CHAPTER 5 - QUIZ HAHA!
Honey's POV
Nakakabaliw naman yung panaginip na yon.. parang t-totoo. Pero ano nga naman ba ang dapat kong asahan? Kabaliktaran nga pala ng panaginip ang katotohanan. Malabo naman kasi talaga. Si SIR! magkakagusto SAKIN? Imposible naman diba. Isa pa TEACHER sya at STUDENT niya lang ako. Malabong malabo yung mga pagpapantasya ko. Nakakainis nagmumukha lang akong tanga sa mga pinag-gagawa ko.
"Anong ibig sabihin nito? Na hindiko na sya gusto? Na ayoko na sa kanya?" aysss naman nakaka-depressed to ah. TLE na naman namin.
Habang nagsasalita si sir. Ako naman, iniisip ko parin yung panaginip ko.
"Ano na naman ang iniisip mo?" may bumulong sakin
Hallucination ko lang siguro.
"Hindi mo ba ko papansinin?"
"Hay nakooo. Yung bumubulong sakin parang kaboses ni ano kaya siguro hallucination nga lang talaga." mahina kong sabi sa sarili ko. Nakatingin kasi ako sa bintana.
"HOY!"
"AY PALAKA!" tapos nahulog ako sa inuupuan ko. Awww ang sakit.
"Oh tayo na!" tapos inabot niya sakin yung kamay niya. Inabot ko naman para makatayo ako.
"Hindi ako palaka ah! Ang gwapo ko namang palaka"
"Ay sir sorry po!"
"Ano ba kasi ang iniisip mo? At anong uri naman ng palaka yan at ayaw mong makinig sakin."
"Ay sir, hindi naman!"
"Hahahaha.. Makikinig ka kasi sa itinuturo ko.."
"OKAY CLASS.. LET'S HAVE A QUIZ!" sigaw ni sir tapos nakangiti sya sakin.
"Ang gara talaga neto.... Ano bang tinuro nya??" napakaharsh nya maygad
Dictation ang ginawa ni sir. Tapos sakin sya laging nakatingin, sa bawat tanong niya di naaalis yung tingin niya sakin. Emeged diko alam kung kikiligin ako o maiinis. Parang pinag-iinitan ako eh. Haaaay Bipolar din ata ako eh. Kanina lang nadedepressed ako tapos kinilig tapos ngayon nainis naman. Yung totoo? Sino niloloko ko?
10 items lang naman yung quiz eh. Yung 1 to 9, sigurado akong tama ko. Pero yung pang-sampu, diko alam kung ano ang isasagot. Kahit anong piga ko sa utak ko, wala akong makuhang sagot. Aaaaargh ano bang gagawin ko? Si sir naman nakatingin parin sakin. Ano ba sa tingin nyang gagawin ko? Am I going to cheat? whoa NEVER!
"Okay Class! Time is up! Pass your paper."
Aaaaaaaaaaargh kahit wala akong sagot sa 10 pinasa ko na yung papel ko. Anong magagawa ko, walang wala eh. Tapos si sir parang natutuwa pa. Tsss halikan kita jan eh. Tsu imposible.
Nung pagkasabi ni sir na tapos na yung klase namin. Bumaba ako agad ni hindi nako tumingin pa sa kanya. Mainis nya ko eh.
"Guys magpractice na tayo ng volleyball!"
Sumunod naman sakin yung mga kateam ko. Nagpalit lang kami saglit ng damit tapos naglaro na. Habang naglalaro kami nakita kong nakatingin samin si sir mul dun sa room namin sa TLE sa second floor. Nakangiti sya emeged, anjan na naman yang nakakaloko niyang ngiti. Nakakainis na nakakakilig. :"))
"HONEEEEY!"
(<_<) (>_>) (O.O) aaaaaaahhh..
Aaaaawww a-aray ang sakit nun. Napa-upo ako sa lapag sa sobrang lakas ng impact ng pagtama sakin ng bola. Ang sakit naman kasi talaga. Aray
"Magpahinga ka muna, parang kanina ka pa wala sa sarili mo!"
"May problema ba? Parang wala ka sa focus eh"
"ah ah wala. Hehe"
Pagkaupo ko sa stage biglang lumapit sakin yung classmate kong si Rhia. May inabot sya saking 1/4 na papel. Ah yung quiz namin sa TLE. May nakasulat dun sa likod. "Ayan ha! Naka 9 ka pa. Kung nakinig ka baka naperfect mo pa yung quiz kanina. :) "
Napatingin ako dun sa corridor dun sa 2nd floor at tawa ng tawa si sir. At mukhang malakas yun as in malakas. kasi may pahampas hampas pa sya sa may bakal dun. Napaka-isip bata talaga. Pero sya naman talaga an pinakabata na teacher sa school namin eh. Pinaka bata, pinaka makulit at pinakagwapo syempre. Well It's given.
Tinapos lang namin yung practice namin at nagsi-uwi na! Pagod na pagod yung katawan grabe. Tapos nagugutom pa.
"Ang sakit ng kamay ko, ayan namamasa na! Nasapul pako ng bola kanina, sa mukha pa! Ang sakit nun ah!"
"Gusto mo?" may nag-abot sakin ng cup na may lamang BUKO! Emeged pampatanggal ng uhaw.
"Adrian wag na, baka mawalan ka!" hay wag kang pumayag, ibigay mo sakin. Dali. Naglalaway nako.
"Hindi! Ok lang dalawa naman yung dala ko eh!" YES! woohooo. Libreng malamig na buko. hindi sya prepared no?
"Sige na nga! Salamat!" pero ang totoo di ako napipilitan. Haha
"Malapit na yung Intrams no?" Adrian
"Ah oo, kaya nga kailangan na naming magpractice ng husto para manalo"
"OO nga napansin ko. Ang dami mo kasing pasa sa kamay."
"Eto ba? wala to! Mawawala din to kaagad"
Hinawakan ni Adrian yung kamay ko at...
"Naku di yan mawawala kaagad, pano yan? Di ka na makakasali sa Mr. and Ms. Intramurals"
"Naku wala akong balak sumali sa mga ganyan."
"Haha sayang naman yang ganda mo."
"Hahahahaha nako Adrian wala akong piso, wag kang mang-uto"
"Hindi naman kita inuuto eh"
Tapos nagtawanan kami. Ang loko-loko kasi netong lalaking to eh. Nagulat kami ni Adrian ng may mabilis na motor ang dumaan samin at natalsikan kami ng puik na nasa harap namin. At alam ko kung sino yun.
"Pwe pwe. Ano ba yan? bleeee parang pinakain satin yung putik."
"Ok ka lang ba Honey?" tanong ni Adrian.
"Ah okay lang"
Nanghihinayang lang talaga ako sa mga iniinom namin, pano kasi yung puting buko naging chocolate na dahil sa putik... Pagod, Mabaho at Gutom ang peg ko ngayon! AZAR diba?
BINABASA MO ANG
Teacher, Teacher, I Love You
Novela JuvenilIsang cute na babae na na-fall in-love sa kanyang Teacher! Diba bawal ang relationship between teacher and student? Paano niya maipaglalaban ang kanyang nararamdaman kung You and Me against the world ang drama ng mga tao sa paligid niya. Ipaglal...