SotD [EPILOGUE] "What the TIME means and the NUMBER 9 means" -- under editing

2.4K 50 19
                                    

Epilogue.

Yup. Epilogue na po. :D Sorry kung pinaghintay ko kayo nang matagal tapos ending na pala.. >.<  Sobrang busy po kasi. But Swear. Ito na ang ending. Malalaman niyo na po lahat :D 

---

August 14, 2010. 9:00pm

 

Sophie’s POV

 

TING! TING!!...

Tunog ng orasan sa loob ng bahay ng mga Deocareza. Teka, Orasan? Eh bakit magkakaroon dito ng gumagana pang orasan kung talagang abandonado na ang bahay na ito?

“Naririnig niyo yun?” tanong ko sa kanila.

“Teka lang, mauna na kayo sa loob may kukunin lang ako sa labas.” Sabi ni Ohw.

“Hintayin ka na namin.” Sabi ni Frans.

“Hindi na, ako na lang. gawin niyo na yung dapat niyong gawin jan Sophie.” Saka siya tumingin sa akin at saka na ulit lumabas.

TING! TING!

Bigla na naman tumunog yung orasan. Napatingin na naman kaming lahat dun. Alas 9?? Bakit alas 9 pa lang?

“Nine, tignan niyo yung mga relo niyo, kapareho nung nasa orasan.” Sabi ni Frans tapos tumingin naman kami sag a relo namin at OO nga, alas 9 din siya!

“Paanong..?”

“Nabasa ko lang.. ang number 9 ay ang pinaka makapangyarihang numero sa lahat ng numbers. Hindi siya nabe-break kahit na anong gawin mo, sa multiplication, ang product ng isang number sa nine eh nine pa din ang sagot. Halimbawa, 4 x 9 = 36. Ipag plus mo ang sagot, nine pa din ang kakalabasan. According sa research ko, Number NINE is the mark of sacrifice. It represents the three divine manifestations sa three plans: world of the spirit, world of the soul, world of the matter, which gives a triple manifestations of Trinity. A favorable number, na may kinalaman sa eternity. Yun ang number 9. Diyablo. Pag add-in mo ang 666 na sinasabi nilang nagrerepresenta sa diyablo, 18 ang lalabas. Ipag plus mo ang 18. 9 din ang lalabas…” pagpapaliwanag ni Frans.

“Anong kinalaman ng number 9 sa bahay na ito?” tanong ni John.

“Natayo ang bahay, September 9, 1980.” Sabi ko naman kay John. Oo nga.. ngayon ko lang naisip. “At halos lahat ng mga pangyayari eh nangyari sa oras na may kinalaman sa number 9.” Sabi ko pa. “Alas 9 naaksidente si Pat, hindi ba? Tandang tanda ko yun.. tumingin ako nun sa relo ko.” Sabi ko pa.

“At nalaman ko din na alas 9 din naganap ang krimen sa bahay na ito.” Sabi naman ni Frans.

“Sigurado ka??” sabay naming salita ni John.

“Oo. Nabasa ko sa isang article matagal na..” sabi ni Frans.

Secret of the Door [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon