SotD [2] "Nice to meet you, John" -- under editing

3.1K 62 14
                                    

“Hi Sophie!” tawag niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

“Hi John.” Saka kami lumapit. Si John? Long lost friend ko. Pero hindi siya kilala ni Ohw kasi sa probinsiya ko siya nakilala. Lumipat na sila dito para dito na lang ipagpatuloy ang pag aaral niya.

“Oh, may mga kasama ka pala?” turo niya kina Owh.

“Ah, sila nga pala sina Owh at Frans. Pinsan ko si Frans, best friend ko naman si Ohw..”

“Nice to meet you, Frans.” Then nakipag shake hands siya kay Frans. Saka naman siya bumaling kay Ohw. “Hello Ohw.” Nakalahad na din ang mga palad ni John pero hindi ito kinukuha ni Ohw.

Nakatingin lang ito sa kanya at parang inieksamin ang buong katauhan ni John.

Ohwie’s POV

 

May pinakilala si Sophie sa amin ni Frans. John ang pangalan. Kinamayan niya si Frans at saka siya bumaling sa akin para iabot ang kamay niya para sa akin naman makipagkilala.

“Hello Ohw.” Sabi niya sa akin at nakalahad na ang kamay.

Pero hindi ko yun kinuha kaagad. Hindi naman kasi ako mahilig makipag usap sa mga taong hindi ko lubos na kakilala. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa partikular sa kanyang mata. Pamilyar siya. Alam kong nakita ko na siya. Hindi ko nga lang alam kung saan.

Tumingin akong muli sa kamay niyang nakalahad pa din para sa pakikipagkilala.

“Uhh, ayaw mo ban---“

“Nice to meet you, John.” Saka ko hinawakan ang kamay niya para makipagkilala.

 

 

 

 

August 13, 2010. 7:02pm.

Binuksan naming ang isang napalaking lumang pinto dito sa lumang bahay na pinasukan namin. Maganda yung bahay pero makikita mo ang kalumaan nito. Puro agiw, may mabaho din na amoy na umaalingasaw. Hindi ko alam kung dahil bas a sobrang luma na ba nitong bahay na ito kaya ganun yung amoy. May mga painting din sa pader pero sira sira na yung ilan. Malamig din ang paligid. Hindi normal ang temperatura. Hindi ko gusto, mabigat sa pakiramdam. Halos lahat din ng kasangkapan eh nababalot ng kulay puti na tela na makikita mo sa mga abandonadong bahay.

Tumingin ako sa relo ko at gabi na ah. Malamang hinahanap na kami sa bahay.

“Sigurado ba kayo sa gagawin natin? Hindi ba tayo mapapahamak?” tanong ni Sophie.

“Titignan lang naman natin. Halos lahat naman na kasi ng pintuan eh nabuksan ko na. Gusto ko lang Makita yung nasa tuktok. Yun na lang kasi ang hindi ko pa nakikita eh.” Sabi ni … teka, ano nga palang pangalan nito?

Secret of the Door [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon