How to move on?

353 4 0
                                    


How to move on?
By: foxy_wordsmith

Paano nga ba makakamove on ang isang tao nasaktan?

Mahirap. Ayan ang alam ng lahat.

Totoo, mahirap talagang kalimutan ang taong naging parte ng buhay mo. Maski crush, love, ex or kaibigan mo pa yan.

Sa crush or love na unrequited. Minsan maiisip natin na bakit ba magmomove on eh hindi naman naging kayo? Ang pagmomove on ay pag-alis ng special na feelings na nararamdaman mo sa tao. Hindi naman ito totally na pagkalimot. Kumbaga pag let go lang ng nararamdaman mo sa person na involved o pagkagising sa katotohanan.

Bakit nagmomove on sa ganitong case? Madalas ikaw lang ang nagmamahal or hindi ka gusto ng taong gusto mo. Minsan naman, taken na si crush o pwede ring nafriendzone ka nito. Marami pang ibang kaso na pwedeng kasi star si crush ang hirap abutin, sinaktan ka ni crush or basted ka, pwede rin yung rare case na kasi tagilid pala si crush. Ang daming case diba? Pero kadalasan lahat lang yan papasok sa kasi "hindi ka gusto ni crush".

Ngayon kung paano mo makakalimutan yung taong yon?

First, dapat motivated ka muna na i-let go yung nararamdaman mo. Baka naman kasi alam mong nagmomove on ka tapos chinachat mo pa rin, nagiistalk ka pa rin. Dapat siguro iavoid muna natin yon. Kasi first of all, kung gusto mong mag stay pa rin kayo sa friends. Pwede naman i-distance mo muna yung sarili mo. Bigyan mo yung sarili mo ng time. Kunyare 1 day without him para naman makahinga ka ng maayos.

Second, sa pagbibigay mo ng time sa sarili mo. I-inhale mo lahat kahit masakit at mahirap. You can cry, you can emote. Pagisipan mong mabuti lahat. Kapag motivated ka na talaga at sure ka na na ready mo na siyang kalimutan. Then i-exhale. Dito mafefeel mo yung relief.

Third, doon ka na sa acceptance. Accept everything kahit mahirap, kahit nasasaktan ka na. Kasi kung hindi mo tatanggapin mas lalo ka lang masasaktan. Try mo namang maawa sa sarili mo. Hindi ginive back sayo ng tao yung naibigay mo sakanya kaya dapat itigil mo na. Accept everything na hindi kayo pwede, at wala siyang gusto sayo. In the first place yung pagmomove on naman talaga acceptance lang ang kaylangan.

Fourth, engage yourself sa mga activities. Libagin mo yung sarili mo. Actually nakatulong talaga to saakin. Try mong manuod ng kung ano-ano. Magbasa ng story. Basta i-avoid mo lang yung sarili mo sa nakakapagpaalala sakanya at mas magfocus ka sa sarili mo at happiness mo.

And the fifth, which is the last. Be better not bitter. Try to improve yourself. Magimprove ka hindi sa point na babaguhin mo nang tuluyan yung sarili mo. Improve in a better way. Magimprove ka para sa sarili mo hindi para sakanya. Iwasan natin yung "Papatunayan ko kung sino yung sinayang mo." "Who you ka sakin." Something like that. Kasi may bitterness doon eh. Magimprove ka dapat para sa sarili mo. Kasi makikita mo rin naman yung para sayo sa right time. Wag kang mag aksaya ng panahon iyakan yung iba at magpakatanga sa hindi naman naka meant sayo. So yung last is self-improvement. Be better, be bolder. Ipakita mo yung upgraded version mo. Kasi sa part na'to talagang mamangha lahat sayo. Kasi yung managed eh. Na overcome mo yung heartbreak. Dito may chance rin na baka bumalik sayo yung lalake pero don't. Pabayaan mo siya, sinayang ka niya. And then the rest, smile ka lang. Hintayin mo, kasi on the way na yung destiny mo.

PS. Don't forget that time will heal the pain. Kung hindi mo pa kaya, don't force yourself too much. Malay mo dumating yung time na, one day nagulat ka pagka-gising mo wala na yung pain na nararamdaman mo. Just enjoy your life, stop overthinking :)

I hope na nakatulong to sainyo. It may sound corny for others pero tingin ko naman it will work.

Note

Hi readers, I would like to inform you that I'll be setting the boundaries of this book. So it's sad to say na the quotes are over na. Yes, I'll be setting a new section of this book. It'll contain a lot of how's and other informations na mas magiging useful for everyone. So actually, parang magiging blogging section sya, wikihow and other stuffs. Depende sa maiisip ko, pero I'll clear it up kapag ayos na. Pero realtalk para siyang youtube videos na minemake ng youtubers pero written siya. Ayon lang, sana suportahan nyo pa rin tong work ko.

For example:

• Life hacks
• How to be fluent in english
• Improve pronunciation
•30 things that guys love about girls
•How to be a heartbreaker

Something like that, and syempre with pictures siya. So parang mixed books and videos na rin.

Thank you for reading. Comment your reaction :)

All Quotes and AdvicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon