- Jenelle
Nasa kalagitnaan ako ng paglamon sa isang napakasarap na icecream na ninakaw ko lamang sa magaling kong kapatid nang makarinig ako ng isang parang elepante kung tumakbo . Sa pag takbo palang neto alam ko na agad na ang aking kapatid ay papunta na rito saakin para siguro hanapin ang nawawala niyang icecream. Buti na lang naisipan kong i-lock ang pinto kanina kaya nahinto sia sa tapat ng pintuan at katok ng katok.
" JENELLE!! Buksan mo tong pinto! Kung ayaw mong sirain ko tong pinto mo! " sigaw ng panget kong kapatid.
Agad ko namang tinago ang ninakaw kong icecream sakanya at naglakad papunta sa aking pinto , nang hindi ito binubuksan.
" Yes ate? This is Jenelle ang sexy slash cute slash best sister ever speaking. Ano pong kailangan niyo? "
Narinig ko nalang siyang napabuntong hininga pagkatapos kong sabihin iyon.
" Hays.. sira ka na talaga.. pano ba ako nagka kapatid na parang kala mo ay takas sa mental.. " sabi naman nito
Agad ko namang binuksan ang pinto pagkatapos niyang sabihin iyon.
" Hoy! Wag ka ngang ano! Mahal mo ko tandaan mo yan , Ate Reece! " sigaw ko sakanya. Tama ba namang sabihan akong ganon? Sa cute kong toh? No way!
" Tse! Pagkatapos mong i-ninja moves yang ice cream ko sisigawan mo ko?! " sigaw rin nito sakin.
" Icecream? " nagtataka kong tanong.. anong pinagsasabi niyang icecream...
" YUNG ICECREAM!!! HALAA NATUNAW NAAA. ATE KASI EH! " reklamo ko nang makitang tunaw na nga ang icecream. Eto lang naman , naging soup na. Cream nalang siya , wala na yung Ice. HAHA. Okay.
" Ako pa tong sinisi mo ha? " sabay irap neto sakin. Agad naman akong nagpacute sakanya at pinilit na bilhan ulit ako ng bago. Hindi naman ito nakatiis syempre sa cute kong to sinong hinde?
" Hayss. Ibang klase ka talaga. Sige na bibilhan na kita. Tutal yayayain naman talaga kita mamasyal ngayon. " sabay ngiti nito.
Yieee , cute talaga ng ate ko! Pero mas cute ako noh!
" Hmph! Ganyan ka naman eh , pag wala yang MGA lalake mo ako naman pupuntahan mo! " sabi ko at nagkunwaring nagtatampo.
Ngumiti naman ito at tumabi sakin na ngayo'y nakaupo sa higaan.
" Sis.. kahit ipagsama – sama ko silang lahat ikaw parin pipiliin ko. " sabi nito na ikinakilig ko naman. Yieeee sweet naman ng ate ko-
" Ay wait sis , nag text si Jay magda-date daw kami ngayon. " pang-asar nito sakin.
Agad ko naman siyang pinalo sa braso ng MALAKAS pagkatapos niyang sabihin iyon
" I hate you! " sigaw ko sa tenga niya mismo.
****
Pagkatapos ng halos isang oras na bangayan , pumayag na rin akong sumama sakanya sa park. Syempre libreng ice cream eh.
Umabot kasi ng dalawang oras ang pagbobonding namin kaya eto kami ngayon naglalakad pauwi.
Habang naglalakad biglang nagsalita ang aking kapatid na busy rin sa pagkain ng icecream.
" Sis , napanood mo na ba yung freaky friday? Ang ganda nun . Yung nagkapalit sila ng katawan. Ano kayang gagawin ko pag ganon ang sitwasyon ko? " nakangiti nitong sabi saakin.
Medyo nacurious naman ako kaya inimagine ko kung nasa ganong sitwasyon kami. Nasa katawan ako ni ate reece. At siya ay nasaakin. Hmm, ano kayang gagawin ko kung iyon nga ay mangyari?
" Sana mangyari iyon saatin. " biglaang saad ni Ate Reece dahilan para mapatigil ako sa pagiisip.
" H-hoy! Wag ka naman magwish nang ganyan! Sa dami daming pwedeng hingilin yun pa talaga? "
" Hmm? Bakit? Experience lang. " kalmado nitong sabi. At eto ako medyo kinakabahan na kasi malay mo! Mangyari yung wish ng magaling kong kapatid na may napakabaduy na hiling sa buhay.
Hindi ko na lang siya pinansin pagkatapos at muling sumakop ang katahimikan nang mapansin kong may tinititigan siyang picture sa hawak niyang phone.
Sumilip naman ako para makita kung sino ang nasa picture na iyon st nakita ko ang aking kaklaseng si Mina Viray. Napa gasp naman ako nin dahilan para tignan niya ako ng masama.
" Anong problema mo?! " galit nitong saad saakin
" Sabi na ! May pagnanasa ka pala kay ate Mina! " sabi ko rito at nagkunwaring shock na shock. Matagal ko nang alam na Bisexual ang aking kapatid . Hindi kasi siya naaattract sa mga lalake, edi sa mga babae! Haha!
" Ate Mina? Mas matanda pa siya sayo ? " nito saakin
" Huh? Ah oo mas matanda siya saakin ng 1 year. Grabe ka ate! Hindi mo manlang alam kung ilang taon na yang pinagnanasaan mo? " natatawa kong sabi.
" Hmph! Grabe ka naman sakin! Tara na nga at umuwi na tayo. Tignan mo , dahil diyan sa kadaldalan mo nalagpasan natin ung bahay! " sabi nito sabay nguso sa bahay namin.
" Tse! Mahuli panget! " sabi ko at tumakbo nang patungong bahay at iniwan siya roon.
*~* End of Chapter 1 *~*
BINABASA MO ANG
Bodies Switched
Humor' 6 months ' You have six months , six months to pretend. Six months to go back to normal. Can these sisters handle the greatest challenge of their life? Can Reece Mendoza handle being in her sisters body? Can she pretend to be a happy go lucky pers...