PANIMULA

19 1 1
                                    


 8 Gays. 1 Prince. 1 Revenge Contract.

By:   M I N A C H U C H U




Once upon a time, in a far far away. Sa malaki, magulo at walang free-wifi zone na pampublikong paaralan ng Bahai High...



"Ok, ladies. Now, let's do the formation" utos ng nagleleader-leaderang bakla na nasa gitna ng mga kasama niyang mga bakla.



*Iiiiiiinnnngggggg BOOOGSH!*



May walong feeling prinsesa ang dahan-dahang naglalakad papasok sa gate ng school. Kuma-cat walk ang mga bakla habang tinatahak nila ang direksyon ng kalaban nila na nakaharang sa harap ng main building. Bitbit ang mga matataas na kalibre ng baril at sandata, kalmado lang silang naglalakad habang pinauulanan ng bala at pinapasabugan sila ng mga bomba ng mga kalaban. Ganunpaman, hindi sila nagpatinag.



Hindi matitinag ng malalakas na pagsabog at dami ng bala na bumubuhos sa kanila ang nagbabaga nilang determinasyon na matupad ang misyon nila. Ang misyon na nakasaad sa isang kontrata na pareho nilang pinirmahan. Ang matagal na hustisya at paghihiganti para sa mga puso nilang minsan ng nasaktan.



"Eto na ba yung pinagmamalaki nila? Wala man lang kaintense-intense.."pagmamayabang ng baklang naka-Sleeping Beauty costume na kabilang sa mga baklang naglalakad. Ang kakaiba lang sa mala-Princess Aurora niyang outfit ay nakabelo itong puti at may fake na nunal sa gilid ng ilong. Hindi mo tuloy maintindihan sa kanya kung siya ba si Aurora The Sleeping Beauty o si Nora the Walang Himala.



"Tumigil ka, hampaslupa. Mababang uri is forever mababang uri. Hindi kase nila keri ang pagka-Dyosa ko. Ganon! Kaya mamaya, make sure na magpapapyesta kayo bilang pasasalamat sakin. Don't forget na lumuhod sa harapan ko at sambahin ako" mahabang pagmamaganda ng baklang naka-Jasmin of Aladdin ang suot na costume with mumurahing korona na lagi niyang suot. Namamaga ang labi nito dahil sa kapal ng Pink lipstick na ginamit niya at tone-toneladang Make-up na sumabog sa mukha niya. Yes. Isa po siyang buhay na Coloring Book.



"Sana talaga dinala ko ang Video Cam na napulot ko kahapon. Maganda pa namang i-documentary ito. Maganda rin 'to ipasalubong sa mga BFFs ko sa isla" panghihinayang naman ng baklang mataba na naka-Ariel the Little Mermaid costume.



Kung pano nagkasya sa kanya yung costume at anong itsura nya roon, kayo na ang bahala.



"H-hanggang kelan ba tayo maglalakad ng ganito? Kung pwede eh bilisan at tapusin na natin siya agad. May Autograph signing pa kase akong pupuntahan sa Centro" ani ni baklang naka-Elsa ng Frozen. Weird lang dahil naka-nerd glass ito with red frame at may pocketbook siyang bitbit-bitbet."Atsyaka, hindi mo napulot yung Video Cam na yun, Maria. Ninakaw mo yun sa D-Drama Club...!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

8 Gays. 1 Prince. 1 Revenge Contract.(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon