3

126 5 0
                                    


"Parekoy gising na!"

"Ayoko paaaaa!"

"Gising na kundi kikilitiin kita"

"Hmmm"

Buti wala ng maingay, makakatulog na ko ng mahimbing

"Oyy AHHH! Tigilan mo yan HAHAHAHAHAHA"

Bwisit, kiniliti nanaman ako.

"Diba pupunta tayo ng EK? Akala ko ba gusto mo pumunta?"

"HA? Ngayon ba yun? Bat parang di mo sinabi sakin?"

"Sinabi ko sayo kagabi, maligo ka na tapos kakain na tayo ng breakfast nila Kyle"

"Yeah right."

Pumasok na ko sa cr at naligo...

"Woahh parekoy, ikaw ba yan?"

"Gusto mo bang hampasin kita? Grabe ah!"

"Hahaha nagandahan lang ako sayo, sabagay araw araw ka naman maganda tsaka lahat naman ata ng damit bagay sayo"

"Pinupuri mo ba ko?"

"Hahahaha ayan ka nanaman eh, halika na nga!"

Wait, what is this feeling again? Bat ba parating nagkakaroon ng sparks kapag hinahawakan niya yung kamay ko, ang laki talaga ng problema ko.

"AYIEEEEE!" Problema ng mga toh?

"Ano nanaman?"

"Yung kamay niyo kasi" nagwiwiggle pa yung kilay ni Kyle, loko talaga toh, mukhang ewan eh

Napabitaw ako bigla dun sa kamay ni parekoy at umupo na. Ayaw ko na magkaroon ng issue lol. Magbestfriends lang talaga kami. Bwisit naman kasi tong mga kaibigan namin, ang hilig kami asarin, kesyo bagay kami o ano, pati nga sa school, halos lahat ng teachers at students inaasar kami, so ano namang pakiramdam nun diba? Sinasabi pa nilang may chemistry kami ni parekoy lol. Hindi naman nga kasi!!

"Oyy okay ka lang parekoy? Napapansin ko parati ka ng namumula ah? May sakit ka ba?" Nilagay niya yung kamay niya sa noo ko, geez lalo pa ata akong namula. Ano bang nangyayari sakin? Parang ang bilis ata ng tibok ng puso ko, kailangan ko na ata magpacheck up kay Tito Jacob, family doctor kasi namin yun. Sa pagkakaalam ko rin naman, wala sa lahi namin ang may sakit sa puso.

"H-ha? W-wala. Kain na tayo!"

Tinabig ko pa yung kamay niya at kumuha na ng fried rice. May restaurant kasi dito sa hotel, katabi niya yung lobby. Kinukuhanan pa talaga ako ni parekoy na pagkain eh kaya ko naman, jusko ano pa ba naging silbi ng kamay ko diba? Kulang nalang subuan ako eh. Ganyan talaga siya, MAALAGA. Mas maalaga siya sakin kesa kila Kyle, ewan ko ba sakanya. Merong one time na nagkasakit ako tapos siya nagalaga sakin dahil wala si mom sa bahay. Grabe kaya effort niya

'Malamang naman Ash aalagaan ka niya, bestfriend ka niya eh'

"Heh, napakaepal mo, tumigil ka nalang!'

Para tuloy akong baliw, kinakausap ko yung utak ko

"Alam niyo pre, kung hindi niyo kami kaibigan dalawa, baka akalain naming magsyota kayo"

"Bat naman?"

"Eh ang sweet niyo sa isa't isa eh" Nakita kong palihim na nangiti si parekoy, isa pa toh eh. Sipain ko kaya sila?

"Inggit ka lang kasi Kyle, wag mo nalang sila pakielaman"

"Hoy tanda, pwede bang manahimik ka nalang diyan, makikiepal ka nanaman eh"

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon