CHAPTER 11 - FIELDTRIP
Oh yeah! this is the day! Fieldtrip na namin, dala-dala ko na yung back pack ko at camera syempre pang-remembrance din yun. 9 am na at wala pa rin si Mariz, nakakainis baka maiwan yon. Napaka-bagal kasi kumilos. Ang usapan pa naman ay 9 in the morning, aalis na kami.
"Students nandito na ba ang lahat?" tanong nung teacher namin sa Social Studies.
"Sir wait lang pooooooo!" Mariz, habang hindi magkanda-ugaga sa mga dala niyang gamit.
"oy ang tagal mo naman!"
"Pasensya na talaga! Sige tara na!"
Pagpasok namin sa BUS, nagpicture picture na kami ni Mariz, kahit anong pose. Wacky pa nga eh.
Kung saan-saan kami nakarating sa fieldtrip na to, diko na nga maalala yung mga lugar eh. Basta yung una, dun sa parang museum ng mga tao na naka-wax. Picture lang kami ng picture ni Mariz habang nagpapaliwanag yung nagtu-tour samin kung ano yung tawag sa ganito at ganyan at kung anu-ano pa. Tapos nahinto kami sa Luneta, ewan ko kung bakit. Pero ang ganda pala dun. Ang daming mga love birds na kung saan-saan nagtutukaan. Sarap ikulong sa salang PDA Public Display of Affection. Meron bang ganung batas?
*beep beep* Ah? 1 message received. "Ingat :)" yun yung laman ng text message. Oh? So? Biglang nanlaki yung mata ko na parang ganito -----> (O.o) nung nakita ko kung sino yung nagtext. Kyaaaaaaaaaaaaaaaah si Sir Christian My Honeybunch! +(*o*)+ emegeeeeeeeed
"Waaaaaaaaaah Mariz, tignan mo to oh, nagtext sakin si sir oh.. hihi XD" inabot ko kay Mariz yung phone ko at natawa din sya..
"O bat ka natatawa?" kasi naman parang tangang bigla bigla na lang tatawa. Mapepektusan sakin to.
"Haha malay mo na-wrong send lang!"
"huh? wrong send? Imposible!"
"Haha sabi mo eh."
Nagstop muna kami sa isang kainan at doon nag-lunch tapos nagtake kami ng picture na souvenir namin na nanggaling kami sa place na yun. Pagkatapos nun nakarating kami sa isang University at sabi nila matandang school na daw yun. Matagal kaming nagpaikot-ikot dun. At nakakapagod, binigyan kami ng break na 15 minutes para mag-cr at bumili ng snacks. kaya nag-cr na muna ko. HIndi nako nagpaalam kay Mariz kasi natutulog sya.
Pumasok ulit ako dun sa campus para maghanap ng cr. Diko akalaing malaki pala sya kapag mag-isa ka lang naglilibot.
"Kuya san po ba ang CR dito?" tanong ko dun sa guard na nakasalubong ko, chubby sya at mga nasa 40 na yung edad nya.
"Ah dyan sa building na yan. Bawat palapag may CR" pagtuturo nung guard dun sa building na napakadilim, maaga pa naman pero parang ang dilim-dilim doon sa building na yun at mukhang nakakatakot. Awoooooo
"Salamat po!" nagmamadali na kong pumunta dun sa building kasi talagang sasabog na yung pantog ko.
"Ay ang dilim naman dito. Wala bang klase?" yun na lang yung sinabi ko pagpasok dun sa building na yun, kasi talagang nagtatayuan yung mga balahibo ko. Matatakutin kasi ako. Hinahanap ko sa Ground floor yung CR pero diko makita, paikot-ikot ako pero diko makita. Nung mga bandang nakarating ako malapit sa hagdanan, nakita ko yung CR sa may bandang gilid. Kaya nagmamadali nakong pumasok kaso may nakasulat sa pinto na "OUT OF ORDER" sheeeeet ano ibig sabihin nun? Aakyat pako? Ayoko na! Natatakot nako. T.T Tapos umakyat naman ako sa 2nd floor at pagdating ko dun, nakapad-lock naman yung CR. T.T Nakakaiyak talaga. Ang dilim dilim pa. Umakyat pa ako sa 3rd floor at finally may CR na kong magagamit. (-_-") whoa. Akala ko di nako makakapag-CR. Baka maihi na lang ako kung saan.
"Hay Salamat!" bumaba na ko at baka maiwan ako ng bus, mga ilang minuto na lang kasi at tapos na yung 15 minutes break na binigay samin.
"Teka! Saan ba ko dumaan?" diko na maalala kung saan ako dumaan kasi naman sinundan ko lang naman yung mga sign kung nasaan yung CR tapos ngayon.. Huhuhu T.T Nawawala na ata ako. Kung saan-saan ako dumadaan, diko naman alam na may daan pala dito papunta sa kabilang building at Aaaaaaaaaaaaarrrrrgh Paikot-ikot lang ako.
Takbo dito, takbo doon ang pinag-gagawa ko.. Tinawagan ko yung mga classmates ko pero "WALANG SIGNAL? Paksyete. (-_-") Grabe bundok ba to? Bakit walang signal?" maiiyak nakong napaluhod sa kinatatyuan ko. Ba naman kase, magsi-CR lang po ako, bakit may ganitong sitwasyon? Ahuuuuuu T.T Baka naiwan nako nila Mariz. Si Mariz naman, tulog pa ba yun at hindi man lang ako nagawang hanapin? (=.=) Nasilaw ako sa ilaw ng bigla itong bumukas. Ngayon naman may multo na ata.
"Miss anong ginagawa mo dyan?" tanong sakin nung guard.
"naliligaw po ako!" mangiyak ngiyak kong sabi dun sa guard
"Pano ka maliligaw dito? Haha ay nako kung binuksan mo kasi yung ilaw edi sana kanina ka pa nakalabas."
"Ay sorry naman po. Diko naman po alam kung nasan yung switch ng ilaw eh" Pinagtatawanan lang ako nung guard. Nako Honey, dapat kasi ang katangahan iniiwan sa bahay.
"Aaaaaaaaaaah nasan yung bus? Nasan? Nasan?" tinignan ko yung relo ko at 30 minutes na pala ang nakalipas. "Naiwan ako!" T.T
*Beep beep beep beep* sunod sunod na text message yung nareceived ko lahat galing kay Mariz.
"San ka?"
"Nasa ibang bus ka ba?"
"Kanina pa pala umalis yung bus, nasan ka ba?"
"Nasaan ka ba? Dimo man lang ako ginising!"
"Oy magreply ka! Naiwan ka ba?"
"Oy text back naman oh!"
Ang daming text at miss calls kasi naman walang signal. *MARIZ CALLING*
"Hello?"
"Oy honey! Salamat naman at na-contact din kita! Nasaan ka ba?"
"Naiwan ako dito sa University na pinuntahan natin."
"Ha? Bakit? Paano? Babalikan ka namin. Hintayin mo kami"
"Wag na. Uuwi na lang ako! May pamasahe naman ako eh!"
"Sigurado ka ba? Malayo pa to sa inyo!"
"oo, basta ako na bahala sa sarili ko. Buti na lang at navibes kong may mangyayaring ganito kaya may dala akong extrang pera. Haha"
"Ang adik mo! Sige! Pupuntahan kita sa inyo mamaya! Hihintayin kita!"
"Sige!"
*End of Call*
"Hahaha!" di naman ako tumatawa ah. Sabi na may multo dito eh. Tss (-_-") tigilan nyo ko, wala ako sa mood. Napalingon na lang ako ng dahan-dahan kung may tao bang tumatawa sa likod ko.
"(O.O) omaygad!" shocks! nakakatakot! Nakakatakot sa sobrang kagwapuhan! :"> Nakakapanglaway
"Hahaha sabi ko na nga at maiiwan ka eh!" Tawa sya ng tawa, nabaliw na ata. Pero ang gwapooooo. I Can't Explain it. Pero ang gwapo niya kapag hindi naka-uniform!
"Sir Christian!" T.T huuuuu
"Hahahaha, bat naluluha ka?"
"wala po!"
"Tara sumama ka sakin!" hinawakan nya yung kamay ko.
"San po tayo pupunta?"
"Gala tayo!" bakit ba palagi na lang akong ginagala neto? Hahaha sa panaginip lang pala yun. Kasi naman, iiiiiiiiiih nikikilig akuuuuuu! Ang sarap sa pakiramdam ng hawak niya sa kamay ko. Naalis lahat ng worries ko.
Nangiti ako sa sinabi niya, maloloka ako neto. Hahahaha. Kung saan-saan kami pumunta sa EK (Enchanted Kingdom), First time ko dun beybe tapos sya pa yung kasama ko. Picture dito, picture doon yung drama namin, buti na lang at malinaw tong camera ng cellphone ko, naiwan ko kasi sa bag ko yung camera at yung iba ko pang gamit. Pero ok nato, choosy pa ba? Atleast enjoy naman kasi si sir yung kasama ko! Hihihi :">
BINABASA MO ANG
Teacher, Teacher, I Love You
Fiksi RemajaIsang cute na babae na na-fall in-love sa kanyang Teacher! Diba bawal ang relationship between teacher and student? Paano niya maipaglalaban ang kanyang nararamdaman kung You and Me against the world ang drama ng mga tao sa paligid niya. Ipaglal...