8

92 3 0
                                    


"Ano bang ginawa ni Blake? Bakit nilalagnat na toh? Nagpabasa ba tong pinsan natin sa ulan?"

"Sabi ni Blake hindi daw siya yung naghatid dito, ang alam niya raw si Jack ang kasama nito"

"Baka nabasa sila sa ulan, sabi naman ng family doctor natin, kailangan lang daw ng pahinga ni Ash at painumin lang daw ng gamot tapos gagaling na daw yan" Sino ba yung mga nagsasalita? Bat ba ang ingay ingay nila? Natutulog ako eh

"Mabuti naman, magagalit saamin si Tita pag may mangyari diyan kay Ash"

Idinilat ko na ang mata ko, bakit andito silang lahat? Except pala kay parekoy

"uhmm anong nangyari?"

"may lagnat ka Ash" Dom

"Ha? Ay nakalimutan ko pala yung bilin ni Carter uminom ng gamot"

"SINO SI CARTER?" Kyle, Sky, Steve. Kilala ata nung tatlo kong pinsan si Carter kaya hindi umiimik

"Uhmm seatmate ko nung first year hehe"

"Nandito ba yun insan?" Dom.

"Oo nandito siya, siya naghatid saakin kagabi nung may nangiwan sa tabi tabi"

"You mean Jack?" Steve.

"No comment"

"Paano kayo nagkita?" Jax.

"Nakita niyang nauulanan ako kaya pinuntahan daw niya ako tapos ayun nagusap kami tapos hinatid na niya ko dito, sobrang pagod na ko kagabi kaya nakalimutan ko na uminom ng gamot"

"Mabuti na lang, pinuntahan ka namin dito, kundi di namin malalaman na nilalagnat ka, pinacheck ka na namin kay Tito Jacob, kailangan mo lang daw magpahinga, uminom ng gamot at kumain ng marami para lumakas ka" Jay

"Salamat sa pag aalala niyo"

"Sige maiwan ka muna namin" Jay

"Sige"

Chineck ko yung phone ko

100 new messages, 25 missed calls

Yung 15 missed calls galing kay Blake tapos yung dalawang 5 missed calls galing kay Dom at Carter

Yung 100 messages naman, halos lahat sinasabi lang "pagaling ka Ash" paano naman kaya nila nalaman na nilalagnat ako?

From: Blake

Ano na nangyari sainyo ni Jack?

From: Blake

Oy nagaalala na ko, nakauwi ka na ba?

From: Blake

Wag ka magpapaulan ha?

From: Blake

Itext mo ko or kaya tawagan mo ko pag nakauwi ka na

From: Blake

Oy nakauwi ka na ba?

From: Blake

Mukhang pagod ka na kaya di ka makasagot sa mga text at tawag ko

From: Blake

Goodnight na, pahinga ka nalang. Sweet dreams :)

From: Carter

Oy, uminom ka na ba ng gamot?

From: Carter

Oy nilagnat ka na pala sabi ko sayo uminom ka ng gamot eh, tinulugan mo lang. Basta magpahinga ka nalang ha? Tawag ka nalang pag magaling ka na, ingat

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon