Ch. 14 - KONTI LANG :D

2.2K 46 0
                                    

CHAPTER 14 - KONTI LANG :D

Hays.. Ang inet... Ang bilis ng bakasyon at ngayon... COLLEGE NAKOOOOOOOOOOOO! Parang dipa ko ready.... Pero okay lang naman kasi classmate ko parin si Mariz, Haha di na ata kami maghihiwalay nito eh. Tapos syempre konting adjustment kasi iba ibang tao na yung nakakasalamuha namin as in iba ibang alien na ang nakakasama namin. May mga classmate kasi kami koreano at Japanese. Dalawang Japanese, Tatlong koreano tapos may galing pang Thailand, emeged hawig ni Mario Maurer. Kaya ayun si Mariz dumadamoves na. Hahaha XD

MOnday ngayon at sa Sked namin, 9 am pa ang pasok namin, kaya naisipan kong sumaglit dun sa School ko nung high school! Alam na kung bakit. Para-paraan syempre.

"Ate Honey ikaw ba yan?" may lumapit kasi saking bata mga 2nd year na to.

"Ay HI!"

"Anong ginagawa mo dito?" bakit di pwedeng dumalaw? Masama? Chos lang

"May kukunin lang sana! Andyan ba si sir Christian?" Kunwari may kukunin ako kahit wala, baka sabihin netong batang to eh, makire ako. Kahit totoo naman.

"Ah wala eh, di na daw dito magtuturo yun eh!" (O.O) omaygad ohnoooooooo. HIndi to pwedeeeeeeeeeeeeeeee

"Ha? Bakit daw?"

"Walang nakakaalam. Pero di pa naman sure eh! Chismis pa lang!"

"Ah ganun ba? Sige mauuna nako. Malelate na kasi ako eh. Salamat."

"OK bye bye! Ingat!" tapos kinawayan ako nung bata. At umalis narin ako.

Hala san naman napunta yung mahal ko? Naku po! Baka ikinasal na dun sa INCHIK na yun. Di pwede yun. Hala pano na ko? ODK

Dumiretso nako sa University na pinapasukan ko, malelate na ako eh. Terror pa man din yung 1st subject ko, mahirap na.

Nakarating ako ng nasa oras, kaya ligtas ako kay Madam Terror. Child and Adolescent Development yung subject namin sa kanya, kailangang mag-aral kasi bigla bigla na lang syang nagtatawag at kung hindi mo alam ang sagot. Tumataginting na 70 ang ilalagay sa recitation mo. At ayoko nun. (-_-") pwede bang umuwi na?

"Sa wakas at tapos narin ang 3 years na pagtuturo ni maam"

"Hahaha baka marinig ka!" Mariz

"Alam mo kahit na college na tayo at ang hirap mag-adjust, pasalamat na lang ako at classmate pa rin kita! Kasi baka nangangapa ako ngayon."

"Alam mo nag drama mo te! Ahahaha"

"Eh pero basta ang ganda mo, bagay sayo yung uniform natin ngayon"

"Ah talaga! Dahil jan, ililibre kita ng Maiinom!"

"Ah talaga Salamat!"

"Sige saglit lang, bibili ako!"

"samahan na kita!"

"Wag na dyan ka na lang!" tapos nun umalis na sya. Ako eto naghihintay sa ilalim ng malaking puno may bench dun at doon na ko naupo. Mga 2 hours din yung vacant namin kaya sarap maglagalag sa 2 oras na libre ka. Iniisip ko parin kung nasaan na kaya si sir? Saan kaya yun ngayon? Ang gara naman kasi, bigla bigla na lang nawawala, wala man lang pasabi. Psh As if naman na magsasabi sakin yun, ANO AKO? GIRLFRIEND? Baka natuloy na yun sa China at nagpakasal na don sa Chinese na yun. At isa pang hindi ko maintindihan. Bat kailangang makialam ng mga magulang sa gusto ng anak? Di ba nila iniisip na ayaw ng anak nila yung mga desisyong ginagawa nila.

"Miss Paupo ah!" may tumabi sakin, malaki naman yung upuan at kasya kahit marami. Napalingon na lang ako dun sa tumabi sakin, malay nyo ohms din. Haha kakire lang

"+(O.o)+ SIR CHRISTIAN?!!!!"

"Oh hi! Ikaw pala, Anong ginagawa mo dito?" napahawak siya sa batok niya. Ano naman ang ginagawa nya dito?

"Dito po ako nag-aaral! Kayo po?"

"masteral????" dika ba sigurado? at may masteral ba ang TLE? At ayyyys ang laboooooo...

"Nabalitaan ko pong hindi na kayo nagtuturo dun sa TNHS?"

"Ah oo eh! Baka lumipat ako ng ibang school! Sila mama kasi gustong ikasal na kami kaya, takas takas din pag may time."

"Eh parang ang bilis naman!" eh di hindi ka nga nagpunta dito para magmasteral.

"Ewan ko sa kanila!" tapos parang biglang naging seryoso yung mukha niya.

"kailan ko ring kasing magtago at lumayo eh!" ang lungkot ng dating ng boses niya. At parang ang seryoso niya.

"Ha?" diko din kasi alam ang sasabihin eh

"Magtago ng nararamdaman at Hwag hayaang lumayo ang minamahal"

"Sino po? At parang medyo korni ah! Haha?"

"Hhaha secret! Sinabihan mo kasing korni eh!" Tapos bigla ulit naging masaya yung reaksyon niya at parang balik sa pagiging masiglahin niya.

"Ngeee ang gara naman sir! Sabihin mo na!"

"Teka pwde bang alisin mo na yung sir sa pagtawag sakin?"

"Bakit naman po? Naging teacher ko kayo kaya pag-galang po yun!"

"naiilang kasi ako. Tsaka hindi naman nagkakalayo mga edad natin."

"Eh!" hindi ko alam ang sasabihin ko. Eh ano naman ang itatawag ko sa yo? Kuya? Mas prefer ko nag HONEYBUNCH! Haha chos.

Tapos natahimik kami. Mga 15 minutes siguro kmaing tahimik. Asan na ba si Mariz? Nagulat ako kasi bigla syang ngumiti. (__#) ano bang iniisip mo? Nababaliw na yung honeybunch ko.

"Sana lang gusto rin niya ako!"

Sino ba kasing babae yan? Ampaka swerte naman niya.

"Siguro yun! Sa gwapo nyung yan?"

Tapos natawa lang siya. Bakit? JOke ba? Ang epic ko ba? Tss anobayan?

"Hindi rin!" tapos tawa parin sya ng tawa

"malay mo!"

Pagkasabi ko nun, napangiti sya. Tapos natahimik ulit...

Teacher, Teacher, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon