Ohwie’s POV
Pumasok kami sa isang kuwarto.
Ito yung kuwarto na pinasukan naming sa panaginip ko. Tumingin ako sa may bandang kaliwa, andun ang lumang aparador na makikita mo na pagkabukas na pagkabukas mo pa lang ng kuwarto. Yung kama eh natatakpan nga ng isang puti na tela.
Pumasok na kami. Pero hindi gaya sapanaginip ko, isang malaking larawan ang nakasabit ngayon sa pinagsasabitan ng salamin sa panaginip ko.
Isang larawan ng isang babaeng nakapo sa magarang silya at nakasuot ng isang kulay puting bistida na may ruffles sa laylayan nito.
Tumingin ako kay Sophie.
Napatingin naman ako kay John na nakatingin na din ngayon kay Sophie at halatang gulat na gulat sa nakita.
Ganun din naman ang reaksiyon ni Sophie. Gulat na gulat din siya nang Makita niya yung nasa larawan. Hindi masiyadong maaninag yung mukha nung nasa larawan pero makikita mo talaga yung itsura kapag tinitigan mo.
Napatingin ulit ako dun sa nakasabit sa pader… nakakita din ako ng isang salamin.
“Sophie?! Bakit…” bulalas ni John.
Akala ko ako lang talaga ang nakakapansin. Pero mukhang si Sophie eh nakatitig na din ngayon sa larawan.
“Bakit..? Bakit ..?” nauutal na sabi ni Sophie.
“Kamukha mo siya Sophie! “ pagtatapos ni John.
Ang pagkakaalam ko, ang nasa larawan na nasa harapan naming tatlo eh ang nag-iisang anak ng mga Deocareza. Ang sinasabing natatanging NORMAL lang daw sa pamilya.
“Samantha…” may biglang nagsalita.
Napatingin naman kaming lahat sa nagsalita na nasa may Pintuan.
“Patrick! Nakakagulat ka naman!” sigaw ni Sophie.
“Samantha..” sabi ulit ni Pat. Tapos bigla siyang lumapit sa may kama at umupo don. May nilabas din siyang isang balisong.
“Patrick, anong gagawin mo diyan?” tanong ni John.
“Samantha..” sabi ulit ni Patrick.
“Teka – hindi siya---“ bigla na lang naputol ang pagsasalita ko habang nakatingin ako kina Sophie nang bigla siyang sumigaw.
“Patrick, 'WAG!!” sabay nilang sinabi ni John.
Itinutok ni Patrick ang balisong na hawak niya at bigla naman niya itong inihiwa sa kanyang leeg.
Kitang-kita naming tatlo ang pag-agos ng dugo ni Patrick sa kanyang leeg.
BINABASA MO ANG
Secret of the Door [Completed]
HorrorA Mind Confusing Story > Must remember the DATE and TIME.