Confess
"W-we? Haha." Ani ko sabay harap sa kanya tumawa ako para maibsan ang kaba at awkwardness na nadarama.
Kahit nakaharap ako sa kanya nasa likod ko paren ang dalawa niya kamay. Lalo tuloy di tumigil sa pag bilis ng tibok ang puso ko.
"Tara Dinner tayo?" Ani niya sabay lahad sa akin ang front seat ng sasakyan niya.
Nang makasakay na ako sa front seat ay pinanood ko naman siyang sumakay." So? Bakit kayo nasa bar ni kelly?" Tanong niya habang naka tingin sa daanan.
"Broken hearted daw haha." sabi ko sabay iling.
"what? Bakit may boyfriend ba siya?" Tanong ni Nikko
"Haha. Akala ko din eh pero ng sinabi niya sa akin kanina na Broken hearted daw siya kasi Yung idol niya si James Reid girlfriend na si Nadine Lustre-"
"WHAT? Pinsan mo ba talaga yun?" He chuckled.
"Wahahaha. Oo kung alam ko.lang na ganon edi sana nag rosary kami sa bahay keysa sa mag pakalasing sa bar" ani ko sabay halakhak.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng Mi Amor Restaurant.
"Tara?" Tinanguan ko siya. Nihawakan niya ako sa likod ng bewang habang pumupunta kami sa table namen.
Ang ganda talaga ng view. Second time ko na dito pero di parin ako nag sasawa.
After nameng kumain nag decide kami na mag lakad lakad muna sa park malapit sa Mi Amor iiwan lang namen yung trailblazer niya sa parking lot.
"Kamusta ka na?" Tanong niya habang nakapamulsa. Eeeh lalo siyang gumagwapo eh.
"Ok lang nasa bahay lang naman ako buong linggo. Eh ikaw? Busy'ng busy ba?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa bench. 7pm palang naglalabasan na ang mga stars.
"Oo, next month kasi may ramp eh. Kaya kailangan perfect kasi puro bigatin yung darating" ani Nikko sabay upo sa tabi ko
"Na-missed talaga kita."Eto na naman di na naman ako mapakali. Gash.
"Sorry ah. Masyado akong naging busy kaya di kita masyadong napagtuunan ng pansin"
Ngumuso ako. " Ha? Ano ka ba naman. okay lang lagi ka namang nag tetext sa akin eh. At saka passion mo yan eh. Sayang yan pag nawala. Eh ako nandito lang ako bilabg kaibigan mo" sabi ko sabay ngisi.
"Oo nga't passion ko ang modeling. Pero ayaw kong mawala ka sa akin" ani niya sa seryosong tono.
"Ha? Sabi ko nga nandito lang ako bilang kaibigan-"
"No. Ayaw ko. Ayaw kong hanggang kaibigan lang eh. Damn. Gusto kong maging girlfriend ka Allana Dela Paz kasi..kasi Mahal kita" ani Nikko.
I was stunned. Di ko alam kung anong ire-react ko.
Tinakpan ko ang bibig ko sa bigla. Ano bang irereact ko?"Masyado bang mabilis,mahal?"
Damn Nikko Montenegro.Pinabibilis mo ang tibok ng puso ko. Ikaw.. ikaw ang dahilan lagi neto. Siguro nga mahal na din kita kahit sa maikling panahon nating pagsasama.
"Pero kaya kong maghintay hanggang sa handa ka na" ani niya
"Manligaw ka muna. Haha" ani ko syempre gusto kp din maranasan kung ano ang feeling ng nililigawan.
"Oo naman. Basta promise mo sa akin na ako lang ah" ani niya sabay akbay.
"Wow. Naka reserve agad. Hahaha.Anong tingin mo sa akin Maraming lalake?" Ani ko sabay tawa.
"Wala akong sinasabi niyan. Tara na nga ihahatid na kita sa bahay niyo baka hinahanap ka na ni mama Felly." Ani niya sabay akbay.
"Mama Felly? Kapatid kita? Ikaw ba yung nawawalang kapatid ko? Wahaha" Biro ko sabay tawa.
"Tch. Ewan ko sayo,Mahal."
M-mahal. Gosh.Tinagilid ko ang ulo ko dahil nag iinit na ang pisngi ko.
"Oh? Wahaha nag ba-blusb ah MAHAL KO. Wahahaha" biro niya sabay tusok sa tagiliran ko.
"Di kaya blush on to no" ani ko.tara na nga." hinila ko na siya papunta sa sasakyan niya
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
RandomHi! Ako si Allana Dela Paz...ang babaeng sekretong umiibig sa kanya.