Kabanata 5

0 0 0
                                    

Bay

After that day, napapadalas na ang pag labas labas namen. Alam niyo kung bakit?

Dahil gusto namen na bumalik ulit yung lakas nya.

"pero diba nga sabi ng nanay mo, wag mong hayaan ang sarili mong bumigay,maging malungkot. Tignan mo sarili mo  ang laki ng eyebugs, namumugto ang mata. Alam mo kung nandito lang ang mama mo. For sure pinagalitan ka na nun." Sabi ko sabay ngiti

"Cheer-up. Nawalan ka man, for sure may darating  Para pasayin ka ulit." Ani ko.

"Talaga? Sino naman kaya yun? At kailan? Haha" ani nya sabay punas ng natirang luha.

"Aba ewan. Excited?"  Sagot ko.

"Ah ganto nalang. Tutulungan kitang bumalik yan strenght chuchu mo.Kung ok lang sayo" suggest ko

" paano?" 

" Babalikan naten yung mga ginagawa niyo ng nanay mo simula palang. O dikaya kahit ano susubukan naten para lang bumalik yang lakas mo. Nang sa ganoon bumalik ka na sa dati. Ano G?"
Ani ko.

"Talaga? Sige Game."

Kaya ayun. Nandito kami sa Sea side bay.

"Teka bat tayo nandito?" Tanong ko.

" Diba sabi mo Lahat ng ginagawa namen ni mama? Bata palang ako lagi na kami ni mama pumupunta dito siguro mga nasa 8 years old. Nandito tayo kasi dito..dito kami madalas ni mama pumupunta tuwing nag-aaway sila ni papa.Tara dun tayo, hintayin naten yung Sunset ok lang ba?" Ani nya.

"Ah oo." Ani ko sabay upo doon sa semento ng pa-indian seat. Tumingin lang ako sa araw na papulubog.

"Anong ginagawa niyo ng mama mo tuwing nandito kayo?" pag-o-open ko ng topic.

"Hinihintay nameng lumubog ang araw. Hanggang sa mag dilim. Nandito lang si mama, umiiyak sa tabi ko. Tapos ako pinapatahan si mama. chini-cheer up sya. Naalala ko lagi kong sinasabi kay mama dito na 'Ma, Ok lang yan. Awayin ka man ni papa. Nandito lang ako, di kita aawayin o sasaktan. Dahil mahal na mahal kita ma. Sobra' o di kaya 'Ma, ok lang yan.Mag kaka ayos din kayo ni papa kasi mahal ka nun' pero sa totoo minumura ko na si papa sa isip ko dahil sa parati nyang inaaway si mama"

Gusto ko sanang itanong kung bakit sila nag aaway kaso parang below the belt na diba?

"tama ang mama mo. napaka swerte niya na nag karoon sya ng anak na katulad mo pa." Ani ko sabay tingin sa kanya.

"No.mas maswerte ako Kay mama. Iba kasi sya eh. Ibang iba." Sabi nya

"Teka iisang anak ka lang ba?" Tanong ko.

" oo. Kasi namatay yung dapat na bunso nung isinilang sya ni mama" ani nya.

" Edi kayo nalang ng Papa mo mag kasama?" Tanong ko habang pinagmamasdan ko ang araw na lumulubog.

"Hindi. Haha" sabi nya sabay tawa. Pero yung mga tawang yun—pilit.

" Si lolo't lola ang kasama ko sa bahay..Wala  naman kasi akong mapapala kung kasama ko si Papa. Baka makalimutan ko lang na ama ko sya at mapatay ko pa.

Mapatay ko pa.
Mapatay ko pa.
Mapatay ko pa.

"H..huh? A..ano i-ibig mong sabihin?" Tanong ko. Kinakabahan ako ah.

"Sorry. Natakot ba kita?" ani nya.

Gustuhin ko mang sabihin na "aba oo, sino ba namang di kakabahan na baka ang kasama ko pala e killer." Kaso wag na lang tumingin nalang ako sa baba at di na nagsalita.

"Haha. Sorry di ko sinasadyang matakot ka. wag kang mag-alala. Di ako killer." ani nya sabay hawak sa baba ko at iniharap sa kanya.

" Eh bakit mo sinabi na baka mapatay mo pa?" Tanong ko.

"Sya ang dahilan kung bakit namatay si mama" ani ni Nikko.

"Huh? Akala ko ba cancer?" naguguluhan kong tanong.

"Yes may cancer sya at may taning na ang buhay nya. Pero base sa autopsy namatay si mama dahil sa high blood. " ani nya sabay tingin sa malayo. Di ko man makita ang mga mata nya di naman naka takas sa aking paningin ang mga kamao nyang nakayukom.

Hinawakan ko ang mga iyon na dahil kung bakit sya napatingin sa akin.Nl
Nginitian ko nalang sya para sa ganon ay gumaan ang loob nya.

"Pero paano mo nalaman na papa mo ang may dahilan?" Tanong ko.

"Nung gabi bago ang birthday ko..August 29  pag kauwi ko palang galing sa workshop naririnig ko na sila mama nag sisigawan.

"Hayop ka ka Immanuel. Minahal kita. Hayop ka. Ibinigay ko sayo ang lahat noon pa man tapos ano? Hah! Malalaman ko na Noon palang! Noon palang na nagkaroon ka ng Pamilya pagkatapos kong ipanganak si Nikko."

sabi ni mama na habang hinahampas si papa sa dibdib. Ako...nagulat ako. Halos di ako makagalaw sa pinto na kinatatayuan ko."

"bakit di ka ba maka tiis ng 9months at nag hanap ka na ng iba? Hayop ka! yaan ba ang dahilan kung bakit ka laging humihingi ng pera sa akin ha! Yan ba? yun ba ang dahilan kung bakit lagi kang late umuwi tapos ilang linggong di umuuwi. PUTANGINA MO KA! GINAGAWA MO KAMING TANGA"

" TAMA NA !!!" 

"Sigaw ni papa habang naka lagay na sa ere ang kamay para sampalin si mama sumugod ako. Pinagsusuntok ko si papa. at sinigawan ko sya.

"TANGNA PA! HINDI KO NGA SINASAKTAN SI MAMA TAPOS IKAW ANG LAGING NANANAKIT SA KANYA! UMALIS KA NA DITO! HINDI KA NAMEN KAILANGAN. WALA KANG KWENTA. DOON KA NA SA PUTANGNANG PAMILYA MO"

"Sigaw ko pero sinuntok nya din ako. doon umawat si mama. Kung sana binantayan ko si mama nung gabing iyon edi sana buhay pa sya. kung wala si papa edi sana may 1buwan pa si mama dito."

Hindi ko napigilang umiyak. Niyakap ko sya. Kahit papano man lang eh gumaan ang loob nya.

Ginantihan nya rin ako ng yakap at narinig ko syang humikbi.

"Shhhh." Sabi ko sabay haplos sa kanyang likod.

Nang mag seven na hinatid nya ako sa bahay.

"Tara pasok ka ipakikilala kita sa mama ko" ani ko sabay hila sa kanya papasok.

"Ma! im homeee" Sigaw ko. Ganito ako lagi tuwing umuuwi.

"Oh anak nandito ka na pala. Oh may bisita ka pasok ka."  Ani ni mama.

"Ah ma si Nikko nga po pala kaibigan ko. Sya po yung kinukwento ko sa inyo" sabi ko sabay tingin kay Nikko

"Hello po Nice meeting you po" Bat ni nikko

"Ikaw pala si Nikko yung kinababaliwan ng anak ko---"

"Mama naman eh" awat ko lagot dederedetso na yan.

"Bakit ba? Hahaha. Ikaw yung pinapanood nya na sobra syang tawang tawa. Eh akala ko nga eh nababaliw na ang anak ko. Jusme! Aba di ko kakayaning mabaliw to... Wala na nga yung tatay nya mawawala pa sya. Hahahaha" sabi ni mama . See? Ang daldal ni mama ko.

After ng Chika ni mama. Niyaya namen na dito na kumain si Nikko. Pumayag naman sya. At pagkatapos non e inihatid ko sya sa labas. Nagpasalamat sya sa akin at natuwa daw sya kay mama.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon