Chapter Four

342 10 0
                                    

Taura

"Bakit ba gustong-gusto mo tumambay dito?" Tanong ni Aleiah. Naging magkaklase kami nung 1st year high school kami. Tapos naging magbestfriends kaso nalipat ako ng section. Pabaya kasi ako eh. Nakakatamad kaya mag-aral! Kaloka!

"Kasi bestfriend kita." Sabi ko sa kanya sabay kuha ng coke sa ref nila.

"Pasalamat ka bestfriend kita." Sabi niya sakin sabay bukas ng tv. "May problema ka nanaman ba?" Tanong niya.

"Oo eh. Alam mo naman, bumaba na grade ko. Kailangan ko ng magtututor." Sabi ko sa kanya.

"Oh no. Does this involve Moira?" Tanong niya.

"Obviously. Palagi naman. Palagi naman siya ang problema ko." Sabi ko sa kanya.

"Hindi din. Last month, your problem was Brix."

"Don't mention that asshole. Magsama sila ni Anton dun at ng kapatid niya." Sabi ko.

"Angelique? Hahaha. Bakit ka ba galit na galit dun?" Tanong sakin ni Aleiah. Hindi ko din alam. Wala ding dahilan kung bakit ako naiinis sa kanya. Basta ang alam ko lang ay close na close sila ni Moira at ni Brix. Silang tatlo ang magbabarkada.

"So ano ba talagang ipinunta mo dito?" Tanong ni Ale.

"Hindi ba pwedeng namiss ko lang ang all-time favorite bestfriend ko?" Sabi ko sa kanya sabay takbo at yakap sa kanya.

"Unfair naman kay Nicca yun." Sabi ni Ale. Kaming tatlo ang magkakaibigan talaga. Si Ale, may ibang mga kaibigan na kasama pero alam din naman ng mga kaibigan niya kung sino talaga ang best friends niya.

Si Aleiah ang pinaka-maarte sa amin. Kung maarte ako, lalo na siya. Pero mabilis siyang matakot. Ako palaban. Si Nicca ang pinaka-naligaw sa grupo namin. Matalino, mabait, mahinhin - parang Moira lang. Pero kahit ganun siya, di parin siya nao-op kasi si Nicca parin ang pinaka-updated sa lahat ng chika around the school.

"Uwi na ako." Sabi ko. It's past 6 at panigurado akong sisigawan ako ni mama kapag late ako nakauwi.

Naglalakad ako papunta sa terminal ng jeep ng biglang may umagaw ng bag ko. Hala gago!

Hinabol ko kagad yung nagnakaw ng bag ko at sumigaw ng, "AKIN NA ANG BAG KO!!! GAGO KANG SNATCHER KA!!!" Kumuha ako ng malaking bato sa tabi ko at pumormang ibabato sa snatcher nang biglang may humawak sa braso ko.

"HUWAG MO AKONG PIGILAN!!! YUNG BAG KO!!!" Sigaw ko ng biglang tumigil ang snatcher at tinanggal ang suot na stockings sa ulo. What the hell? Anton?

"Hello Taura. I'm back." Sabi ng lalaki sa tabi na hawak parin ang braso ko. Huh?! Tinignan ko siya ng maigi at bumuka muli ang kaniyang bibig at kumanta ng Worth It. Ano?!

Napabangon ako sa kama ko. Panaginip lang pala ang lahat ng yun. Pero bakit parang totoo? Oo nga pala. Nasa Cebu na si Aleiah kaya imposible talagang mapuntahan ko siya sa bahay nila. Pero bakit nung nakita ko si Brix sa panaginip ko... parang totoo? Shocks.

Taura and MoiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon