7

104 3 0
                                    


Gumising ako ng maaga ngayon para malutuan ko sila ng breakfast, alam ko namang may katulong dito pero syempre gusto ko rin naman tumulong.

"Wow ikaw ba nagluto lahat niyan insan?"

"Naman. Nilutuan ko kayo lahat ng paborito niyo"

"Really? Ah thanks couz"

"No problem insan, kain na kayo, si parekoy nga pala di pa ba siya gising?"

"Gising na siya kanina pa, baka nagpapahangin lang sa labas?"

"Sige puntuhan ko muna"

"Uhmm parekoy?" tinabihan ko siya dun sa upuan pero hindi niya ko pinapansin

"May problema ba?" Galit ba toh sakin? Ano nanaman bang nagawa ko?

"uyy" sabay tusok ko sa tagiliran niya pero halata parin yung inis sa mukha niya

bigla nalang siya pumasok sa loob at iniwan ako, mukhang galit siya sakin, wala naman akong natatandaan na may ginawa akong kasalanan sakanya, wait wag mong sabihin na dahil di ako pumayag sakanya kahapon kaya siya nagagalit ngayon? Yun ba yun? parang ang babaw naman? kailangan ko siyang kausapin pero ayaw niya naman akong kausapin

"may problema ba kayo?"

"Mukhang galit siya sakin Kyle"

"Ano ba nangyari?"

"Baka siguro siya nagagalit kasi di ako pumayag sa gusto niya kahapon na magjeep nalang kami, sumabay kasi kami kahapon kay Blake."

"Ah oo nga nakita ko. Bumaba si jack kagabi na halatang iritado yung mukha, tapos nung bumaba ako para uminom ng tubig nakita kong nasa labas siya at parang may tinitignan, ewan ko kung ano pero nung pumasok siya, galit siyang umakyat, hindi niya rin ako pinansin nun nung tinanong ko kung anong problema niya"

Hindi kaya nakita niya yung ginawa ni Blake na pag halik sa noo ko at pag yakap sakin? ginagawa niya rin naman yun saakin ah, ano ba talaga problema niya? nagseselos ba siya?

"Hindi ko alam pero nagseselos ba siya? Kasi baka nakita niya kami ni Blake na magkayakap kagabi, naramdaman ko rin kagabi na may nakatingin saamin kaya baka siya yun?"

"Baka nga, pero diba magbestfriends lang kayo bakit naman siya magseselos? Hindi ko rin kayo maintindihan, basta magusap kayong dalawa ah, kain muna ako, ikaw ba hindi ka ba kakain?"

"Kumain na ko kanina pagkatapos ko magluto."

"Ah sige pasok muna ako sa loob"

Narinig kong may bumaba sa isang sasakyan, si Blake kaya yun?

"Ashley"

"Blake!"

"Kumain ka na ng breakfast?"

"Yeah, you want to come in?"

"Of course, here's your pasalubong, isang box yan ha? And may pasalubong din ako sa mga pinsan mo"

"Talaga? Matutuwa yung mga yun haha"

"Ako nalang magbubuhat ng box papunta sa kwarto mo"

"Okay"

"Look who's here, Blake we miss you bro, ilang months ka rin namin di nakita" nagbro hug pa silang apat nakakatawa

"Hahaha sorry, busy sa school eh. May pasalubong ako sainyo, kunin niyo nalang dun sa likod ng kotse ko, naka box yun. Akyat ko lang muna toh sa kwarto ni Ash"

"Talaga? Meron bang nike dun?"

"Oo naman."

"Tara na Kelly, tignan na natin"

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon