Prologue

173 7 0
                                    


- Jenelle

Naputol ang mahimbing kong tulog nang makarinig ako ng ingay mula sa kwarto. Bumangon naman ako at nakita ang aking phone na kanina pa pala tunog ng tunog. Akmang kukunin ko na sana ang phone nang mapansin kong iba ang klase nito.


Ang pagkakaalam ko , nagmamay-ari ako ng isang iPhone at hindi isang Samsung J5 . Ngayon ko lang napagtanto na kay Ate Reece pala ito. Nagtaka naman ako bigla kung paano at bakit naririto ang phone ng aking ate sa kwarto ko- kwarto ni ate Reece?! Anong ginagawa ko dito?.. Agad agad naman akong bumangon sa aking hi- I mean higaan ni ate Reece nang mapansin ko na parang tumangkad ako ngayon.


" Wow... ang tangkad ko na! Shemayz gurl! Ang haba ng aking legs! Haha! Sinong pandak ngayon?! " proud kong sabi.


Nakangiti akong naglalakad patungong pintuan para sabihin kay mommy ang good news ngunit napahinto ako bigla nang madaanan ko ang salamin na naging dahilan para maglaho ang aking ngiti sa mukha.


" A-ate Reece? A-anong ginagawa mo sa loob ng s-salamin? Kung balak mo kong takutin ngayon pwes nagtagumpay ka na!.. hahaha.. labas ka na diyan please?.. " sabi ko ng may halong takot at kaba dahil alam ko sa sarili ko na hindi kayang makapasok ni ate Reece sa isang salamin.


Natigil ako sa pagsasalita ng may bumukas ng aking pintuan at... nakita ang aking sarili... 


Matagal akong nakipagtitigan doon dahil na rin sa gulat.


" J-Jenelle .. sis... A-anong , bakit tayo.. " sabi ng aking kapatid na ngayo'y nagmamayari sa aking katawan.


" I-I don't know , ate.. " naiiyak kong sabi. Dahil na rin sa takot , kilala kasi ang aking ate bilang isang dakilang heartbreaker at playgirl. Idagdag na rin natin ang pagiging badgirl niya.


My name is Jenelle Mendoza and I'm currently stuck in a bad girls body , Reece Mendoza.



Bodies SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon