Chapter 8

70 10 0
                                    

- - -

"Ano ba! "





"Patingin mo na kasi."




"Ayoko nga! "





Napabuntong hininga nalang ako.Dahil sa dalawang nasa harapan ko,na dinaig pa ang aso't pusa. Pati libro hindi pa napagkakasunduan.



Isang linggo na rin ang nakakalipas matapos mangyari sa black dimension.Pati na rin ang pagsagip sa isang estudyanteng buhay at kapatid ni dwight na si darren.And speaking of darren.Si darren na kapatid ni dwight at darren na school mate ko,slash crush ko ay iisa lang.Nagulat nga ako ng malaman ko na iisa lang sila.Masyado akong speechless ng mga panahong iyon.Hindi pa kame nakakapag-usap ni darren.Pero sana wag na! masyadong awkward. Bakit hind? Alam niyang crush ko siya,at inakala ko rin na savior ko siya sa mga bulliyers ko.Kaso hindi rin nagtagal isa na siya sa nambubully sa akin.



"Nakakainis ka!"

Napatingin nalang ako kina Scarlet at peter.Ah-Oh,masama 'to.Paborito pa naman ni scarlet yung libro. 


Masama ang tingin ni scarlet kay peter,kailangan ko nalang siguro mag-handa ng kabaong.Haha! syempre joke lang yun.



"Ano bang problema mo ha?!" inis na giit ni scarlet kay peter, habang si peter ay nakatungo.Spell guilty P-E-T-E-R



"S-sorry" mahina pero sapat na para marinig.Ang kyot!  Sama kong kaibigan noh? Dahil natutuwa pa ako na may LQ sila.Sorry naman!  tao lang.



"Okey lang.Tapos na,sira na yung libro." wika nito sabay walk out. Ganun ba talaga?  Kapag may LQ kayo magwa-walk out ka? 


Mga love birds nga naman.Diko kayo maintindihan.Sa bagay NBSB ako diko pa nasubukang magmahal at masaktan.Parang ayaw ko na tuloy mag-mahal,natatakot ako.. Natatakot akong masaktan.



"Wag kang matakot." napalingon nalang ako sa pinanggalingan ng boses.At tulad ng inaasahan ko.



"Nandiyan ka pala.. Dwight." nakangiti ko saad. Binasa na naman niya ang iniisip ko.



"Haha, Ano naman ang ginawa ni peter? " natatawa nitong sabi.Tinignan nalang siya ni peter ng masama habang pinupulot ang ibang pahinang napunit.



"May LQ kasi sila ni scarlet ei." sagot ko nalang sa kanya.



"LQ?!" pasigaw na wika ni peter.Mas lalo nalang siya tinawanan ni dwight.Eh?  Baliw na oh.



"Oo,Lovers quarrel." sagot ko sa kanya.Pero katulad ng nangyari kanina.Ayun walk out lang din ang peg ni peter.Aish



Tinignan ko nalang si dwight na natatawa pa rin hanggang ngayon. May teleleng na ata.Masapak nga ng isa.Pero joke lang yun.



Tinignan ko nalang ulit siya na nakakunot ang aking noo.



"Bakit? " seryoso nitong tanong.Ang bipolar ng lalaking 'to.Parang kanina lang tawa ng tawa.Tapos ngayon,ewan!



"Wala!" hindi pa rin nawala ang pagka-seryoso sa kanyang mukha.



"Ganun talaga ang pag-ibig,minsan naiinis ka o kaya nagagalit ka.Kailangan mo talagang masaktan.Dahil hindi matatawag na totoong pag-ibig yan kung hindi ka masasaktan."



Eh?  Ano daw?  Ang gulo niya noh?
Baka nakahithit ng dalawang dosenang katol.At kung ano anong pinagsasabi.



"Kapatid!" napatingin nalang ako sa gawi ng pinanggalingan ng boses. Napaiwas nalang ako ng tingin ng mag-tama ang aming mga mata.



"Oh?, Bakit? " dinig kong tanong ni dwight.


"Pinapatawag ka ni Ginoong sanchez,"


"Ganun ba,sige maiwan ko muna kayo dito ni yumi." Ano?!  Iiwan niya ako? Na kasama ang..Tatawagin ko sana si dwight kaso huli na.Bigla nalang siya naglaho sa harapan ko.



"Ah.. Eh.. S-sige aalis na rin ako." nauutal kong saad sa kanya ni hindi ko siya tinignan.Ilang hakbang palang ako ng hawakan niya ako sa aking braso.Na naging dahilan para tignan siya.



   Dwight's POV


Kaagad naman akong nag-tungo sa Laboratory  ni Ginoong sanchez. Dahil tinatamad ako mag lakad ginamit ko ang isa kong ability yun ay mag-teleport.




Pagdating ko sa laboratory ni ginoong sanchez,umupo muna ako sa isang upuan
at pinagmasdan ang kanyang ginagawa.
May mga kung anong makukulay na likido na nakalagay sa isang babasaging bagay tulad ng tube,ang iba pa rito ay umuusok. May kinuhang kulay green na likido at pulang likido si ginoong sanchez at ito'y kanyang pinagsama. May kung anong liwanag ang lumabas dito. Potion ata ang tawag sa mga ginawa niya.




"Oh!, nandiyan kana pala." wika nito, habang hawak hawak ang isang baso na may number ewan ko kung anong tawag dun.




"Bakit niyo nga po pala ako pinapatawag ginoong sanchez? " diretsahan kong tanong.





"Aish.Wag mo kong tawagin ng ginoong sanchez.Mr. Sanchez nalang."





"Pasensya na ho,Gin-este Mr.sanchez."




"Halika, sumunod ka sa akin may papakita ako sa'yo." wika nito, dahil masunurin akong binata.Sumunod naman ako sa kanya sa kanyang paglalakad.





"PAKAWALAN NIYO AKO! " dinig kong sigaw ng isang babae, Hindi na akong nag-abalang itanong kay Mr.sanchez ang sigaw.Dahil alam kong sasabihin nya rin ito sa akin.


Habang patuloy kame sa paglalakad, palakas ng palakas ang mala-diyablong boses ng babae.



Tumigil kame sa tapat ng isang pinto.At masasabi ko dito nanggaling ang mga sigaw.Binuksan naman ito ni Mr.sanchez,bumungad sa akin ang isang bilog na barrier at doon nakakulong ang isang estudyante sa wizard academy.



"P-pakawalan nyo ako! " mala-diyablong sigaw nito. Habang kinakalampag ang barrier.



"Siya si Ericka, estudyante ni Mrs.Gutierez.Dinala siya rito ni Ms.Akira dahil nakita niyang balak niyang saksakin si Mrs.Gutierez.Napag alaman ko ring wala sa sarili ang batang ito. Na sa tingin ko sinasapian siya o kaya parang may kumokontrol sa kanya." paliwanag nito.



Pinagmasdan ko si ericka na kinalalampag ang barrier.Nagtama ang aming mga mata na naging dahilan para kilabutan ako sa kanyang ngiti at halos itim ang kanyang mata.




"K-kamahalan... t-tulungan mo ako." ani nito habang nakatingin sa akin.Tinignan ko na lamang si Mr.sanchez sa aking tabi.




"Kamahalan? " tanong ko sa kanya.




"Aish. Kailangan ko na siguro ibalik sa wisyo ang batang ito.Sige dwight maaari ka ng umalis.Pinakita ko lang sa'yo ito,dahil alam kong isa siyang babala." napatingin nalang ako sa kawalan dahil sa hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nito.




"K..kamahalan.. " nawalan ng malay si ericka matapos turukan siya ni Mr.sanchez.


Kamahalan?  Bakit naman niya ako tatawaging kamahalan?  Siguro baliw na yun. Makaalis na nga.







To be continued......

My SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon