Ch. 10 - TEXT ME MAYBE! (*^*)

2.3K 44 2
                                    

CHAPTER 10 - TEXT ME MAYBE! (*^*)

Maaga akong nagising, pano ba naman kasi excite na excite na akong pumasok. Hindi parin kasi ako maka-move on don sa nangyari kahapon. Haha. Parang panaginip talaga yung nangyari kahapon, at feeling ko nananaginip parin ako. Parang lumilipad sa ulap. Lalalala :D

*Beep beep beep*

"Ay sorry po!" muntik na kong masagasaan, naglalakad lang ako ngayon. tutal malapit lang. Sayang pamasahe. At isa pa! Sobrang aga ko kayang pumasok kaya wala akong masasakyan kaya lalakarin ko na.

"Ang ganda naman ng bukid!" may bukid kasi malapit sa school namin, napakaganda. Sa may gilid kung saan may nakaumbok na lupa na pwedeng daanan ng tao ay may mga puno ng buko tapos sa kaliwa naman ay may kubo...munting kubo. Ang ganda talaga, yung mga palay ay kulay green tapos yung ulap kulay blue, may mga nagkukumpulang ulap at ang ganda nun.

Nang makarating ako sa school. Gaya ng inaasahan, ako palang ang tao sa loob, isama na antin yung guard at hardinero, nakakahiya naman sa kanila. Bali mga tatlo lang kami. Napakatahimik ng school. Sinuot ko yung mga earphones ko at nagsoundtrip lang ako hanggang sa dumating lahat ng estudyante pati mga teacher.

"wala pa siya! Wala pa yung motor niya!"

Hinihintay ko talaga sya. Nang biglang tumugtog yung Mr. Kupido.. hays napasabay na ako sa kanta.

"Mr. Kupido! Ako nama'y tulungan mo. Bat hindi panain ang kanyang damdamin, at ng ako ay mapansin. Mr. Kupido, sa kanya'y dead na dead ako. Wag mo ng tagalan ang paghihirap ng puso ko." napangiti ako, feeling ko kasi nakakarelate ako.

"HOOOOOOOOOOOONEEEEEEEEEEEEEY"

"Okay, Papalapit na yung madaldal"

"Oy ang aga mo ah!"

"Oo nga eh, Diko alam kung bakit!"

"Oh alam ko naman kung bakit eh!"

"tara na magsisimula na maya-maya yung flag ceremony!"

"Maaga pa!" napatingin ako sa relo ko at maaga pa nga.

"Samahan mo ko, di pa ako nag-aalmusal" sya

"Hay nako! Dapat kasi sa bahay ginagawa yan."

"eh sa mlelate ako eh" tapos nagpout sya na parang bata. Hays pektusan ko kaya to

"Oh tara na nga!"

Pagdating naman namin sa canteen, puro fieldtrip yung pinag-uusapan ng mga estudyante. Malapit na kasi fieldtrip namin at last fieldtrip na namin to ng mga classmate ko.

"Oh bakit? Kelangan bang palaging mahaba yung neey?"

"Haha kain ka oh!"

"Hindi na Mariz, busog pako!"

"Pero ang aga mong pumasok, panigurado nagugutom na yung mga bulate mo sa tiyan mo!"

"Haha buwaya laman neto!"

"Haha gaga talaga neto!"

Nagdaldalan lang kami hanggang sa magsimula na ang ceremony. Pero syempre tahimik na nung nagsimula na.. Hindi ko parin talaga makita si sir. Baka di pumasok. Hindi ko kasi makita yung motor nya ni anino niya diko makita. Nalulungkot ako.. Awwwww. Sa ganito pa namang sitwasyon bigla na lang akong nananamlay. Haha charotera eh.

After nung ceremony, nakalinya kaming bumalik sa mga room namin. Nakayuko lang ako habang naglalakad ng may biglang humablot sakin. Napatili tuloy ako sa sobrang gulat. Nabigla kasi ako sa pangyayari, ikaw ba naman na nagsesenti tapos para kang dinukot. Mas lalo akong nabigla ng makita ko kung sino yung humablot sakin.

"Honey sorry! nagulat ata kita!"

"Sir ikaw pala! Okay lang, may kailangan po ba kayo?"

"A oo uutusan sana kitang kunin mo yung list nyo at celphone number ng klase nyo"

"Ay para san po yun?"

"Diko alam eh! pero sabi nila para sa fieldtrip daw!"

"A opo gets ko po! Papasok po ba kayo mamaya?"

"Diko alam eh, baka hindi. Madami kasi akong gagawin eh!"

"Ah ganun po ba?" :((

"Honey eto number ko, isave mo"

"PO?! Ah wait!" nilabas ko yung phone ko na ahloss tarantang-taranta

"Eto 09123456789, itext moko kung tapos na at itetext kita kung saan mo ko pupuntahan."

"Sige po!" shock (O.o) I can't believe it.

"Sige aalis nako!"

"Sige po!" Iniwan na ako ni sir na nakatulala sa dami at bilis ng pangyayari, natulala na lang ako. Basta ang alam ko lang MAYROON NA KONG NUMBER NYA!!!

"kyaaaaaaaaaaah! Aaaaaaaaah Hihi XD" nagtatalon ako sa tuwa, diko alam kung anung meron sa araw na to at bakit masyado akong pinagpala.

"Oy honey napano ka?" tanong nung classmate ko

"Ah wala naman, nakita ko na yung One Piece!"

"Huh? One Piece? Baliw ka na!"

"haha! tara na nga!" umakbay ako sa kanya papunta sa room namin.

First subject namin ay Trigonometry. Sakit sa bangs! (_,_") Pero kembot lang, mamaya itetext ko si sir. Haha I Love this day! Ginagawa ko na yung list para sa vacant period namin ay maibigay ko na kaagad kay sir. Sa phone ko na lang kinuha yung mga number, tutal ay lahat naman sila may number sakin. Then, eto na recess na namin, kinuha ko na yung phone ko at nagtext, nakikita kong kinakabahan ako kasi nangangatog yung mga daliri ko, haha. First time eh.

Pagkasend ko, mabilis kong nareceive yung reply ni sir. "nandito ako sa room ng TLE, hatid mo na lang dito. Salamat! :)"

Napayuko ako sa desk ko tapos narinig kong nagpuntahan yung mga classmate ko sakin.

"Honey ok ka lang?"

"May masakit ba sayo?"

Napatingin ako sa kanila at ngumiti...

"Anong nangyari sayo? bat namumula yang mukha mo?"

"Nasa langit na ba ako?"

"Hala baka kinikumbulsyon na!"

Nagpasama ako sa classmate ko para ihatid yung list. Iba yng feeling, excited ako na kinakabahan pero parang balewala lang kapag naaalala kong may number na ko ni sir! Emeged. Haaaaaay! :">

Teacher, Teacher, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon