Chapter 10: Selos ka noh?

5 0 0
                                    

- - -

Yumi's POV

Nakakairitang mga tsismosa't tsismoso,pag-chismisan ba ang isa naming kaklase na kesyo nakipagtanan na daw sa kanyang nobyo. Aish.

Napatakip nalang ako sa aking ilong dahil sa nakakahilo nitong pabango.Sa aking kaliwa,grupo ng babae at walang ibang ginawa kundi gawing clown ang mga mukha nila.

"Aww" himas ko sa aking ulo at sila'y aking nilingunan,sinamaan ko ng tingin ang tatlong lalaki sa likod nitong room.Batuhin ba naman ako ng pinatigas at hinulmang bolang papel. Parang normal na estudyante kung titignan mo sila,katulad lang sa dati Kong pinapasukan.Ang kaibahan lang ang mga estudyante dito ay may kakaibang kakayahan o kapangyarihan.

Maka-ob-ob na nga lang,ang tagal pa kasi ng next subject namin ngayon.

*poke* poke*

Sino ba kasing kulbit ng kulbit?

Tumunghay ako dahil sa may kumukulbit sa aking kanan,



"Pffft-Hahaha! Para kang tanga diyan,Dwight."

"Haha! Mukha kang sunga." natatawa Kong wika sa kanya, Alam mo ba kung bakit? Paano ba naman kung may bumulaga sayong naka make-face.Yung mata niya nakaduling,ang daliri niya naman sa kaliwa't kanan nakapasok sa kanyang bibig at ito'y ini-strech habang nakalabas ang dila niya. Gets nyo?

"Pinapasaya lang naman kita." wika nito habang nakapang halumbaba na naka-nguso pa.Ang cute.

"Haha,salamat nagtagumpay ka naman.Ang cute mo talaga." Ani ko sa kanya, at hinimas ko ang kanyang buhok.

"Psh,aso lang ang cute." aba! Kahit kailan talaga ang bipolar ng Dwight na to! Siya na nga ang sinasabihan ng cute,siya pang may ganang irapan ako. Diko talaga maintindihan ang ugali niya.

" Kamusta na? Ang mababait kong estudyante." umayos nalang ako ng upo ng dumating na si Ms.Akira.

"Ang ating tatalakayin ngayon,ay tungkol sa ating tatlong bayani o mas kilalang The three elements."

Three elements? Interesting.

" Tatlumpong taon ang nakakalipas ng magkaroon ng gulo sa pagitan ng knights at sa atin. Dahil lang sa hindi pagkakasundo sa ilang bagay. Binalak tayong sakupin ng mga knights, hindi sila pumayag magpasakop,kaya nagtulong tulong sila.At pinamunuan ito ng tatlong elemento."

Lahat kame'y napukaw ang atensyon sa ikinu-kwento ni Ms.Akira, mas lalo akong nanabik sa bawat sunod-sunod niyang inihahayag. Gusto ko rin malaman ang history nito, Parang dati lang binabasa Kong ang mga ganitong kwento sa libro.

Gusto kong malaman ang tatlong elementong ito.

"Alejandro Satiago , Isang makisig na namuno rin.Kaya niyang kontrolin ang lupa o bato,-"

" Siya ba ang ating punong guro?" itatanong ko na sana yan,kaso naunahan ako ng isa kong kaklase.Tanging ngiti ang isinagot dito ni Ms.Akira.

" At pangalawa sa three elemental ay kaya niyang kontrolin ang hangin, Siya si Lucina ang matalik na kaibigan at asawa ni Alejandro. O' sya kinulang tayo sa oras.Class dismissed! "

Wait! Sino yung pangatlo?

" Sandali!" Pigil ko kay Ms.Akira na nasa pinto,ako nama'y kanyang nilingunan.

"Bakit Ms.Concepcion?" tanong nito sa akin,pati mga kaklase ko napatigil sa pag-aayos nila ng kanilang gamit. May 10 minutes pa bago mag time.

"Eh,kasi po gusto kong malaman ang pangatlong elemental." sa nakangiting mukha ni Ms.Akira, bigla itong nagbago at napalitan ng walang ka-emosyon emosyon.

"Sa susunod na at kinulang tayo sa oras." malamig nitong tugon sa akin.

"P-pero may Te-eight minutes pa po.Sa tingin ko sapat na ang oras na yun.Para makilala ang ikatlong elemental."

" May meeting pa akong pupuntahan" wika nito,at tuluyan na siyang umalis. Pa-bitin kasi si Ms.Akira.

"Hoy!, Dwight kilala mo rin ba yung pangatlo?" tanong ko habang naglalakad kame papuntang canteen.

"Sa tagal ko ng namamalagi dito, hindi ko rin alam kung sino ang pangatlo." Sagot nito sa akin na patuloy lang sa paglalakad.

Eh? Lalo tuloy ako nacu-curious.

"Bakit Masyado ka atang interesado sa kwento ng gurong iyon?" tanong nito sa akin.

"Ewan ko"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon