess. Joke!" Sabi ko sabay tawa.

"Your prince missed you a lot." I know he was referring to himself. Nginitian ko lang siya ang started going everywhere around the mall.

He will be my prince. But he's also my cousin's.

Taura and MoiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon