FRIENDZONED

496 4 0
                                    

Prologue

Halos 70% sa mga tao, nafrifriendzoned. Am I right? Minsan one sided love ang nangyayari. Pero meron rin namang may lihim na pagtingin sa isa't isa pero akala nila hanggang friends nalang talaga. What does it feel? Well, masakit. Masakit yung makitang may kasama siyang iba, na mas masaya siya sa piling ng iba, masakit kasi hanggang kaibigan lang talaga ang turing ng bestfriend mo sayo, hindi mo tuloy masabi kung give up ka na ba or aasa ka parin. Masakit din isipin na wala ka nga palang karapatan magreklamo kasi bestfriend ka nga lang, KAIBIGAN ka lang at wala ng hihigit pa dun. Oo, minsan may expectations tayo na pwedeng ibalik saatin yung pagmamahal natin sakanila pero minsan hindi rin. Dapat bang masanay nalang tayo na parati tayong narereject? Minsan halos mapaisip ka na, "may kulang ba sakin? bakit hindi ako magustuhan ng bestfriend ko, may mali ba sakin?" yan yung madalas mong natatanong sa sarili mo. May mali nga ba sakin? May kulang ba? Hindi pa ba talaga sapat? Minsan maiisip mo rin na ang tagal ng pinagsamahan niyo pero wala parin siyang nararamdaman para sayo, parang kapatid lang talaga ang turing niya sayo. Masakit hindi ba? Kung tingin niyo alam niyo na ang storya ko, nagkakamali kayo :)

- Ashley

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon