Bakit?
"Ready?" Tanong nya, pinag kibit balikat ko lang.
"anong meron?" ani ko habang pasakay sa front seat. Pinanood ko naman siyang umikot para makasakay sa driver seat.
"Mall show." Aniya sabay kindat sa akin. Letche.
"Oooh! For Modeling?" Tanong ko
Naging maayos ang byahe namen dahil narin sa masasayang kwentuhan.Nabalot ng tawanan,kwentuhan at tuksuhan ang buong byahe habang pinapark nya ang sasakyan ay biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakalagay sa dash board.
"Please?" Aniya sa akin na nag papahiwatig na sagutin ko ang phone. Naka saksak naman ang phone nya sa stereo kaya naririnig ko.
"Hello? Nik. Nasan ka ba? Isang oras nalang at dapat nandito ka na kanina pa. San ka ba kasi pumunta?" Ani ng bakla sa kabilanf linya.
Nagpalabas ng isang hangin si Nikko sa kanyang bibig bago sabihin ang kataga " Yeah, Papasok na ako sa mall may importanteng tao lang akong dinaanan." Aniya sabay kindat sa akin.Nginiwi-an ko sya kahit nag haharumentado na ako. Napatingin lang ako sa aking mga daliri.
Nang matapos ang tawag niya ay lumabas na kami. Sinalubong agad sya ng mga security at isang bakla na natataranta.
"Oh jesus! Bilis na kailangan mo pang mag ayos." Ani ng bakla sabay taas ng kilay sa akin.Batid kong napansin 'yon ni Nikko.
"Julio." Maraan nyang tawag.
Nang makarating na kami sa activity center ay hindi ako makapaniwalang ubod ng daming tao. As in puno.
Akala lo iiwan nya na ako dito at pupunta sa backstage pero na nag-kamali ako. Lumapit sya sa akin at bumulong " Gustuhin ko man pero ayaw ni Julio, kaya ipahahatid nalang kita sa isang security patungo sa VIP seatsTumango lang ako at nginisian sya. Habang patungo ako kasama ang secu ay nakita ko na grabe pala talaga ang Fans ng Philippines' Masculine Model.
Nakita ko din ang kanya kanyang tarp na dala ng fans mayroong
CharlesLovers
Philipians
Quinatics
NathanBelievers
Nikko Squad
At Halos masamid ako sa sarili kong laway ng makita ang isa pang tarp kay Nikko.....
Nikko's Babies
SERYOSO??? Ang landi talaga!
Lumabas ang isang babae na nasa 20s siguro sya ang mag ho-host.
"MAGANDANG GABI FISHER MAAAAAAAALL!" Masiglang bati ng Host.
"Okay para sa mga hindi nakakakilala sa akin. Ako si Rain Delfilla.Ready na ba kayo na makita ang limang nag gwa-gwapuhang nilalang?" Tanong ni Rain na nag pabulabog sa Fans. Halos mapatakip ako ng tenga sa hiyawan.Samantala ang mga ibang katabi ko ay natawa nalang na para bang sanay na sanay na sila.
Pagkatapos nang sinabi ni Rain ay biglang tumugtog ang Kanta ni Nick Jonas na 'jelous.
Ang unang lumabas ay sa tingin ko ay si Quin. Halos lahat kasi dito at isinisigaw ang pangalan nya.
Sumunod naman si Charles at sinunduan ni Philip at Nathan.
Ang huling lumabas ay si Nikko na...na naka t-topless?
Omfg! For Real?
Habang naglalakad sya ay parang nag slow motion ang lahat.At para akong walang marinig samantalang nag hyhysterical na ang lahat ng fans. At ng magtagpo ang aming mga mata ay bigla nya akong kinindatan. omy-gee nanginginig at nalalambot ang mga tuhod ko.
bakit?
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
De TodoHi! Ako si Allana Dela Paz...ang babaeng sekretong umiibig sa kanya.