SotD [1] "Introduction" -- under editing

4.9K 92 39
                                    

Binuksan ko ang isang pintuan na nasa may tuktok ng bahay kung nasaan ako. Madilim yung paligid. Maraming agiw nakapalibot sa akin.. Lumapit ako sa isang hagdan na bungad na bungad pagkapasok mo. Isang mataas na hagdan na hindi kita kung ano ang nasa itaas dahil nga sa madilim.

Tumingin ako sa kanan ko. Yung pader punong puno ng mga painting. Parang sinauna at may agiw-agiw pa. Tumingin ako sa kaliwa ko. May mga vase na halatang luma na. Sinauna pero maganda.. Tumingin ako sa likod.... Yung pintuan na kanina kong pinasukan ay unti-unting sumasara...

Nawawala na nang tuluyan yung liwanag na nagmumula sa labas ng bahay kung nasaan ako. Unti-unti nang dumidilim...

Humakbang ako para pigilan ang pagsara ng pintuan pero may humigit sa kamay ko papataas. 

Hindi ako makagalaw...

May humahawak sa kamay ko...

Hinihila ako...

Kunukuha ako...

"Bitiwan mo akooo!"

Sigaw ko..

Pero hindi siya umuusap.

Hawak hawak niya lang ako at hila-hila niya lang ako. Nang maaaninag ko ang mukha niya..

BLANGKO.

Wala siyang mukha!

Krrrriiiinnnggggggggg

Natauhan ako nung biglang nag ring yung bell. "Uy! Uwian na!" sabi sa akin nung classmate ko. Tumingin ako sa paligid. Saka ako nagbuntong hininga.

Panaginip lang pala. Isang masamang panaginip na naman.

"Nakatulog ka na naman... sobrang review mo eh hindi ka na nakakatulog ng maayos sa inyo, ano?" tanong naman nung isa kong classmate.

"Nararanasan ko rin 'yan.." sabi naman nung isa.

Ngumiti lang ako sa kanila.

"O pano, mauna na kami ah?"

Tumango lang ako. Gano'n ako sa kanila everyday. Hindi umuusap, hindi masiyadong umiimik. Hindi kasi ako sanay na makipag-usap sa iba. Lalo na kapag hindi ko close. Isa pa, hindi ko lang talaga feel makipag usap sa mga classmates ko.

Unang dahilan, masiyado silang seryoso. 

Pangalawa, hindi kami magkasundo sa topic na pinag uusapan namin kung meron man, kasi puro Nerd itong mga ito.

At pangatlo, HINDI KO TALAGA SILA FEEL.

Hindi ko nga alam kung bakit ako napunta sa pilot section. Alam kong matalino ako pero hindi ko naman na-e-enjoy ang buhay student ko rito. Mas gusto ko pang kasama si Frans, ang pinsan ko, kahit na nasa mababang section siya.

August 13, 2010. 4:32pm.

Lumabas ako sa class room namin. Uwian na kasi. Hinihintay ko si Ohwie na lumabas sa kabilang room na katabi lang naman ng room namin.

Secret of the Door [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon