Kabanata 6

0 0 0
                                    

Ready?

Months Passed we've been busy for our 'Bring Back The Old Nikko' Project.
Ang dami naming ginawa. Then I realized na ang dami nga nilang ginagawa para mapasaya ang isa't isa.

Inimbitahan nya ako sa condo nya. Yes may condo sya. Minsan lang daw na dedestino pag umo-overtime sya sa pag momodel ayaw nya kasing ma istorbo pa ang kanyang lolo't lola.

Tinuruan ko syang mag luto ng Adobo, dahil yun yung laging iniluluto ng kanyang ina para sa kanya.
Ang gamit pa naming recipe eh sa mama nya den. Binigyan daw kasi sya nun ng nanay nya.

Tapos tuwing umaga nag-jo-jogging kami. Yun naman daw kasi ang weekends routine nila tuwing umaga.

At ang diko makakalimutan ay yung nagbabasketball kami. Wala kaming ginawa kundi tumawa. Magmayabangan sa pag shoot at takbuhan—oh my gosh. Bakita ganun nung niback hug nya ako para mahuli. Bigla akong may naramdamang iba! Strange Feeling talaga. kung dati naman eh balewala sa akin kung magkalapit kami kaso ngayon? Aish ewan.

And now, nandito lang ako sa bahay. Saturday kasi kaya busy sya sa pag mo-model nya.

"Anak?" tawag ni mama sa likod ng pinto.

"Hmmm?" Ani ko sabay bukas ng pinto.

Nang buksan ko ang pinto ko ay isang Mama Felly ang may malaking ngisi sa mukha at may dalang....bouquet of flowers

"Oh Ma, Ano yan?" Tanong ko at kinuha ang mga dala ni mama.

"Naku anak, di mo naman sinabi na nanliligaw sayo si Nikko.Papayag naman ako e. " sabi ni mama sabay halakhak.

"Po?" Tanong ko

"Haha. Wala sige na pagka tapos mo dyan kumain ka na." Aniya sabay alis.

Tinitigan ko ang Isang Bouquet of flowers at binasa ang note.

Hi Ms.Beautiful

Kitakits mamayang 5pm. Susunduin kita.

-- Nikko Pogi.

Natawa ako sa Pag tawag nya sa akin at sa pag dugtong ng isang salita sa pangalan nya. Oo na sige na pogi na sya. What-ever.

Tinext ko sya kung para saan pero di sya nag reply. Gago talaga.

3:00 palang ay naligo na Ako. Halos Mahigit isang oras yata akong naligo sa sobrang init. Kaya ng bandang 4:40 ay natapos na ako lahat lahat—sa pag me-make-up, pag aayos ng kung ano ano ng biglang sumigaw si mama na nasa baba na daw si Nikko.

Kaya bumaba na ako. Naabutan ko naman siyang prenteng nakaupo sa sofa at binabasa ang isang magazine doon. Pero napukaw ang atensyon nya ng makita akong pababa sa hagdan. Ngumuso ako samantalang lumapit sya sa akin ng naka-ngisi.

"Ready?" Tanong nya.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon