*****
Tatlong araw ang nakakalipas,simula ng mangyari yung kahihiyan sa akin.
Ugh Ewan ko ba! kapag naalala ko yun naiinis ako.Yung parang gusto ko nalang i-umpog ang ulo ko para hindi ko yun maalala.
Ang pangit kasi ng pangalawang pagkikita namin ni Dwight,pero nagpapasalamat rin ako sa kanya.Nagulat nga ako ng malaman ko na kaklase ko pala siya. Kaya siya palagi ang kasama ko.Masaya ako at nagkaroon ako ng kaibigan slash savior ko sa mga taong nambubully sa akin.
" Ang bagal mo naman,Gutom na ako oh!" Natawa nalang ako sa sinabi ni Dwight.Kahit kailan talaga ang takaw!
"Hoy! hindi ako matakaw noh!" Nakakapagtaka talaga minsan si Dwight.Minsan kasi nalalaman niya yung iniisip ko.Mind reader ba siya?
"Oo na!,Tara" hinila ko si Dwight at pumunta ng canteen.
Medyo naninibago nga ako kasi parang dati lang kapag lunch break sa room lang ako nagi-stay.Alam ko kasing pagtitripan nila ako.
"Ako na ang pipila para bumili ng pagkain,at ikaw ang maghanap ng table natin." nag-nod naman siya sa akin.Pumila na ako agad para mabilis.Baka mamatay pa sa gutom si Dwight.
" Dalawa pong French fries at burger po.Atsaka tubig dalawa rin po." Kinuha ko agad yung order at nagbayad.Agad ko namang hinanap si Dwight.Nakita ko siya sa may dulo malapit sa bintana na Kumakaway.
"Aaaaah" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko yung sigaw.Lumingon ako kung saan ito bang galing.
At nakita ko ang kawawang babae na binuhusan sa ulo ng spaghetti ni Tracy.Nakaramdam ako ng awa dun sa babae.Alam ko ang pakiramdam ng binubuhasan ng spaghetti,pintura,harina o kung ano pa.
Parang dati lang ako ang ginaganyan.Pero ng dahil kay dwight walang nambubully sa akin.Siguro palagi ko siyang kasama kaya walang naglalakas loob na ibully ako.Binaba ko muna yung tray na hawak ko at lumapit dun sa babaeng binubuullly nila Tracy.
"Okey ka lang ba?" tsk.Ang tanga ng tanong ko.Paano ba siya magiging okey.Buhusan ba naman sa ulo ng spaghetti.
" Eto oh." Inabot ko sa kanya yung panyo ko. Feel ko siya talaga ang kaibahan nga lang kapag may nambully sa akin.Walang lumalapit para tulungan ako.
"S-salamat" sabi nito na umiiyak na pala.Agad naman niyang pinunasan ang sarili niya.Ibabalik na sana niya sa akin yung panyo pero hindi ko tinanggap.
"Hahaha! kelan kapa naging savior yumi?" sabi ni tracy habang tinitignan niya ako mula ulo hangang paa.Tinalikuran ko nalang siya dahil ayaw ko ng gulo. Kinuha ko yung tray na ipinatong ko kanina sa table.Hindi pa ako nakaka tatlong hakbang ng hawakan niya ako sa braso.At pinaharap niya ako sa kanya.
" Ayaw ko sa lahat ang tinatalikuran ako." Inis nitong sabi na nakahawak pa rin sa braso ko. Hinigit ko ang braso ko
BINABASA MO ANG
My Savior
FantasyMahina,Lampa, Talunan at walang tiwala sa sarili Ako yan Mayumi Conception.Isang babaeng hindi kayang ipaglaban ang sarili niya.. Pero sa likod ng lahat may mga bagay siyang matutuklasan sa pagdating ng kanyang savior.At naging dahilan para magbago...