6

104 3 0
                                    


"Ang ganda ng view dito parekoy"

"Oo nga eh kasing ganda mo *smile*" Tigilan mo ko sa kakangiti mo Jack Clifford!

"Kitang kita ko pa rito sa baba, yung malinis na ilog, tapos ayun may garden pala dun."

"Oo alam ko may magandang garden dito, pero di ko akalaing malapit lang pala dito."

"Dapat sinusulit natin tong mga oras na toh kasi pag may pasok nanaman, busy nanaman ulit tayo I mean wala ng masyadong time"

"Ayan ka nanaman parekoy, nagdadrama ka nanaman haha tigilan mo yan baka malaglag tayo"

"Hindi yan, tiwala lang, as long na nasa tabi mo ko, di ka mapapahamak pangako ko yan sayo" Ngiti pa more, di naman ako matutunaw diyan sa kakangiti mo hahaha

"Tara na nakababa na tayo, manong salamat po ah? Sa uulitin po"

"Walang anuman iho, ingat kayong dalawa"

"Sige po mauna na po kami."

"May gusto ka bang kainin?"

"Gusto ko sana ng ice cream tsaka tubig"

"Sige dito ka muna. Bibili lang ako"

"Sige"

*phone rings*

"Uh hello ma?"

[Anak, kamusta kayo diyan? Nasaan ka?]

"Okay lang naman po ma, nasa park po ako kasama ni jack, bumibili lang po ng ice cream"

[Sige sige ingat kayo diyan ah bye love you anak]

"Love you too ma, bye"

"Sino yun parekoy?"

"Si mama lang. Wow ha binili mo talaga paborito ko?"

"Naman. alam kong gusto mong strawberry eh."

"Saan naman tayo pupunta pagkatapos nito?"

"Biking nalang tayo gusto mo?"

"Sige"

"Kuya dalawa nga pong bicycle. eto po bayad"

Syempre nagrent lang kami di naman namin binili yung mga bisikleta. Lilibutin lang namin yung park gamit nung bicycle na nirentahan namin.

"Parekoy, marami palang nagskaskateboard dito, turuan mo naman ako minsan."

"Sige sige turuan kita bago matapos bakasyon natin"

"Nakakamiss din pala yung ganito"

"Ang alin?"

"Na namamasyal tayo ng dalawa lang. Yung nagbobonding tayo"

"Gusto mo pala ako solohin parekoy ha"

"Bugok. Syempre naman bestfriend kita eh gusto kitang kasama"

"Gusto rin naman kitang kasama eh. Sobrang halaga mo sakin, di ko alam gagawin ko pag nawala ka sakin parekoy"

Saglit akong napatigil kaya napatigil din siya

"May problema ba parekoy?"

"Ha? Ah wala naman, medyo napagod lang siguro ako" Inabutan lang niya ako ng tubig tapos pinaupo ako sa bench

"Pawis ka na pala, punusan na kita parekoy" Pinipigilan ko siya pero pinupunasan niya na ko ng bimpo niya. Parang gusto maginit ng pisngi ko, bakit ba ganun?

"Ayos ka na ba parekoy?"

"Ha? Oo tara na"

Nilibot lang namin ulit yung park tapos umupo ulit kami saglit sa bench

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon