Chapter 6

48 12 6
                                    

- - -

Nakakapagod na talaga,at ang sakit na rin ng mga binti ko. Kanina pa kameng lakad ng lakad.Ginabi na nga kame sa paglalakad.

"Malayo pa ba?" Medyo hinihingal na saad ni peter.

"Malapit na"

" Ginagago mo ba kaming kidlat ka?,kanina ka pang malapit ng malapit na!" inis na sabi ni peter. Hindi ko rin naman masisisi si peter,tama naman siya kanina pang nagsasabi ng malapit si thunder.Naiinis na nga rin ako madilim na nga sakit pa ng binti ko.

"Aish,Nandito na tayo."

Eh?

"Pinagloloko mo ba kami?"

"Sigurado ka bang nandito na tayo sa black dimension?"

Napatigil nalang ako sa paglalakad at pinagmasdan ang paligid.Wala akong ibang nakita kundi malawak na parang field at walang man lang nakatirik na bahay o kung ano mang hitsura ng black dimension.Bukod sa maliliit na damo.

Madilim na rin at bilog ang buwan na nagsilbing liwanag sa amin.

Napayakap nalang ako sa aking sarili dahil nakaramdam ako ng lamig.

" Nandito na nga tayo,nararamdaman ko ang kapangyarihan ng aking kapatid."
Seryosong sabi ni Dwight at pinagmasdan ang malawak na parang field.

Seryoso? Nandito talaga,Ano yun invisible lang ang peg ng teritoryo nila?

"Haha, you're right ms.yumi naka-invisible ang teritory nila."

Eh?, nakakagulat talaga ang kidlat na'to.Pasulpot sulpot sa tabi ko.At palagi nalang niya binabasa ang iniisip ko.

Waah,P-paano na lang kung mabasa niya na nagka-crush ako Kay Darren.Tapos sasabihin niya sa schoolmate ko,tapos mas lalo nila akong bubulihin.P-

"Haha,don't worry hindi ko ipagkakalat na crush mo si Darren." Sabi nito na nakaharap sa mukha ko.

Napatitig na lang ako sa kanya.Medyo nakikita ko pa ang mukha niya dahil sa liwanag ng buwan. Gwapo pala siya lalo na sa malapitan.

"Gwapo ko noh!" Saad nito at kumindat pa talaga.May kahanginan din palang taglay Ang kidlat na'to

"Psh,hindi kaya" tugon ko sa kanya at inirapan siya.Oo na! Gwapo talaga siya,ayaw ko lang sabihin.Lalaki lang ang ulo niya.

"Haha! nabasa ko yun." Haist.

"Magtatawanan nalang ba kayo diyan?" Sa tono palang halatang inis si Dwight.

"Selos ka lang kasi." pabulong na sabi ni thunder,pero narinig ko pa rin.

At ano daw? Selos? Kanino siya magseselos Hindi naman sa akin..O my, baka nagseselos si Dwight dahil sa akin Akala niya inaagaw ko sa kanya si thunder.Pero it means bakla siya? , sayang ang gwapo pa naman ni savior para maging isang bak-

"Pffft-HAHAHAHAHAHA!" napatingin nalang kaming tatlo kay thunder na mangiyak-ngiyak na sa kakatawa. Napagawi ang mga mata ko kay Dwight na may matatalim na tingin sa kanyang mata. Uhh-ohh.

"He-he wala kang dapat ipagselos Dwight.Hindi ko naman aagawin sayo si thunder at wala akong balak,na agawan ka malaki ang utang na loob ko sayo.Dahil naging savior kita." Sabi ko habang kinakaway ang aking mga kamay.Natahimik ang paligid ng ilang sandali...

"Pfft-HAHAHAHHAHA! K-kaya haha n-ahaha tawa si kidlat haha!"

"Hahaha! Selos? Hahaha"

"HAHAHAHA!" pati narin si peter at scarlet mangiyak-ngiyak na rin sa kakatawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Maubusan sana kayo ng hangin! Nakakatawa pa talaga sila sa lahat namin ngayon?

"Baka nakakalimutan niyong may mission pa tayo!" inis na sabi ni dwight na naging dahilan para tumigil sila sa kakatatawa.

Masama pa rin ang tingin ni Dwight Kay thunder at peter na pigil na pigil pa rin sa kakatawa.

Ano kaya ang nararamdaman ngayon ni Dwight? Malamang nag-aalala sa kapatid niya tanga mo talaga yumi! Hayys.

Naalala ko tuloy nung mga panahon na binubully ako,siya lang talaga ang nagtatanggol sa akin.Naging kauna-unahan ko rin siyang naging kaibigan.

Tapos ngayon kailangan niyang iligtas ang kapatid niya. At wala akong magawa para tulungan siya.

"Oh!"

"Ano 'to?" tanong ko kay dwight na may inabot sa aking jacket.

"Jacket malamang.Haha! Kaw talaga" sabi nito at ginulo ang bohok ko.

Napangiti nalang ako hindi dahil sa binigay niyang jacket.Kundi dahil sa ngiti niya.Kakaiba ngumiti si Dwight yung parang..kapag ngumiti siya mapapangiti ka na rin kahit pasan mo pa ang mundo dahil sa problema. Natutuwa ako sa kanya dahil kahit nasa panganib ang kapatid niya nagagawa pa rin niyang ngumiti.

"Suotin mo na yan, kailangan na nating tapusin ito." nag-nod nalang ako at sinuot ang leather jacket.

Pero paano naman kame pupunta sa black dimension ei,invisible nga daw! sabi ni thunder kanina.Mabuti pa siya nakikita niya.

"Pumikit ka tapos imulat mo ulit.At I focus mo ang mata mo." paliwanag ni sa Dwight.Tumingin muna ako kina scarlet. Mukhang nakikita na rin nila.Dahil yung mga mukha nila parang manghang mangha.At may kung anong expression sa mukha ni peter na parang ewan.

Sinunod ko naman ang sinabi ni Dwight.Pikit relax at imulat ang mata then focus ang mata sa field.

"Whoa" ang laki parang castle siya kaso.Nakakatakot parang hunted house.Hindi parang Hunted castle nga talaga isabay mo pa ang madilim na kapaligiran at tanging buwan ang nagsisilbing liwanag.

OMO! baka may white lady, wag naman sana!

Nagsimula na silang maglakad at ako ay sumusunod lang sa kanila. Dumaan kame sa main gate dahil wala namang tao.Nakakapagtaka naman dapat may mga kawal na nagbabantay.Ganun kaya sa mga fairytale na books may mga kawal na nagbabantay sa main gate.Para protektahan ang reyna at hari.

"Shit!" napatigil kame sa paglalakad at tumingin kay dwight na parang nag-aalala.Kinakabahan kong tinitigan si Dwight.

"Bakit Dwight?" tanong ni peter na seryosong nakatingin sa kanya.

"Ang kapatid ko."

"Dwight!" hinabol namin si Dwight dahil bigla nalang siyang tumakbo.Nag aalala ako para kay Dwight. Hindi ko alam ang pakiramdam kapag alam mong nanganganib ang buhay ng isa mong pamilya.Wala nga kasi akong pamilya bukod Kay nanay Linda...Kamusta na kaya siya? .Hindi muna yan ang dapat Kong alalahanin.

Oh shit! bigla nalang naglaho si dwight .Kanina umaakuat lang siya sa hagdan.Akala ko ba bawal gumamit ng powers. Mas lalo akong Kinabahan dahil alam kong hindi gagamitin ni Dwight ang kapangyarihan niya kung talagang masama na ang lagay ng kapatid niya.

Patuloy pa rin kame sa pagtakbo habang palinga-linga sa paligid. O..M!!

"Damn!" Isa-isa nilang mura.Dahil sa mga kawal saan siguro ang dami na kinakalaban ni Dwight.

Unang sumugod si peter gamit ang espada niya,samantalang si scarlet binabaril ang mga kawal.Habang si thunder may hawak na bow.

Lahat sila lumalaban samantalang ako.Nandito sa sulok at pinapanood silang nakikipaglaban.Pakiramdam ko wala akong kwenta dahil Hindi ko magawang tulungan sila.

"Yumi! sundan mo si Dwight!" nag-nod ako kay scarlet at sinundan si dwight. Tumatakbo siya at lahat ng nadadaanan niyang kawal ay sinasaksak niya ng kanyang dagger.

"Ahh!" napahawak nalang ako sa braso kong may hiwa.

"DAPA!" sumunod ako sa sinabi ni Dwight.Lumingon ako sa direksyon kung saan niya inihagis ang isa niyang dagger. OMO! muntikan na ako doon. Napahinga nalang ako.

"Aww" tinulungan akong tumayo ni Dwight. Wala na nga akong kwenta sa kanila,pabigat pa ako.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong.

"Ayos lang ako,puntahan mo na ang kapatid mo.Ako nalang tutulong sa ibang estudyanteng nabihag."

My SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon